You are on page 1of 5

TEKSTONG NARATIBO

Tekstong Naratibo
• Magkuwento, Magbigay-aliw
• Piksiyon gaya ng nobela at maikling kuwento
 Di-piksiyon gaya ng memoir, biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay o CNF ( Literary non-fiction/narrative non-fiction, Malikhain at naglalaman ng
mga tumpak na impormasyon at pangyayari: Biography, food writing/blogging, literary
journalism, memoir, personal essay, travel writing)
• Wikang puno ng imahinasyon
• Gumagamit ng mga imahen, metapora at simbolismo upang maging
malikhain
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Paksa – mahalaga at makabuluhan (mang-aliw pero may
kabuluhan)
2. Estruktura – malinaw at lohikal (tumutukoy sa estilong
ginamit na kahit pa anong estilo, kailangang madali pa rin itong
nasusundan ng mamababasa)
3. Oryentasyon – ang kaligiran ng tauhan (flat at round
character), lunan o setting, panahon (sino, saan, at kailan)
4. Pamaraan ng Narasyon
o Diyalogo – gumagamit ng diyalogo o pag-uusap para isalaysay ang kuwento o
pangyayari
o Foreshadowing- nagpbibigay ng hints ukol sa mga susunod na pangyayari
o Plot Twist- tahasang pagbabago ng o di-inaasahang pagbabago sa buhay ng
pangunahhing tauhan
o Ellipsis- omisyon ng ilang yugto upang ang mambabasa ang magpuno sa kuwento
o Comic Book Death- ang pagkamatay at biglaang pagkabuhay ng tauhan sa
kuwento
o Reverse Chronology – magsisimula ang kuwento sa dulo papuntang simula
o In Medias Res- nagsisimula sa gitna ang kuwento; paggamit ng flashbacks
o Deus ex machina- paglitaw ng mga di-inaasahang bagay o tauhan para magbigay
ng resolusyon

5. Komplikasyon o Tunggalian – batayan sa paggalaw o pagbabago sa posisyon at


disposiyin ng tauhan (malaking pangyayari sa buhay ng tauhan na magiging dahilan ng
pagbabago ng buhay nito)
6. Resolusyon – ang kahahantungan ng tunggalian (anong nangyari sa tauhan at sa huli?)
Iba’t ibang pananaw o POV

1. Unang panauhan – isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naalala, naririnig o nakikita kaya gumagamit ng “ako”
2. Ikalawang panauhan – mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinapagalaw niya sa
kwento kaya ka at ikaw ang gamit na panghalip.
3. Ikatlong panauhan – isinasalaysay ng taong walang relasyon sa tauhan kaya “siya” ang
panghalip na gamit

You might also like