NOBELA Ang nobela ay isang uri ng prosa na binubuo ng mga kawil ng pangyayari. Nahahati sa kabanata, sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento at maraming tauhang gumaganap. Pangunahing layunin nito na maghain ng mga katotohanan na may basehan o kaya’y kathang-isip na maaaring maganap sa katotohanan. ELEMENTO NG NOBELA 1. Banghay – ang banghay ang tumutukoy sa estruktura ng isang nobela. Maaari ring sabihing ito ang blueprint ng akda. Ang banghay ang batayan sa pagbuo na akda sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na pangyayari. 2. Tauhan – Tumutukoy sa gumaganap sa kuwento, sila ang dahilan ng pag-usad ng mga pangyayari. 3. Tagpuan -Ang tagpuan ay tumutukoy sa pook na pinagganapan ng mga pangyayari sa akda. Kaugnay na rin ng pook ang oras at panahon ng pagkakaganap. ELEMENTO NG NOBELA 4. Tunggalian – ang suliranin ay ang pagsubok na pinagdaraanan ng tauhan. Maaaring ang katunggali o dahilan ng suliranin ay ang sarili, kalikasan o kapwa. 5. Himig – ang himig o mood ay tumutukoy sa damdamin ng mayakda sa kaniyang paksa na masasalamin sa akda sa pamamagitan ng mga piniling salita. Ang himig ng isang nobela ay maaaring masaya, malungkot, galit o ‘di kaya’y nagpapatawa. 6. Solusyon – ang solusyon ay tumutukoy sa mga pangyayaring nagbibigay daan sa pagwawakas ng suliranin ng akda. ELEMENTO NG NOBELA 7.Kasukdulan – tinatawag na kasukdulan ang pangyayaring higit na nakatawag ng ating pansin, pangyayaring nagiging kapanapanabik dahil na rin sa mga detalyeng nakabalot sa sitwasyon. 8. Resolusyon – ang resolusyon ang nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kuwento. 9. Wakas- dito ang mga pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan, lahat ng mga tanong na may tiyak na kasagutan, at ang bawat tauhan ay may tiyak na patutunguhan, maaaring ang wakas at tahasang pagtatapos o maaaring pagpapahiwatig lamang. ELEMENTO NG NOBELA 10. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 11. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 12. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari ELEMENTO NG NOBELA 13. Pamamaraan - istilo ng manunulat 14. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela 15. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari SiLualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre 1945. Ilansa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.