You are on page 1of 33

Mga Naglalahong Salitang Iloko sa Kultura ng Pagtatanim ng Palay

Isang Pananaliksik Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kursong


Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
Taong Panuruan 2022-2023

Hazel J. Bañez
Alden Lorenzo
Gerlyna Ascueta
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

KABANATA I
MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA
Ang wikang Iloko ay isa sa wika sa Pilipinas na may malalim na ugat at makulay na

kasaysayan. Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at may kompletong

bokabularyo bago pa dumating ang mga dayuhan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority,

ang wikang Iloko ay ikatlo sa pinakaginagamit na wika sa Pilipinas. Ginagamit ito bilang Lingua

Franca sa Hilangang Luzon, rehiyon ng Ilocos, Lambak ng Cagayan, Abra at Pangasinan. Sa

katunayan, kinilala ito bilang Cultural Heritage Language sa Hawaii. Pinatutunayan lamang nito na

mayaman at malawakan ang paggamit sa wikang ito. Hindi lamang ito nagbibigay tanyag sa

kasaysayan at kultura ng mga Ilokano, kundi nagbibigay din ito ng isa pang yaman at kaalaman sa

pagmamahal sa wika at pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng kultura sa ating bansa.

Ang kultura ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng

pagkakakilanlan ng isang bansa partikular sa kanilang wika. Ayon sa pag-aaral nina Atifnigar at

Safari, mayroong kultural na dahilan kung bakit naglalaho ang isang wika. Una ay dahil sa

pangmatagalang pananakop o ganap na pamamahala ng ibang kultura na nagdudulot ng pagkawala

ng pag-uugali, paraan ng pamumuhay, at wika ng mga tao sa paglipas ng panahon.

Ikalawa, dahil sa modernisasyon at mabilis na pag-usbong ng iba’t ibang teknolohiya,

umuusbong din ang mga makabagong wika at salita (Evangelista et,.al). Ayon nga kay Virgilio

Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wika ay parang fashion na nauuso.

Kung hindi nagbabago ang wika at kapag hindi ito sumusunod sa uso, ito ay mamamatay.

Samantala, ayon sa pag-aaral nina Abilon et. al, tungkol sa paglalaho ng mga wika sa Pilipinas,

dahil sa kagustuhan nating sumabay sa pagbabago ng panahon, hindi natin napapansin na may
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

napapabayaan na tayong mga salita at wika na hindi namamalayan na nagiging dahilan ng unti-unti

nitong pagkawala o pagkamatay. Panghuli, ayon kay Joshua Fishman, isang kilalang iskolar sa

larangan ng sociolinguistic, ang asimilasyon o pag-aayon sa pangunahing kultura ay isang sanhi ng

paglalaho ng wika. Ayon sa kanya, nangyayari ito kapag tinatalikuran ang katutubong wika upang

tanggapin at mapabilang sa pangunahing kultura.

Itinuturing na ang wika ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura. Ito ay may

mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapahayag ng kaugalian, paniniwala, at pagkakakilanlan

(Ladefoged, 2004). Kaugnay nito, ipinapakilala ng wika ang identidad ng bawat indibidwal sa isang

sektor o iba’t ibang grupo ng indibidwal. Ayon sa artikulo ni Marine Jao, isa sa pinakamalaking

sektor ng ekonomiya sa ating bansa ay ang agrikultura. Sa pamamagitan ng mga termino at salita,

nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan ng mga magsasaka at iba pang indibidwal na may

kaugnayan sa pagsasaka. Kaya, ang mga termino at salita ay napakahalaga sa kultura ng pagsasaka

dahil ito ang nagpapakilala sa mga magsasaka at higit sa lahat ito ang nagpapahayag sa kasaysayan,

kultura, at tradisyon ng isang lugar o rehiyon (Alshehri,2016). Kaya naman, ang pagkawala ng wika

ay nangangahulugan ng pagkawala ng kultura ng tao sa komunidad. Ayon nga sa pag-aaral ni

Abdulmohsin Ahmad Alshehri noong 2016, na kapag maglalaho at mamamatay ang isang wika ay

tuluyan na ring mamamatay ang kultural na yaman ng isang bansa.

Sa kabuuan, ang mga mananaliksik ay nagpasyang pag-aralan kung anu-ano ang mga salita o

terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagsasaka ng palay at malaman ang mga nananatili pa at kung

anu-ano ang mga naglalaho nang salita mula sa pananaw ng mga kabataan. Magbibigay daan ito sa

mas malalim na pag-unawa sa mga pagbabago at paglalaho ng mga salita at kultura sa kasalukuyang

henerasyon. Makakatulong ito sa pagpapalaganap at pagpapasa ng kaalaman sa mga susunod na


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

henerasyon upang mapanatili ang mga terminolohiyang Iloko na ginagamit sa kultura ng pagsasaka.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salita o terminolohiyang Iloko na

ginagamit sa pagsasaka ng palay ng mga matatandang magsasaka sa munisipalidad ng

Gonzaga. Bukod dito, nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga naglalahong salita o

terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagsasaka ng palay mula sa pananaw ng mga

kabataang mula sa Gonzaga, Cagayan.

Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay nagnanais na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga kalahok na magsasaka ayon sa:

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. Tirahan

1.4. Pinakamataas na Edukasyong natamo

1.5. Bilang ng taon ng pagsasaka

1.6. Iba pang trabahong ginagampanan bukod sa pagsasaka

2. Ano ang propayl ng mga kalahok na kabataan ayon sa:

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. Tirahan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1.4. Pinakamataas na Edukasyong Natamo

1.5. Nakikibahagi sa pagsasaka ng palay

3. Anu-ano ang mga salita o terminolohiyang Iloko ang ginagamit sa pagsasaka ng palay

mula sa preparasyon ng lupa hanggang sa anihan?

4. Ano ang kahulugan ng mga salita o terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagsasaka

ng palay?

5. Anu-ano ang mga salita o terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagtatanim ng palay

ang hindi na pamilyar sa mga kabataan ngayon?

6. Anu-ano ang pagkakaiba ng mga salitang ginagamit sa pagsasaka ng palay ayon sa

barangay, edad, pinakamataas na edukasyopng natamo, at bilang ng taon ng pagsasaka

ng mga magsasaka?

7. Anu-ano ang mga makabagong salita ang ipinalit sa mga naglahong salita o

terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagtatanim ng palay?

8. Anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa paglalaho ng ilang salita o terminolohiyang

Iloko ang ginagamit sa pagsasaka ng palay?

9. Ano ang implikasyon sa pagbabago ng mga salita o terminolohiyang Iloko na

ginagamit sa pagsasaka ng palay?


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aral na ito ay may layuning tuklasin ang mga naglalahong salitang Iloko sa

kultura ng pagsasaka ng palay. Ang magiging resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa mga

kabataan, mga magsasaka, sa komunidad, sa mga mananaliksik at sa gobyerno.

A. Sa mga Kabataan

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga kabataan upang magkaroon ng pagkakataon

na malaman at maunawaan ang kultura pagsasaka ng palay. Ito rin ang makapaghihikayat

sa kanila na ipagpatuloy ang mga tradisyonal na kaalaman sa pagsasaka at paggamit sa mga

salitang ito upang hindi tuluyang maglaho at mapanatili pa. Makakatulong din ito sa pagpasa

ng kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod pang henerasyon.

B. Sa mga Magsasaka

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng wastong komunikasyon sa

loob ng komunidad, maayos na pakikipag-ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga

magsasaka. Magbibigay rin ito ng kaalaman tungkol sa pagkakaiba-iba sa mga ginagamit

nilang mga termino ayon sa pagkakaiba ng kanilang kultura.

C. Sa mga Komunidad

Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa komunidad dahil ipinapakita nito ang

respeto at pagpapahalaga sa kultura ng mga magsasaka. Binibigyang halaga rin ang kanilang

tradisyon at pagkakakilanlan bilang mahalagang bahagi ng komunidad. Makatutulong rin ito

upang maibahagi sa iba pang komunidad ang natutunan sa pag-aaral upang magbigay daan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sa pagpapalaganap ng kaalaman sa pagsasaka ng palay at mga naglalahong salitang

ginagamit dito.

D. Mga Mananalikskik

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik upang makatuklas ng bagong

kaalaman sa kultura ng pagsasaka ng palay at mga wikang ginagamit dito. Maaari ring

maging batayan ito sa mga mananaliksik para sa mas malalim na pagsusuri sa wika, kultura

ng pagsasaka ng palay na maaaring makapagbigay ng mahalagang kontribusyon sa larangan

ng agham at kultura.

E. Gobyerno

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa gobyerno upang magamit sa pagbuo ng mga

polisiya o programa na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka, lalo na sa

aspeto ng edukasyon at kultura. Mahalaga rin ang papel ng pag-aaral na ito sa

pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapahalaga sa kultura, pagpapabuti sa pagsasaka at pag-

unawa sa hanapbuhay ng mga magsasaka.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATAYANG TEORETIKAL

Teoryang Obsolescence

Ang teoryang obsolescence ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang wika ay

karaniwan lamang ginagamit bilang isang katutubong wika sa loob ng isang komunidad na

nagiging dahilan ng unti-unti nitong paglaho. Nawawala ang ibang bahaging saklaw ng mga

gamit nito sa loob ng komunidad, karamihan ay dahil sa pangigipit mula sa isa o higit pang

kakompitensya ng wika o sa malawakang paglipat at pagkawala ng mga katutubo sa lipunan.

(cf. Dorian 1981; Dorian ed. 1989; Fishman 1991). Ayon sa mga pag-aaral ni Joshua

Fishman, ang karaniwang dahilan sa paglalaho ng isang wika ay dahil sa globalisayon,

puwersa ng asimilasyon, at pagbabago ng kultura.

Gamit ang teoryang ito, malalaman ng mga mananaliksik ang mga naglalahong salita o

terminolohiya na ginagamit sa pagsasaka ng palay at kung ano ang salik na nakaaapekto sa

naglalaho ng mga salita.

BATAYANG KONSEPTWAL

Propayl ng mga magsasaka ayon sa:


Edad, Kasarian, Tirahan, Bilang ng Taon ng Pagsasaka,Ibang Trabaho bukod sa Pagsasaka,Pinaka Mataas na Edukasyong Natamo

MGA Mga salik na


NAGLALAHONG nakaaapekto sa Globalisasyon
SALITANG ILOKO paglaho ng mga Assimilasyon Mga Naglalahong
SA KULTURA NG salitang ginamit sa Kultura Salita
PAGSASAKA NG pagsasaka
PALAY

Propayl ng mga Kabataan ayon sa:


Edad, Kasarian, Tirahan, Pinakamataas na Edukasyong natamo
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga naglalahong salitang Iloko na ginagamit sa

pagsasaka ng palay. Saklaw ng pag-aaral na ito na malaman kung anu-ano ang mga salita o

terminolohiyang Iloko na ginagamit sa pagsasaka ng palay at malaman ang pananaw ng mga

kabataan tungkol sa kung anu-ano ang mga salitang ginagamit sa pagsasaka ng palay ang

naglalaho na sa kasalukuyan.

Mahahati sa dalawang pangkat ang mga kalahok: animnapung magsasaka na nasa edad

na 60 hanggang 90 na gulang mula sa 20 na Barangay sa Gonzaga at animnapung kabataang

nasa edad na 13 hanggang 19 na mula sa munisipalidad ng Gonzaga.

Isasagawa ang pag-aaral na ito sa taong panuruan 2023-2024.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga nasa ibaba ay mga salita at termino na binigyang kahulugan ayon sa

pagkakagamit ng mga ito sa pag-aaral. Makatutulong ito upang madaling maunawaan ang

pag-aaral na isasagawa ng mananaliksik.

 Lingua Franca- ito ay tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa pakikipag-

usap sa pagitan ng mga taong mayroong magkakaibang katutubong wika.

 Teoryang obsolescence- tumutukoy sa proseso kung saan ang isang wika ay

karaniwan lamang ginagamit bilang isang katutubong wika sa loob ng isang komunidad

na nagiging dahilan ng unti-unti nitong paglaho.

 Globalisasyon- Ito ay tumutukoy sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya,

kultura,populasyon ng mundo at pag-unlad ng teknolohiya .

 Puwersa ng Asimilasyon- tumutukoy sa proseso kung saan ang kultura o grupo ng

mga tao ay pinipilit o inuudyukan na mag-adopt o maging katulad ng kultura ng ibang

pangunahing grupo o karamihan.

 Penomenolohiya-ito ay isang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik na may layuning

siyasatin ang pangunahing katangian ng penomena gamit ang pagsusuri ng isang

personal na karanasan ng taong kasangkot.

 KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)- organisasyong inatasan na magsagawa at

magtaguyod ng pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon

ng Filipino at iba pang katutubong wika.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Content Analysis- ito ay isang teknik sa pananaliksik na ginagamit sa pagtukoy sa

isang salita,tema, o konsepto sa loob ng isang kwalitatibong datos.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Pagpapakahulugan sa Wika

Ang wika ay isa sa pinakamabisang instrumento upang magkaunawaan ang mga tao

sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang ipaabot ang kanyang saloobin,

nararamdaman, naiisip, at nakikita sa kanyang kapaligiran. Samakatuwid, ang wika ay isang

tulay sa pakikipagsapalaran sa iba’t ibang aspesto ng buhay ng isang tao.

Ayon kay B. Lumbrera(2007), “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay

natin ay nariyan ito. Palatandaan na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa

nating gumagamit din nito”. Ito ang nagsisilbing daan upang magkaroon tayo ng ugnayan at

pagkakaunawaan sa ibang tao upang magkaroon ng maayos at payapang lipunan.

Bukod dito, sinabi rin ni Lumbrera sa kanyang artikulo na ang wika ay isang uri ng

pakikipag-usap gamit ang tunog at simbolismo. Tinatawag din itong Cognitive Process na

nangangahulugang kinakailangan ng may malalim na pag-unawa sa isang wika upang

magamit ito ng lubusan.

Sa kabilang banda, sinabi ni Haring Pssamatikos, ang wika ay natural na natututuhan at

nagagamit ng isang tao kahit hindi niya ito narinig o natutuhan. Pinatuyan niya ito sa

kaniyang eksperimento na kung saan ipinadala niya ang dalawang sanggol sa lugar na

walang nakikita at naririnig. Lumabas sa eksperimentong ito na ang unang binigkas ng mga

sanggol ay ang salitang ay ang salitang “bekos” na ang ibig sabihin ay “tinapay”. Dahil dito,
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

nangangahulugan lamang na natural sa isang tao ang pagbigkas ng mga salita dahil na rin sa

pagproseso ng isip upang makabuo ng mga tunog at makalikha ng mga salita upang ipahayag

ang nakikita o damdamin.

Kung pag-aaralan nating mabuti ang pinagmulan ng wika at babalikan ang kasaysayan

nito, mas lalo nating mauunawaan at mabibigyan ng pagpapahalaga ang mga ito. Ang wika

ang magiging instrumento upang maipahayag ang ekspresyon at magkaroon ng epektibong

komunikasyon.

Kasaysayan ng wikang Iloko

Ang lahat ng wika sa Pilipinas ay nasa iisang pamilya at ito ay Austronesion Family.

Nangangahulugan lamang ito na ang Iloko ay may ugnayan sa wika ng mga Chamorro,

Fijian, Hawaiian, Indonesian, Malagasy, Malay, Maori, Paiwan, Samoan, Tahitian, at Tetum.

Ang salitang “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i” na ang ibig sabihin ay “mula sa”

at ang terminong “looc” ay “cove o bay”. Kapag pinagsama ang mga salitang ito ay

nangangahulugang “Tao ng bay” at tumutukoy din bilang “Samtoy” na pinaikling parirala na

ang ibig sabihin ay “sao mi ditoy”[Ito ang aming wika].

Samantala, ipinaliwanag din ni Isabelo de los Reyes na nagmula ang salitang Ilocano

sa parehong salitang ugat na Tagalog:ilog. Noong unang makarating ang mga mananakop na

Espanyol ay nakapagsasalita na sila ng Tagalog at dahil ang probinsiya ng Ilocos ay

napapalibutan ng ilog ay ibinigkas nila ang salitang “ilog” bilang “iloc”.

Ang wikang Iloko ay kilala sa katutubong tawag na “Pagsasao nga Ilokano” na ang

ibig sabihin sa Filipino ay “Pagsasalita na Ilokano”.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Bukod dito, ang terminong Iloko at Ilokano ay sinasabing walang pinagkaiba kung

tinutukoy ay ang wikang Iloko. Ang tanging pagkakaiba lamang ng dalawa ay kapag ang

wika o salita ang tinutukoy ginagamit ang terminong Iloko o Iluko, kapag naman ang taong

gumagamit ng lenggawheng ito o katutubong nagsasalita, tinatawag siyang Ilokano o

Ilocano.

Kaugnay nito, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, bago pa man dumating ang mga

mananakop ay may kompleto nang bokabularyo at gramatika ang wikang Iloko ngunit dahil

sa mga mas makapangyarihang wika ng banyaga ay unti-unting naglaho at nakalimutan ng

mga tao.

Wikang Iloko sa Kasalukuyan

Ang wikang Iloko ay malaki ang kontribusyon nito bilang isang pangunahing wika sa

Pilipinas. Ang mga pag-aaral ng mga dalubwika, nagpapakita na ang wikang Iloko ay may

matagal nang kasaysayan at malalim na kultura. Ito ang umaalalay sa pagkaunawa sa mga

paniniwala, tradisyon at kasaysayan ng mga Ilokano.

Sa kasaluyan, tatlong rehiyon sa Pilipinas ang gumagamit ng Iloko bilang Lingua

Franca. Ang katutubong wika ng mga taong naninirahan sa Rehiyon 1 ay Iloko samantala

ang Rehiyon 2, Rehiyon 3 at ang Cordillera Administrative Region ay ginagamit ang Iloko

bilang kanilang Lingua Franca. Nangangagulugan lamang ito na ang mga rehiyong

nabanggit ay may sariling wika subalit ginagamit pa rin ang wikang Iloko Bukod dito, ayon

nga sa sensus noong 2010, ang Iloko ay sinasalita halos 7.7 milyong katao sa Pilipinas at

noong taong 2015 ay mayroon nang 11 milyong Pilipinong gumagamit, kabilang na ang 9.1

milyong katutubong gumagamit dito.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ngunit sa dahil ng globalisasyon at modernisasyon, naaapektuhan din ang wikang

Iloko. Lumabas sa pag-aaral ni Reolalas noong 2018, na bunsod ng pag-usbong ng mga

makabagong teknolohiya, marami nang nanganganib na mga salita o terminolohiya dahil

hindi na nagagamit sa kasalukuyan. Ayon pa sa pag-aaral nina Abilon, et, al., 2019 dahil sa

kagustuhan nating makasabay sa uso o pagbabago sa mundo, marami sa atin ang hindi

nakakaalam at nakakapansin na may mga napapabayan na tayong wika.

Ugnayan ng Wika at Ideolohiya

Ipinakilala ng wika ang identidad ng bawat indibidwal. Inilalarawan mula sa mga

salitang laging ginagamit at maging sa paraan ng pakikipag-usap ang pagkatao ng

nagsasalita at maging ang grupo na kaniyang kinabibilangan. Sa paraan ng ating pagsasalita

maipakilala natin kung sino tayo,saan tayo nagmula, ano ang ating kasarian, ang estado sa

buhay, edad, at higit sa lahat ang komunidad na ating kinabibilangan.

Sa pananaw ng sosyolingguwistika, maaaring maiugnay ang inilahad na kaisipan sa

unahan na tinatawag na speech community. Ayon kay Spolsky (1998) ang speech community

ay tumutukoy sa lahat ng tao na nagsasalita ng isang tiyak na wika, nakatuon ito sa paraan ng

paggamit ng wika ng isang grupo ng tao. Binubuo ito ng mga taong laging nakikipag-

ugnayan sa isa't isa at hindi lamang iisang wika ang kanilang pinagsasaluhan dahil bahagi rin

maging ang tinatawag na repertoire ng wika.

Sabi naman ni Wardhaugh (1998,116), isang uri ng grupong sosyal ito na ang mga

katangian sa pagsasalita (speech characteristics) ay interesante dahil madali itong mapupuna


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

mula sa ibang grupo ng tagapagsalita ng wika. Hindi lahat ng mga kabilang sa iisang lipunan

ay bahagi ng isang speech communily.

Ayon kay Morgan (2006) na kaugnay sa sinabi ni Gumperz (nasa Giglioli 1987,230),

kabilang sa tinatawag na speech community ang mga indibidwal na may parehong lokal na

kaalaman sa paraan ng pagpili ng wika, ang diskurso ay naglalahad ng kanilang henerasyon,

okupasyon, politika, mga ugnayan o relasyong panlipunan, identidad, at iba pa. Sa isang

komunidad na mayroong ginagamit na iisang wika, may mabubuo pa rin na pagkakaiba sa

pagagamit nito.

Ang isang komunidad ay binubuo ng mga sektor o ibat-ibang grupo ng mga

indibidwal na may kani-kaniya ring paraan ng paggamit ng wika gaya sa kasariang

kinabibilangan, ng mga bakla, mga magsasaka at iba pa. May mga salita at anyo tayong

ginagamit na wika na naglalahad rin ng tiyak na gamit nito nang ayon sa komunidad.

Matutukoy ito bilang mga baryasyon ng wika na makikilala ayon sa gamit--sa sitwasyon o

konteksto.

Ayon kay Spolsky, na rehistro ng wika. Baryasyon ito ng wika na ang konsern ay

mga tiyak at espesyal na set ng mga salita o bokabularyo na iniugnay sa isang propesyon o

okupasyon. Ang mga taong kabilang sa isang partikular na trabaho ay maaaring makabuo ng

bagong mga termino para sa isang konsepto. May mga salitang maririnig sa ibang larang

subalit nagkakaroon naman ng ibang gamit at kahulugan pagdating sa ibang disiplina.

Maibibigay na halimbawa rito ang salitang “elements” na maaaring nagtataglay ng


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

kahulugang may kaugnayan sa mga kemikal sa larang ng chemistry ngunit iba naman sa mga

sundalo dahil tumutukoy ito sa mga miyembro ng isang batalyon ng sandatahang lakas.

Ayon sa aklat ni Agha (2007) Language and Social Relations, binanggit niya na ang

mga posibilidad na baryasyon at pagbabago ay maipapaliwanag lamang sa pamamagitan ng

sapat na konsepto sa papel ng wika sa gawain ng tao. Ang patuluyang ugnayan ng tao at

lipunan ay nagbubunga ng likas na pagkakaroon ng pagkakaiba sa paggamit ng wika. Sa

katunayan maaaring gumagamit ng ibang lingguwistikong anyo sa magkaibang okasyon at

maaari ring magpahayag ang magkaibang ispiker ng isang wika sa ibang paraan na pareho

lamang ang nais ipahayag (Bibber at Conrad 2009). Kahit pa man nasa iisang lugar o lipunan

ang mga indibidwal nagkakaroon din sila ng pagkakaiba-iba sa paggamit ng parehong wika

dahil sa mga faktor na okupasyonal.

Pagsasaka ng Palay at mga Yugto nito

Ang pagsasaka ay isa sa pinakamahalaga at pinakamatandang hanapbuhay sa

kasaysayan. Mahalaga ang papel nito sa pagpapanatili sa kasaganahan ng lupa at sa pagiging

buhay nito. Sa pamumuhay naman ng tao, ang pagsasaka ay ay ginagamit ng mga tao upang

masuportahan ang kanilang pamilya at ng mismong nagsasaka.

“Di bale ng walang ulam basta may kanin”, ito ang paniniwala ng mga tao lalo na ng

mga ‘Pinoy’ dahil mapapansin na sa ating bansa isa ang bigas mula sa sinasakang palay ng

magsasaka ang pinagkukunan ng pagkain at enerhiya.

Ayon kay Rey(2019), ang industriya ng agrikultura ay binubuo ng pagsasaka,

pangangahoy, pangingisda at pangangalaga ng mga hayop. Ang pinakapangunahin na


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

pinagkukunan ng mga halaman at pananim ay ang pagsasaka. Ito ang ikinabubuhay ng

karamihan sa mga probinsiya, nagbibigay ito ng milyon-milyong trabaho para sa mga

mamamayang Pilipino kaya’t malaki ang gampanin ng industriyang ito sa pag-unlad at sa

ekonomiya ng isang bansa.

Pahayag ng Departamento ng Agrikultura(2018), ang sector ng pagsasaka ay

nagbubunga ng mga materyal na ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw at

at pangunahing sumusustena sa pagkain ng bansa. Ang may pinakamalaking produksiyon ng

bigas ay mula sa Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Cagayan at Iloilo sa taong 2013-2017.

Ang pagsasaka ay nagdaraan sa ilang mga proseso at yugto, nabibilang dito ang

paghahanda ng lupa (pag-aararo,landmasher,pagsusuyod,pagpaplantsa), pagtatanim

(pagpupunla at paglilipat tanim) , pag-aalaga(paglalagay ng abono,pag-sprey ng insecticide o

pesticide at pagpapatubig), panghuli ang pag-aani sa mga pananim(gapasin, hakutin at

ibilad).

Ang mga inaning palay ay maaaring pansariling konsumo ngunit kadalasan ay

ipinagbibili upang pagkakitaan.

Salita sa Pagsasaka

Sinabi ni Halliday (1978) na ang rehistro ay isang paraan ng pagsasalita o paggamit

ng wika sa iba't ibang bagay; sumasalamin ito sa panlipunang proseso. Halimbawa nito ay

ang dibisyonng paggawa, konteksto, mga tiyak na aktibiti. Iba’t iba ang pagpapakahulugan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

at maraming baryasyon ng paglalarawan ng rehistro ng wika. Binigyang-katuturan ang

rehistro sa wika ayon sa level ng paggamit nito na makikilala sa parnamagitan ng iba't ibang

sitwasyong kinabibilangan. Ito ay batay rin sa kausap (sino). paksa (zno), layunin (bakit), at

lokasyon (saan). Kaugnay pa rin sa gamit ng wika sa komunikasyon ang pananaw ni Spolsky

(1998) sa rehistro. Sinabi niyang ang rehistro bilang sitwasyonal na katangian ay nakabatay

sa 'field,mode and tenor 'Field' ang kabuuang total ng pangyayari kung saan nagaganap ang

usapan (teksto sa pasalitang gamit ng wika), at 'Mode' ang usapang naganap.

Tenor'tumurukoy naman sa mga uri ng interaksiyon at mga set ng relasyon sa pagitan ng

nag-uusap.

Ayon naman kay Trudgill (2000) ito ay mga lingguwisakong barayti at iniugnay sa

okupasyon, propesyon o paksa. Halimbawa ang mga rehistro ng mgs doktor na hindi

naiintindihan ng mga taong walang kaugnayan sa propesyong ito. Ang mga terminong

ginagamit ng sabungero ay hindi mauunawan ng mga hindi nagsusugal nito at vice versa.

Dagdag pa ni TrudgiIl na madalas ang katangian ng tehistro ng wika ay mapapansin sa

pagiging iba ng bokabularyo maaaring sa paraan ng paggamit sa partikular na kahulugan nito

kaibahan sa paggamit sa komunikasyonKaugnay ito ng sinasabi ni Trudgill na malikita ang

rehistro sa mga paraan ag paggamit ng mga salita ayon sa okupasyong kinabibilangan.

Sabi nga ni Wardhaugh (2006,25) ang barayti ng wika ay makikita, sa mga tiyak na

set ng lingwistikong item(tunog, salita, gramatikal na katangian) na iniugnay naman sa mga

eksternal na faktor gaya ng lipunang kinabibilingan. May mga termino ang mga magsasaka,
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

na katulad sa nabanggit barayti, na turbutukoy sa proseso, aktwal na pagtatanim, pag-aani, at

iba pang mga kaugnay sa katawagan.

Pagsuysoy sa mga Salita ng Magsasaka

Mas maliwanag lamang na nabuo ang isang ideolohiya dahil binibigyan ito ng

kongkretong katangian ng wika sa pamamagitan ng mga salita, parirala,pangungusap,at iba

pa. Maaari ring sabihin na kasangkot lamang ang wika sa pagbuo ng deolohiya at

napapalaganap ito dahi sa wikang ginagamit.

Sa pahayag ni Ruth Wodak (2007) sa kaniyang artikulong Language and

Ideology,Language in Ideology, ang komunikasyon at wika ay posibleng maging ideolohikal

subalit hindi naman kailangang dapat ganito; puwedeng maging politkal ang wika ngunit

hindi kailangang maging ganito dapat. Isa itong malinaw na kontekstong hindi nakapaloob

sa isang wika ang ideolohiya. Sa isang banda naman,inilahad nina Coupland,Sarangi, at

Candhn (2001)na hindi esklusibong may relasyon sa wika ang ideolohya.

Inihulog naman ni Patrick (2009) ang sinasabi nina Coupland at mga kasama sa

kontekstong ang language attitudes ay tiyak na espesipiko, tugon at maaaring mga opinyon.

Nagpapakita lamang ito ng hindi direktang sangkot ang wika sa isang ideolohiya ngunit sa

proseso ng pagbuo nito gumaganap ng isang malaking papel ang wika. Sa isang lipunan na

mayroong pare-parehong karanasan,tunguhin at layunin, gumaganap ang wika ng

mahalagang tungkulin na pagbigkis ng mga damdaming kanilang nahubog mula rito.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sabi nga ni Van Dijk (1995, 17), ang ideolohiya ay tipikal, bagaman hındi ekslusbo,

na ipinahayag at inianak sa diskurso at komunikasyon kasama ng di-berbal na semantikong

mensahe, gaya ng mga larawan at palabas. Sa kaso ng mga magsasaka, sila bilang isang

speech community ay may social recognition' na nagturing sa ideolohiya bilang kognitibo at

sosyal na gawain pangkomunikasyon. Tumutukoy ang sosyal na kognisyon bilang isang

sistema ng mental na representasyon at proseso ng mga miyembro ng isang grupo.

Kasamang saklaw nito ang mga usaping kultural, politikal, ekonomikal, espiritwal, at

marami pang iba. Bilang isang sosyal na kognisyon, may malaking ugnay ito ang

kahulugang ibinigay ni Lipp Green (muling sinipi kina Coupland Sarangi at Candlin 2001).

Mga Naglalahong Wika

Ang Pilipinas ay mayaman sa kasaysayan at kultura, at ang mga wika ng mga katutuno

ay napakalaking bagahi sa ating pambansang yaman. Ngunit sa paglipas na panahon, marami

sa mga ito ang nasa panganib ng pagkawala at ito’y nagsisilbing isang malaking hamon sa

ating lipunan.

Matindi ang pagkabahala ni T. Headland(2003) dahil sa mabilis na pagkawala ng

mga wika sa mundo. Aniya, mayroong 6089 na wikang sinasalita sa buong mundo. Ayon sa

kanyang pag-aaral, 28% ng mga wika sa mundo ay mayroon na lamang 1,000 ang

gumagamit nito; ang 500 na wika ay mayroon na lamang kumulang 100 ang may alam na

gamitin ang mga ito; at tinatayang 10 tao na lamang ang may alam bawat 200 na wika sa

mundo.
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Maria Lourdes S. Bautista noong 2018,

napatunayan niya na mayroong malaking bilang ng mga wika sa Pilipinas na nasa panganib

ng pagkawala. Ayon sa kanyang pananaliksik, mula noong 1950 hanggang 2010, ang

populasyon ng mga wika sa bansa ay nabawasan mula sa 170 hanggang 110.

Ayon naman sa datos ng Komisyon ng Wikang Filipino noong 2019, mayroon nang

tinatayang 39 na wika sa Pilipinas ang maituturing na “endangered” o nanganganib nang

maglaho. Sa kasalukuyan, naitala rin ng KWF na may apat na katutubong wika sa Pilipinas

ang tinatayang mahigit 100 daan na tao na lamang ang gumagamit nito. Ibig sabihin, ang

mga ito ay nanganganib na at malapit nang mamatay. Ang katutubong ito ay ang mga

sumusunod: Arta ng Nagtipunan Quirino na 11 na tao na lamang ang gumagamit nito; ang

Inata ng Cadiz, Negros Occidental na mayroon na lamang 30 na tao ang nagsasalita; ang

Inagta Iraya ng Buhi, Camarines Sur na 113 na lamang ang nagsasalita gamit ito; at ang Ayta

Ambala ng Subic, Zambales na 125 na lamang ang may alam gamitin ito.

Samantala, ibinahagi ng KWF na may 5 katutubong wika na ang maituturing na patay

na. Ito ay ang Inagta ng Isurog, Camarines Sur, Ayta Tayabas ng Tayabas, Quezon,

Katabaga ng Bondoc Peninsula, Quezon, Agta Sorsogon ng Prieto Diaz, Siargao, at Agta

Villa Viciosa ng Abra.

Sa kasalukuyang panahon, maraming wika sa Pilipinas ang nanganganib na mawala

dahil sa pagkakalimot at hindi na paggamit ng mga ito. Ayon sa mga pag-aaral, mayroong

halos 130 wika sa Pilipinas na nanganganib na mawala sa susunod na dalawampung taon.

Mga Paraan upang Malaman na ang Isang Wika ay Nanganganib


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ibinahagi ni C. Michael(1999) na may dalawang paraan upang malaman na ang isang

wika ay nanganganib na. Una, kung ang mga kabataan sa isang lugar ay hindi na ginagamit

bilang unang wika. Kapareho rin sa pag-aaral na isinagawa ni Stephen Warm noong 1998 na

kung ang isang wika ay hindi na sinasalita o ginagamit bilang unang wika ng mga kabataan

sa kasalukuyang henerasyon. Ikalawang paraan upang malaman na ang isang wika ay

nanganganib na ay kung kakaunti na lamang ang miyembro ng isang pangkat-etniko.

Naniniwala si Cahill na mamamatay ang isang wika dahil lahat ng kasapi sa isang etniko ay

namatay na.

Bilang karagdagan, ibinahagi ng Michael Krauss sa kanyang libro na “The World’s

Languages in Crisis” na maituturing na nanganganib o unti-unting mamamatay ang isang

wika kung bababa pa sa sampung libong tao ang gumagamit sa isang partikular na wika.

Samantala, ayon kina Nettle at Romaine, may mga wikang nalalagay sa panganib kahit

pa ginagamit ng maraming kabataan sa kasalukuyan.

Nagbigay rin ang Komisyon ng Wikang Filipino ng mga paraan o iba’t ibang antas

upang maituturing na “endangered” o nanganganib ang isang wika. Una, kung ito ay hindi

naisasaayos ng tama ang sistema nito. Ikalawa, kung hindi naipasa ang wika ng mga

matatanda sa kabataan. Ikatlo, kung tanging matatanda na lamang ang nagsasalita nito at ang

panghuli, kung hindi na ito ginagamit ng kahit na sinong buhay na tao.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

KABANATA III

Metodolohiya

Sa kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at setting kung saan isasagawa ang pag-

aaral. Nakapalood dito kung sinu-sino ang mga kalahok, mga instrumentong gagamitin,

paraan ng pagsasagawa at pagsusuri ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng dalawang disenyo ng pag-aaral: penomenolohiya

at kwantitatibong pananaliksik. Una, ang penomenolohiya ay isang uri ng kwalitatibong

pananaliksik na naglalayong maunawaan ang karanasan at interpretasyon ng mga tao sa

isang penomena. Gamit ang disenyong ito, malalaman at mas mauunawaan ang kahulugan

ng mga salita o terminolohiyang ginagamit sa pagsasaka ng palay mula sa perspektiba ng

mga taong may kaalaman at karanasan ukol dito. Malalaman din ang mga salik na

nakaaapekto sa paglalaho ng mga salita sa pagsasaka ng palay mula sa pananaw ng mga

taong direktang naaapektuhan nito.

Magagamit rin ang disenyong kwantitatibo upang malaman kung anu-ano ang mga

naglalaho nang salita o terminolohiya na ginagamit sa pagsasaka ng palay mula sa pananaw

ng mga kabataan sa kasalukuyan at masuri ang iba pang datos na makakalap para sa pag-

aaral na ito.

Setting ng Pag-aaral
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Isasagawa ang pag-aaral sa munisipalidad ng Gonzaga lalawigan ng Cagayan

partikular sa dalawampung (20) barangay na: Amunitan, Baua, Cabanbanan Norte,

Cabanbanan Sur, Cabiraoan, Callao, Calayan, Casitan, Flourishing, Ipil, Isca, Paradise,

Pateng, Progressive, Rebecca, San Jose, Smart, Sta. Clara, Sta. Cruz, at Sta. Maria. Napili ng

mga mananaliksik ang mga Barangay na ito dahil malawak ang taniman ng palay at

maraming magsasaka ang makapagbibigay ng mga kakailanganing datos para sa pag-aaral

na ito.

Mga Kalahok

Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang Purposive sampling upang pumili ng kalahok na

mga magsasakang nasa edad na 50 hanggang 90 na taon. Bawat piling Barangay ay

magkakaroon ng tatlong (3) kalahok, na bubuoin ng animnapu (60) na kalahok. Para sa

ikalawang pangkat ng kalahok, gagamitin ang Simple Random Sampling upang pumili ng

60 na kabataang nasa edad 13-19 na taon.

Sa kabuoan, ang pag-aaral na ito ay magkakaroon ng isangdaan dalawampu (120) na

kalahok.

Mga Instrumento

Para makalap nang maayos ang mga kakailanganing datos, ang mga mananaliksik ay

magsasagawa ng pakikipanayam gamit ang structured interview o nakabalangkas na

panayam sa mga matatandang magsasaka upang mas maayos ang daloy ng proseso nito. Sa
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

unang bahagi ng panayam, itatala ang propayl ng mga kalahok. Sa ikalawang bahagi ay

naglalaman ng mga katanungan ukol sa paksang pinag-aaralan.

Para sa ikalawang pangkat na kalahok,maghahanda ang mga mananaliksik ng Survey

questionnaire. Sa unang bahagi nito ay ang kanilang propayl at sa ikalawang bahagi ay ang

mga katanungan ukol sa paksang pinag-aaralan.

Paraan ng Pagsasagawa

Ang mga mananaliksik mismo ang kakalap sa mga datos upang lubos na maunawaan

at matiyak ang kalidad nito. Ang mga mananaliksik ay hihingi muna ng pahintulot mula sa

mga kalahok at sisiguraduhin ang pagiging konpidensiyal sa mga makakalap na datos.

Gagamitin ang nakabalangkas na panayam sa mga mga matatandang magsasaka upang

makalap ang mga kakailanganing datos.

Pagkatapos masuri at maisaayos ang mga nakalap na datos, mangangalap muli ang

mga mananaliksik gamit ang ihinandang survey questionnaire upang makalap ang mga

kakailanganing datos mula sa mga kabataang kalahok.

Pagsusuri ng Datos

Susuriin ang mga datos na nakalap mula sa pakikipanayam sa mga matatandang

magsasaka gamit ang Content Analysis upang maunawaan ang kahulugan ng bawat salita o

terminolohiyang ginagamit sa pagsasaka ng palay. Gagamitin din ang frequency at

percentage distribution upang masuri ang iba pang mga nakalap na datos.
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Para sa mga kalahok,

Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral mula sa Cagayan State University Gonzaga na
nasa ika-apat na taon sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino na
magsasagawa ng survey at interview para sa aming pananaliksik. Kami ay interesado sa
inyong mga karanasan at opinyon hinggil sa mga naglalahong salita sa kultura ng pagtatanim
ng palay sa wikang Iloko.

Umaasa kami na kayo ay makakapaglaan ng oras upang makibahagi at makapagbigay ng


datos na kakailanganin sa aming pag-aaral. Lahat ng impormasyong inyong ibabahagi ay
itinuturing may kumpidensiyalidad at, lahat ng impormasyon ay gagamitin lam,ang sa aming
pagsusuri.

Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,

HAZEL BANEZ GERLYNA ASCUETA ALDEN LORENZO


Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik
__________________________________________________________________________
MGA NAGLALAHONG SALITANG ILOKO SA KULTURA NG
PAGSASAKA NG PALAY
Survey questionnaire
UNANG BAHAGI:DEMOGRAPIKONG PROPAYL NG KALAHOK NA MAGSASAKA
Panuto:Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng
tsek ( ) kung ang katanungan ay may pagpipiliam.
A. Pangalan:______________________
B. Edad:________________
C. Kasarian:
Lalaki Babae
D. Tirahan:_________________________________
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

E. Pinakamataas na Edukasyong Natamo


Elementary Level
Secondary Graduate
College Level
F.Bilang ng Taon ng Pagsasaka:_______________
G: Iba pang trabaho bukod sa pagsasaka:____________________

IKALAWANG BAHAGI:
1. Anu-ano ang mga terminong ginagamit sa pagsasaka at ano kahulugan ng mga salitang
ito?

Salita/Termino Kahulugan
1. Paghahanda sa Lupa

2. Paghahanda sa Binhi

3. Paggawa ng Punlaan

4. Paglilipat Tanim

5. Pagpapalago

6. Pag-aani

2.Ano-ano ang mga makabagong salita ang ipinalit sa mga naglalahong salita na ginagamit sa
pagsasaka ng palay?

3. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa paglalaho ng ilang termino sa lenggwaheng


iloko?
4. Ano ang implikasyon ng paglalaho ng mga terminong iloko sa pagsasaka ng palay?
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Para sa mga kalahok,

Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral mula sa Cagayan State University Gonzaga na
nasa ika-apat na taon sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino na
magsasagawa ng survey at interview para sa aming pananaliksik. Kami ay interesado sa
inyong mga karanasan at opinyon hinggil sa mga naglalahong salita sa kultura ng pagtatanim
ng palay sa wikang Iloko.

Umaasa kami na kayo ay makakapaglaan ng oras upang makibahagi at makapagbigay ng


datos na kakailanganin sa aming pag-aaral. Lahat ng impormasyong inyong ibabahagi ay
itinuturing may kumpidensiyalidad at, lahat ng impormasyon ay gagamitin lam,ang sa aming
pagsusuri.

Maraming Salamat.

Lubos na gumagalamng,

HAZEL BANEZ GERLYNA ASCUETA ALDEN LORENZO


Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik
__________________________________________________________________________
MGA NAGLALAHONG SALITA SA KULTURA NG
PAGSASAKA NG PALAY SA WIKANG ILOKO
Survey questionnaire
UNANG BAHAGI: DEMOGRAPIKONG PROPYL NG KALAHOK NA KABATAAN
Panuto:Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng
tsek ( ) kung ang katanungan ay may pagpipiliam.
A. Pangalan:______________________
B. Edad:________________
C. Kasarian:
Lalaki
Babae
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

D. Tirahan:_________________________________
E. Pinakamataas na Edukasyong Natamo
Elementary Level
Secondary Graduate
College Level
F. Nakikibahagi sa Pagtatanim ng palay
Oo
Hindi

IKALAWANG BAHAGI: KAALAMAN NG MGA KABATAAN SA MGA


TERMINONG GINAGAMIT SA PAGSASAKA NG PALAY
1. Ano-ano sa mga nakalistang salita ang hindi pamilyar sa iyo?

2. Anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa paglalaho ng ilang salita na ginagamit ng


pagsasaka ng palay?

3. Ano ang implikasyon sa pagbabago ng mga salitang Iloko na ginagamit sa pagsasaka ng


palay?
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sanggunian

Abilon, et, al.,. (2019).Wikang Filipino:Ang Paglalaho ng mga Katutubong Wika sa

Pilipinas. La Consolacion University of the Philippines,page 1-2.

Blogspot.(n.d.).Retrieved from https://kasaysayanngilocos.blogspot.com/ 2018/08 / kasaysa

yan-nang-iloco.html?m=1an-nang-iloco.html?m=1

Buhay ng Ilokano blog. (n.d.). Retrieved from tumblr: https://www.tumblr.com/buhay-ng-

ilokano-blog/148974891056/kasaysayan-ng-ilokano-ang-ilokano-ay-ang

Cahill,M. (1999). From Endangered to Less Endangered: Case Histories from Brazil and

Papua New Guinea. SILEWP 1999-006.

Cavinta,E.M. (2021).Wika at Lingguwistikang Filipino:Paglalahad ng Isang Guro. Rearch

Gate,1-2

Course Hero. (n.d.). Retrived from https://www.coursehero.com/file/70690530/Wikang-

Ilokano-Vandolphdoc/

Delima, P .(2022). ANC 24/7. Retrived from Youtube: https://www.youtube.com/watch? v=

bv_ PsmUtCNc&t=369s&pp=ygUaa2FzYXlzYXlhbiBuZyB3aWthbmcgaWxva28%3D
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

FilipinoEditor.(2019).TheVarsitarian.Retrievedfromhttps://varsitarian.net/news/20191001

/25202

Foronda, M and Foronda, J. (1972). Samtoy: Essays on Iloko History and Culture.United

Publishing Company, page 1-2

Headland,T.(2003).Report of Eastern Luzon Language Survey.Philippine Journal of

Linguistics,47-54

Hufana, C. and Quirante, B. (2020). The Benildean.. Retrieved from

https://read.thebenildean.org/2020/08/sa-mga-salita-ko-bakas-ang-aking-pagka-pilipino

Krauss,M. (1992). The world’s languages in crisis. Language 68:4–10.

Lumbrera B.(2007).Course Hero. Retrieved from https://www.coursehero.com.Parang

hininga ang wika sa bawat sandal ng l Course Hero

Nettle, Daniel, and Suzanne. (2000). Vanishing Voices: The Extinction of the World’s

Languages. Oxford: Oxford University Press.

Palma, C. (2015). Blogger. Retrieved from blog spot: https://palmachristeljoy.blogspot.com/


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Psammatikos. Academia Edu. Retrieved from https:// www .academia. edu/

335699345/Kahulugan ng wika

Reolalas, S. (2018). The Endangered Ilokano Terms. International Journal of Scientific &

Engineering Research. Volume 9, Issue 12. ISSN 2229-5518.

Virgilio, A. (2019). Abs-cbn news. Retrieved from

https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/30/19/paglaho-ng-mga-katutubong-wika-sa-pilipinas-

layong-pigilan

Wurm, S. (1998). Methods of Language Maintenance and Revival. In Studies in Endangered

Languages, Kazuto Matsumura, ed. Pp. 191–211. Tokyo: Hituzi Syobo

You might also like