Https

You might also like

You are on page 1of 1

RRL’S

https://www.studocu.com/ph/document/leyte-national-high-school/practical-
research/pananaliksik/18524633

PAGPAPAUNLAD NG BOKABULARYO
Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang
pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na
bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang
ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng
isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin pinanggalingan
nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na
hindi nila alam kung paano ito nabuo.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), ang balbal na salita ay ang di
pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na
grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga
kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito.
Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na
sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Mendoza (2004), ang makasining na paraan ng wastong pagpili


at akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at
kasiyang-siyang pagpapahayag ng diwa.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Malinaw na ang wika ay isang
mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga
nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang
paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang
makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang
opinion at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon
at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang
kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang
kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa
pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mg personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan
na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang
wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng
panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na
mapanatili ng mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang
Bayan.

You might also like