You are on page 1of 2

Igan (Alamat ng Iligan)

Noong unang panahon, May isang lugar na nag ngangalang Bayug. Ang bawat naninirahan
sa lugar na
ito ay masaya at puno ng pagmamahalan sa isa’t- isa. Hitik ito sa likas na yaman,
magagandang tanawin
at mga talon na kay sarap paliguan. Dito din isinilang si Igan. Simula sa kanyang pagkabata
si Igan ay
likas na matabil, malikot, at malimit na sumusuway sa ipinapangaral ng kanyang mga
magulang.

Isang araw, si Igan ay inutusan magtungo sa kabukiran upang dalhan ng pagkain na


inihanda ng
kanyang inay ang kanyang itay, Subalit, sa halip na magtungo sa bukid, si Igan ay
tumuloy sa kagubatan
upang manghuli ng ibon. Gamit ang kanyang tirador, kaliwat kanan niyang sinapul ng bato
ang mga
inosenteng ibon. Ang kanyang Ama, na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa kabukiran ay
lubos ng nag-
aalala kung bakit siya (si Igan) ay hindi pa nakakarating. Lumipas na ang pananghalian
hanggang
kinahapunan, hindi pa umuwi si Igan mula sa kagubatan. Lubos ng nababahala ang kanyang
Ama at Ina
Malapit ng magtakipsilim hindi pa rin dumating si Igan sa kanilang tahanan. Nang gabi
ding iyun, ang
mga magulang ni Igan ay tumawag sa diwata ng talon kay Maria Cristina. “Maria
Cristina, ikaw na ang
bahala sa aming pinakamamahal na anak. Kung nasaan man siya ngayon, pangalagaan mo
siya kahit siya
ay may hindi magandang ugali. Sakaling hindi na namin siya matagpuan., gawin mo po
sanang
makabuluhan ang kanyang buhay…”

Sa kagubatan , sa kinaroroonan ni Igan, ay ganap ng lumatag ang kadiliman. Sinagilahan na


siya
ng takot sa kadahilanang hindi nya matunton ang landas na tatahakin patungo sa kanilang
tahanan.
Patuloy pa rin sa paglalakad si Igan sa pagbabakasakaling mahanap niya ang daan pauwi sa
kanilang
bahay. Nang nasa kalagitnaan na siya ng gubat, nakasalubong niya ang isang matandang
kuba.
Tinanong niya ito kung alam ba nito ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Subalit sa halip
na sagutin ng
matanda ang kanyang tanong, humingi ito ng pagkain sa kanya. Dahil hindi likas kay Igan
ang pusong
mamon, hindi niya pinagbigyan ang matanda at sinabi pa niyang wala siyang dalang
pagkain. Inulit muli
ng matanda ang paghingi ng kay Igan. “Iho may dala ka bang pagkain? Maaari mo ba
akong bigyan kahit
kaunti?” sambit ng matanda. Hindi kumibo si Igan, sa pagkakataong ito nagalit ang
matanda, Isang himala
ang nangyari ang matanda ay nagpalit ng anyo ng isang napakagandang babae siya pala ay
si Maria
Cristina.

Maya-maya’y nagsalita ang babae at nagwika , “Bata!, dahil sa iyong pangit na ugali, ang
iyong
nakagawiang pag-iwas sa tamang asal ay bibigyan ko ng kapalit na kaparusahan. Simula sa
araw na ito
mananatili kang nakatayo sa iyong kinaroroonan at magsisilbing taga bantay ng bayan na ito.
Ikaw ay
gagawin kong isang malaking haligi isang moog na haharang sa lahat ng may masamang
ninanais sa
bayan na ito.”

At gayun nga ang nagyari kay Igan. Mula nga noon, si Igan ngayon ay isa ng haligi ng
Bayug, na
patuloy na nagtatanggol sa mga mamamayan dito na parang kanyang hinaharangang
makapasok ang mga
may masamang ugali sa kanyang lugar na sinasakupan. Naging takbuhan ng mga naaapi
ang bayan ng
Bayug. Dahil dito, pinangalanan ng tao ang Bayug na isang lugar kung saan ay maiilagan
ang lahat na
kasamaan. Mula nga noon ang lugar na dati ay Bayug ngayon ay kilala na bilang bayan ng
Iligan na ang
kahulugan ay “Kuta ng Salag” o sa ingles ay, “ Fortress of Defense”

You might also like