You are on page 1of 2

Daan upang malagpasan ang COVID na kalaban.

Christian S. Legaspi

“Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto,
magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh.” Ito ang nakasaad sa banal na kasulatan
ng propetang si Isaias sa kabanata 26 talatang ika-20 na nangangahulugang kailangan nating
magkulong sa ating tahanan hanggang sa oras na matapos na ang nagnyayari sa ating bayan.
Ito’y ating kailangan sa panahong ito sapagkat mayroong kumakalat na nakamamatay na sakit na
tinatawag na COVID-19 o Corona Virus Disease. Ang sakit na ito ay nagmula sa bansang China
na di nagtagal ay mabilis lumaganap sa buong daigdig. Ang sakit na ito ay hinihinalang nakuha
sa pagkain ng paniki. Wala itong pinipiling tao, mayaman Kaman o mahirap bata man o matanda
ay maari kang kapitan ng sakit na ito na hindi mo namamalayan. Maari kang mahawa ng sakit na
ito sa pamamagitan lamang ng mga talsik talsik ng laway kung ang iyong kausap ay may dalang
sakit ng hindi mo nalalaman.
Sinong mag-aakalang kayang pumatay ng libo-libong tao ang isang maliit lamang na
paniki. Daang daang libo na ang nawawalan ng buhay dahil sa paglaganap ng sakit na ito sa
buong mundo at ang dahilan kun g bakit ganun na lamang kabilis lumaganap ang sakit na ito ay
dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao sa kanilang sarili. Dahil nga sa pagnanais ng pamhalaan
na mapuksa at maiwasan ang mabilis na pagkalat ng epidemyang ito ay ipinatupad nila ang
Enhance Community Quarantine na kung saan pinapayuhan ang lahat manaliti sa kanikanilang
tahanan ang mga tao. Dahil nga riro daan-daang mga trabaho ang naantala. Huminto ang buong
mundo sa paggawa ng mga bagay na hindi naman maysyadong kailangan. Ito lamang ang naiisip
na paraan ng mga namumuno sa bawat bansa dahil hanggang sa ngayon ay wala paring
natutuklasang bakuna para sa sakit na ito, bagamat mayroong gumagaling ay mayroon din naman
nahahawaan araw araw at doble pa sa bilang ng gumagaling ang nahahawaan.
Sabi nga nila tamang tama ang taong ito sa Chinese Calendar dahil ngayon ay taon ng
daga. Ang buhay ng mga tao ngayon ay maihahalintulad na buhay ng isang daga na lumalabas na
lamang upang humanap ng makakain at magtatagong muli sa lungga paggatapos nito. Hindi ba’t
ganito na ang ating kalakaran ngayon? Marahil ang iba mayroong madaming naimbak ngunit
mayroon din namang mga kapos palad na walang kakayahang mag-imbak ng sapat na makakain
hanggang sa matapos ang sakit na ito.
Sabi ng isang sikat na awiting “Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang
kahapon?” binigyang diin ng linyang ito ang salitang kahapon. Ano nga ba ang ginagawa nating
kahapon o nung mga nakalipas na panahon, nakabubuti bai to o nakasasama sa atin? Marahil ang
iba ay magsasabing nakabubuti ngunit aminin man natin o hindi marami na ang sa ating
ginagawa ang nakakasama di lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa ating mundo. Sa patuloy
na paglayo ng ekonomiya ay ang pagtaas din ng polusyon o mga isyong pang kalikasan. Marami
na ang mga nasisirang tahanan ng mga hayop at mga kagubatan dahil sa pansarilingnais ng mga
tao na mapabuti ang kanilang sarili. Sabi pa nga ng iba, marahil ito raw ay parusa mula sa ating
Lumikha dahil sa pagsira natin sa iba niyang nilikha na dapat sana at tayo ang mangasiwa.
Sa kabila ng mga di magagandang naidudulot ng sakit na ito ay mayroon din namang
mga magaganda. Una na rito ang muling pagsasa-ayos ng ganda ng ating kalikasan, dahil nga sa
maraming humintong maga pagawaan o factory ay nabawasan din ang pulusyon na naidaragdag
sa ating mundo na siyang sunisira sa ating ozone layer. Dahil din sa ipinatupad na Home
quarantine ay nagsama sama ang mga pamilya sa isang tahanan. Marami na silang oras na
gugulin sa isa’t is ana walng inissp na trabahong maabala magiging malapit sa isa’t isa ang bawat
isa. Nabawasan din ang napapabalitang nga krimen kagaya ng pagpatay, pagnanakaw at di
makataong gawain. Lumabas din ang dwa ng pagtutulungan sa bawat isa sa atin sapagkat
naibibiyay natin ang tulong sa ating kapwa di man lahat pero binibigay naman natin ang kung
anong meron tayo ng bukal sa ating puso sabi nga ng ABS-CBN “isang pamilya tayo.” Kung
kaya iisa tayo na lalaban sa sakit na ito. At higit sa lahat ay mas nagging malapit tayo sa Diyos
sapagkat kaliwat kanan ngayon ang mga nagdarasal hindi lamang sa pansariling ibabubuti kundi
sa ikabubuti ng lahta. Kung noon ay nalilimitaan tayo sa pakikipag-usap sa Panginoon, ngayon
ay marami na tayong oras para gawin ito. Mas makikilala pa natin siya sa pamamagitan ng
pagbabasa sa Biblia.
Ang COVID-19 ay isang nakakatay na sakit ngunit maiiwasan at mapupuksa anatin ito sa
pamamagitan ng simpleng pagsunod sa kinauukulan na huwag munang lalabas sa ating mga
tahanan kung hindi naman kailangan. Magtulungan sana tayo sa pagpugsa ng epidemyang ito
huwag natin iisipin ang ating sariling lamang kundi ang ikabubuti ng karamihan. Lagi natin
iisipin na matatapos din ang lahat ng ito sa tamang oras sa nanaayon sa kalooban ng Diyos.
Siguro sa ngayon ay isinasaayos muna niya ang ating mundo at pati ang ating mga sarili upang
tayo ay kapakipakinabang sa kalooban niya. Magaganap ang lahat ayon s kaniyang kalooban,
kailngan lamang nating magdasal at magtiwala sa kaniya. Tignan natin ang lahat ng bagay sa
positibong paraan huwag ang negatibo. Hanapin natin ang liwanag sa dilim maski maliit man ito.
Hindi bat sabi na mismo ng ating Panginoong Hesus sa ebanghelyo ni San Juan kabanata labing-
apat talata ikaanim “ Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.” Sa pahayag na ito ng
Panginoon ay malalaman natin na tayo ay makakaligtas kung tayo nay patuloy na magtitiwala at
susundun ang kalooban ng ating Lumikha. Ang ating panginoon lamang ang ang tanging daan
upang ating malagpasan ang ating ang pagsubok ng COVID-19.

You might also like