You are on page 1of 1

Venice de los Reyes 11 STEM Amethyst

Komunikasyon at Pananaliksik | M3 L1: Pagsulat ng Summary/Buod


Panuto: Sumulat ng isang summary ukol sa kasaysayan ng wika na topic natin ngayong araw. Ang
summary ay binubuo ng pito (7) hanggang sa sampung (10) pangungusap.

Ang mga Espanyol ay kilala nating mga Pilipino bilang mananakop ng ating bansa sa loob ng
napakahabang panahon ayon sa ating kasaysayan at sila rin ang pumigil sa paggamit ng ating mga ninuno
ng kanilang sariling wika na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Ang ating katutubong wika ay
kanilang pinag-aralan upang gamitin sa pagpapalaganap ng kanilang pangunahing layunin na tinatawag
na Kristiyanismo. Tinatawag na Alibata ang katutubong wika na ginamit ng mga Espanyol noon, ito ay
may labimpitong letra; tatlong katinig at labing-apat na patinig na kung saan ito ay ang mga
tagapagbadyang kasulatan ng kaisipan ng ating mga ninunong Pilipino. Sapagkat hawak ng simbahan ang
edukasyon ng mga mamamayan, tinutulan ng mga prayle ang mga paaralang magtuturo ng wikang
Kastila sa mga Pilipino na itinatag ng hari ng espanya kaya sila mismo ang nagtuturo ng mga aralin kung
saan naglimbag sila ng mga diksyunaryo, aklat-panggramatika, katekismo at kumpensyunal.
Nangangalang Gobernador Tello ang nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang Kastila at
dinagdagan ito nina Carlos I at Felipe II na dapat maging bilingguwal ang mga Pilipino sa wikang
katutubo at wikang Kastila, dagdag ni Carlos II na dapat rin na ituro ang Doktrina Christiana na isang
maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo na isinulat ni babagan Juan de Plasencia na
pinaniniwalaang isa sa mga pinakamaagang libro na nakalimbag sa Pilipinas taong 1593. Noong ika-2 ng
Marso 1634, inutos ni haring Felipe II na ituro sa ating mga katutubo ang wikang Espanyol habang noong
Disyembre 29,1972 ay lumagda naman si Carlos II ng isang deskrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang
Espanyol at ang lalabag nito ay mabibigyan ng parusa. Ang paraang ng pagsusulat noon ay tinatawag na
Baybayin na pinalitan ng Alpabetong Romano na may dalawampung letra na binubuo ng limang patinig
at labinlimang katinig. Gaya ng ating kaalaman ayon sa ating kasaysayan, ang bansang Pilipinas ay
nasakop ng mga Espanyol sa loob ng tatlong daang taon (300) at noong taong 1872 sumibol ang isang
bansa, isang diwa sa damdamin ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol at nagkaroon nga ng kilusan ang
mga propagandista na naging sanhi ng himagsikan kung saan kilala si Andres Bonifacio bilang ama ng
mga katipunero habang wikang Tagalong naman ang ginamit sa kautusan at pahayagan ng katipunan.
Ang Konstitusyon ng Biak na Bato ay pinagtibay noong 1899 na naging unang konkreto na pagkilos nga
mga Pilipino at ang grupo ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay itinuring ang ating wika na
may malaking tungkulin sa pagkakaisa nating mga Pilipino. Ang gumawa ng opsiyonal na paggamit ng
Wikang Tagalog ay si Pangulong Emilio Aguinaldo na kilala bilang unang namuno sa Unang Republika
ng Pilipinas.

You might also like