You are on page 1of 4

MAIKLING KWENTO AT MGA ELEMENTO NITO.

Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang
galaw. Ano kahulugang ito ay pinasimple ni Genoveva EdrozaMatute na nagsabing "ang maikling kuwento ay isang
maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari, at may isang kakintalan."

Narito ang mga elemento ng maikling kuwento:

1. Banghay— Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


2. Paningin—Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng
mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
3. Suliranin (Problem) —Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa
katapusan ng akda

4. Paksang-diwa (Theme) —Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa ay
nangangahulugan ng Illoral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-
isipin ng akda (significant idea).
5. Himig (Mood) —Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo, mapagpatawa,
at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.
6. Salitaan (Dialogue) —Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay ,agawang natural at hindi
artipisyal.
7. Pagtutunggali (Conflict) —Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na
nnaaaring kapwa tauhclll o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
8. Kakalasan (Disentangle) – Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
9. Kasukdulan (Conflict) – Ito ang pinakamataas na uri na pananabik. Sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang
malalamn na kung nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kaniyang suliranin.
10. Galaw (Action) – Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
BANGHAY NG KWENTO

KASUKDULAN.

TUNGGALIAN.

KAKALASAN.

SIMULA

WAKAS.

You might also like