You are on page 1of 3

Concepcion Holy Cross College Inc.

Minane Concepcion, Tarlac

Philippines, Region III

Pagganap ng Gawain
sa
Pagbasa at pagsusuri

Ipinasa ni:
Khrista Anne C. Santiago
11 – St. Therese

Ipinasa kay:
Arlene Marie Amurao
Teacher .
Ang Mabuting Pinuno

Ang isang magaling na pinuno ay may pagkatao na matapang, may pananampalataya sa Diyos,
pagiging patas, hindi korapsyon, at malinaw ang pagtuon sa kanyang mamamayan. Ang aking
minimithi na pinuno ay tumutulong sa mga tao na maabot ang kanilang mga layunin, hindi
natatakot na kumuha ng mga tao na maaaring mas mahusay kaysa sa kanila, ang tunay na pinuno
ay nagtutulungan sa kanilang isa’t isa at napapasunod nito ang mga tao sa gawaing mabuti. Ito ay
mapagkumbaba at hindi ipinagmamalaki ang mga nagawa nila upang humingi ng papuri sa mga
tao. Ang mahalaga ay pinahahalagahan nila ang mga taong nakikipagtulungan sa kanila at yung
may kakayahang gumawa ng mga desisyon sa mahirap na sitwasyon, kung kinakailangan.

Ang mga magulang ang namamahala sa bahay, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang
mapasunod ang kanilang mga anak na tumulong sa mga gawain bahay at lalo na ang sumunod sa
patakaran tulad ng pagtulog at paggising ng maaga, pagsunod sa kurpyo at kumain ng tama.
Ngunit ang mga ibang mga magulang ay nabibigo sa pamamahala nila sa bahay, kasi ang
kanilang mga anak ay hindi napapasunod sa kanilang mga utos at minsan ay nawawalan ang
kaninang pagtulong sa isa’t isa. Gayun pa man maraming mga magulang na napapanatiliing
malinis at napapasunod nila ang kanilang mga anak sa kanilang mga utos.

Sa paaralan naman ang punong-guro ang namamahala sa lahat, binibigyan nya ang mga magaaral
at mga guro na mabigyan ng mataas na kalidad at karanasan sa paaralan. Ang mga guro, ang
nagtuturo sa mga estudyante, binibigyan nila ang mga magaaral na sapat na kaalaman, pagiging
mabuti, patas at malakas na pananampalataya sa Diyos. Ang pangulo ng klase naman, obligasyon
nyang panatiliing na matahimik ang klase, maayos at malinis. Tulad ng aking minimithing
pamamahala, tinutulungan nila ang kanilang kapwa upang magtagumpay.
Ang panbansang pangulo ay may malawak na kapangyarihan upang pamahalaan ang
pambansang mga gawain at ang mga priyoridad ng gobyerno. Pero ang tanong, ang mga
kaniyang tao ba ay sumusunod sa mga gawain at patakaran na kanyang gutso? May sumusunod
at mayroon din hindi. Sa mga namamahala sa ating bansa ay maraming hindi patas at korapsyon.
Dapat ang mga namamahal sa bansa ay may pagiging patas, hindi korapsyon, at malinaw ang
pagtuon sa kanyang mamamayan, para ang bansa ay mapapalago nila at mas maraming
mamamayan ang magtutulungan na gumawa ng mabuti.

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na mamahala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
upang magawa ko ang aking mga responsibilidad at para matupad ko ang pamamahala na aking
minimithi. Magsasagawa din ako ng mga programang pangkalusugan para sa mga matatanda,
magulang at sa mga bata. Gusto ko din na mapanatiliing malinis ang aking pinamamahalaan
upang maakit ko ang mga dayuhan na tumira sa ating bayan o bansa, at para makita nila ang
ganda ng ating bansa.

You might also like