You are on page 1of 4

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan : _________________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________________
TEKSTONG NARATIBO o PAGSASALAYSAY

TEKSTONG NARATIBO – nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon


o di-piksyion.
Piksyion o Di-piksyion – kapwa gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
Halimbawa:
 maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at alamat
 anekdota
 talambuhay
 balita
 pelikula, aklat o palabas
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Banghay – tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at pagkakaayos ng mga pangyayari.
Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa
Freytag’s Pyramid na nagsisimula sa eksposisyion, patungong komplikasyon, kasukdulan,
pababa sa kakalasan at patungong wakas.
2. Tagpuan – lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kalian naganap.
3. Tauhan – nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay.
Kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito.
4. Suliranin/ Tunggalian – pinakadramang tagpo ng kwento at inaasahang may
maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha
ng kaisipan o mensahe na nagsisilbing layunin ng tekstong naratibo.

Pamamaraan na Narasyon – Maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik


ang pagsasalaysay.

1. Diyalogo – sa halip na pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan


upang isalaysay ang pangyayari.
Ginagamit para pukawin ang kabagutan ng mga mambabasa
2. Foreshadowing – nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang
kauihinatnan o mangyayari sa kwento.
3. Plot Twist – Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng isang
kuwento.
4. Ellipsis – Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
5. Comic Book Death – Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter
ngunitt kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology – Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
7. In Medias Res – Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang
ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tension sa pamamagitan ng mga flashback.
AKTIBIDAD:
A. Tukuyin kung ano ang puno’t dulo ng kwento sa komiks. Saguting ang mga
katanungan.

1. Ano kaya ang simula ng kuwento?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang ginawa ng mama?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3 Ano ang nangyari sa dulo?
______________________________________________________________________________

You might also like