You are on page 1of 1

PANITIKAN

...ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang
ginagalawang lipunan.
Ang Pagbasa ng Panitikan:
Kasanayang Metakognitib
...pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso. Hindi ito isang
bagay lamang kundi ito ay isang buhay na kabahagi ng ating pamumuhay.

ANG WIKANG FILIPINO

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasulukuyan
at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maaari raw mawala ang
matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipababatid pa rin nila ang
kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa
hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at sumusunod pang mga henerasyon ay
natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayoy maiiwasan ang muling
pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o maitutuwid ang mga dating pagkakamali.
Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong
intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin
at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang pambansang Filipino?

You might also like