You are on page 1of 1

Danica Mae Cuevas

11-STEM 7

 Ayon kina Barker at Balker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang
hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon."maari raw mawala ang
matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang
mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa
pamamagitan nito, ang mga sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayoy' maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay
maitutuwid ang mga dating pagkakamali. "masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay
umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural. ganito rin kaya ang
mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino?

 Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at
nagbabaago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na
isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba't ibang
antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

 Ang artikulo naman ni Boybon, Sarah noong Agosto 10, 2010 sa tomasino Web ay nagpapahayag
na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o tuwing may
okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat lamang na hindi
natin ito makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.
dapat lamang na palaging gamitin at pagyamanin ang wikang kinagisnang upang hindi ito
mawala sa patuloy na pag-ikot ng mundo. dahil sinasabi na ang wikang Filipino ang magiging
ilaw tungo sa pagkakaisa" kapayapaan" at pagkakaintindihan ng bawat mamayan.

Reference:

1. https://www.academia.edu/32106593/WIKANG_FILIPINO_SA_MAKABAGONG_PANAHON

2. https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

You might also like