You are on page 1of 1

Noong ako'y bata pa, lagi kong naririnig sa aking mga naging guro, na ang pagtuturo ay hindi birong

propesyon, at napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa kanilang mga balikat. Sa mga panahong
iyon, hindi ko lubos maintindihan ang kanilang sinasabi. Subalit, makalipas ang maraming taon,
nagtapos ako ng pag-aaral, naging ganap na guro, ngayon ko pa lang napagtanto ang kanilang mga
sinabi.

Pero para sa akin, masaya at masarap maging isang guro. Nagbabahagi ka na ng iyong kaalaman, may
natutunan ka pang bago sa tinuturuan mo. Matututunan mong humarap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula
sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Matututunan mong magpahaba ng pasensya na siyang
kailangan. Matututunan mo kung paano rumespeto at dumisiplina ng sarili at ng ibang tao na lalo mong
kailangan. Matututunan mong magsakripisyo alang-alang sa ibang tao. Matututunan mong makinig sa
problema at payo ng iba at gawan ito nang solusyon pa sayo at sa ibang tao.

You might also like