You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Lakewood School of Alabang, Inc.


#21 Timbol Bldg. National Rd. Putatan, Muntinlupa City
Senior High School Development

KABANATA 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Lokal na Literatura

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
iba't ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do
they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30
ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang
Pambansa.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal
at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Kaugnay na Banyagang Literatura

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang
kasulukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maaari
raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipababatid pa
rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o
adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at sumusunod pang mga
henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan
ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o maitutuwid ang mga dating
pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga
aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural.
Republika ng Pilipinas
Lakewood School of Alabang, Inc.
#21 Timbol Bldg. National Rd. Putatan, Muntinlupa City
Senior High School Development

Avram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device
(LAD. Binagdag nya na everyone is bom with some sort of universal grammar in their brains
basic rules which are similar across all languages

Kaugnay na Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining ng paraan ng wastong pagpili atakmang
paggamit ng salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyangpagpapahayag ng
diwa.

Ayon kay Gette (2010), ang balbal o islang na salita ay ang di-pamantayang paggamit
ng mga salita sa isang wika ng isang partikularna grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang
kanto o salitangkalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo (takas), atik(pera),
erpats(tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pangiba.

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na pinakamabisang
kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o
pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay.

Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama ay


maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung sino pa
man na kakilala natin.

Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7.107 na mga pulo na


mayroong iba't ibang diyalekto ay nakakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
paggamit ng iisang wika ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may iba't-ibang kultura,
relihiyon at paniniwala sa bawat panig no Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat mamamayan
ng ating bansa sa paggamit no wikang Filipino.
Republika ng Pilipinas
Lakewood School of Alabang, Inc.
#21 Timbol Bldg. National Rd. Putatan, Muntinlupa City
Senior High School Development

Kaugnay na Banyagang Pag-aaral

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan
para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at
halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa
iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili
ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting
nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan,
wika ng preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng kabataan at iba pang mga pangkat.
Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na natatangi
lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng wika.(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo
sa Epektibong Komunikasyon, P: 38)

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit
ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na
lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang
ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o
solusyon ang suliraning ito.

Sintesis

You might also like