You are on page 1of 1

Mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga unang tao.

Sa unang yugto ng pag-unlad ng tao, i.e. ang primitibong


komunidad na walang alam ni ang produksyon para sa
pagbebenta o palitan, hindi pa pinag-iba ng mga tao ang kanilang
sariling ebolusyon at sa natural na mga pwersa na nakapaligid sa
kanila. Umiikot sa isang komunidad na nagbibigay ng
satispaksyon sa kanilang pangangailangan sa direktang paraan,
kung saan walang dibisyon ng paggawa, kung saan ang mga
kagamitan, tulad ng pagkain at pabahay, ay komon, tinitingnan
ng mga tao ang kanilang sarili bilang integral na bahagi ng
sangkatauhan at natural na kapaligiran. Itong direktang
pagsandal na umugnay sa bawat tao sa komunidad at natural na
kapaligiran ay nagdala sa sangkatauhan na tingnan at ipahayag
ang sarili sa termino ng mahiwagang pagkakaisa. Ang mga
senyales ng ganitong mahiwagang pagkakaisa ay makikita kahit
saan pero ang pagkakaisa mismo ay higit pa sa mga senyales
nito.
Kaya ang lenggwahe, na lumitaw ng maaga sa kasaysayan, ay
naging mahiwagang kawing sa pagitan ng mga tao, sa kanilang
komunidad at mga pwersa ng kalikasan. Ang ganitong
instrumento ng komunikasyon ay hindi lang nagsisilbi sa
unilitaryan na mga layunin: nagdadala ito ng tunay na
kapangyarihan sa ibabaw ng kalikasan kung saan ito ang
kongkreto at kagyat na ekspresyon, sa pamamagitan ng
pagpapalakas ng mga ipinagbabawal. Ilang mga lugar ng
pangangaso ay hindi mapangalanan dahil mapalaya ang hindi
makontrol na mga pwersa. Ginagawa ang mahiwagang mga
orasyon para makontrol ang kalikasan.
Kaya nagkaroon ng mahigpit na relasyon ang mga tao sa pagitan
nila at ang nakapaligid na natural na mundo

You might also like