You are on page 1of 1

Sa panahon ngayon ang ibang studyante ay walang modo at walang respeto sa mga guro.

Para sa akin,
mabuting kilalanin ko muna ang aking mga studyante para maayos ang pakikitungo nila sa akin at
malaman ko kung ano ang mga problema nila at maisaayos ko at ibahin ang teknik ng aking pagtuturo
ukol sa gusto nila. Bilang isang studyante mas gusto ko na parang kaibigan ang turing sa amin ng aming
mga guro. Sa paraang iyon hindi nakakatamad makinig at may buhay ang itinuturo sa amin at parang
kaibigan lang ang kausap namin, pero syempre kailangan pa rin ng studyante rumespeto at dapat
maayos ang pakikipagusap sa guro. Sa paraang iyon din ay mas maiintindihan at klarado ang bawat salita
na sasabihin sa amin. Maliban doon, mas maganda kung may mga nakakaengganyong mga laro o
nakakatawang biro habang nagtuturo. Ang nanay naten ay hirap magpalaki ng isa hanggang limang anak,
paano pa kaya ang guro na may hawak na higit pa sa isang daan na studyante. Para sa akin ang guro ang
may pinakamahirap na trabaho sa buong mundo. Lahat ginagawa nila para lang matuto ang mga
studyante, lumaki ng may kaalaman at magkaroon ng mabuting asal. Kung ako ay magiging guro lahat ng
paraan (mabubuting paraan) gagawin ko para lang maibigay ang de-kalidad na edukasyon ng mga
magaaral ko para sila ay matuto at makapagtapos.

You might also like