You are on page 1of 14

Patrick James G.

Verroya

1. Kahulugan ng Teksto

Ang teksto ay tumutukoy sa mga orihinal iniakdang salita o nailimbag na gawa. Maaari rin itong
tumukoy sa pinaka-katawan ng isang likhang panitikan tulad ng libro, lathalain, at iba pang
naisulat.

Ang teksto ay isang anumang bagay na maaaring maging "basahin", kung ang mga bagay na ito
ay isang trabaho ng panitikan, isang street sign, isang pag-aayos ng mga gusali sa lungsod ng
bloke, o mga estilo ng pananamit. Ito ay isang maliwanag na hanay ng mga palatandaan na
nagpapadala ng ilang mga uri ng mapagbigay-kaalamang mga mensahe.[1] Ang set ng mga
simbolo ay isinasaalang-alang sa mga tuntunin ng mapagbigay-kaalamang mga mensahe
ng nilalaman, sa halip na sa mga tuntunin ng kanyang pisikal na anyo o ang daluyan na kung
saan ito ay kinakatawan.
Sa loob ng patlang ng pampanitikan pintas, "text" din ay tumutukoy sa orihinal na impormasyon
na nilalaman ng isang partikular na piraso ng pagsulat; iyon ay, ang "text" ng isang trabaho ay na
una symbolic pag-aayos ng mga titik tulad ng orihinal na binubuo ng, bukod sa ibang
pagkakataon pagbabago, pagkasira, komentaryo, mga pagsasalin, mga paratext, atbp.
Samakatuwid, kapag pampanitikan ay nag-aalala sa ang pagpapasiya ng isang "teksto", ito ay
nag-aalala na may tangi ng orihinal na impormasyon na nilalaman mula sa kahit na ano ay
idinagdag sa o bawas mula sa na nilalaman tulad ng ito ay lilitaw sa isang naibigay na tekstwal
na mga dokumento (iyon ay, ang isang pisikal na representasyon ng teksto).
Dahil ang kasaysayan ng pagsusulat predates ang konsepto ng "text", karamihan sa mga teksto ay
hindi nakasulat sa mga ito konsepto sa isip. Karamihan sa mga nakasulat na mga gawa mahulog
sa loob ng isang makitid na hanay ng mga uri ng inilarawan sa pamamagitan ng mga text na
teorya. Ang konsepto ng "text" ay nagiging may-katuturan kung at kapag ang isang "maliwanag
na nakasulat na mensahe ay nakumpleto na at ang mga pangangailangan upang maging tinutukoy
upang nang nakapag-iisa ng mga pangyayari kung saan ito ay nilikha
2.Iba’t ibang Uri ng Teksto

Tekstong Impormatibo/Ekspositori

- ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay


ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan,saan, sino at
paano.Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o
nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari, Mahalaga ang
pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:
ri ng Teksto
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa
urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay
ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.
c)Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino
at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop,
puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.
d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at
pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa
ilalim nito.
Ang brosyur ay isang uri ng tekstong informatibo:
Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan

Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa.
Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay
din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:


1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon nililikha sa mga
mambabasa.
2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong
detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o
anomang paksa na inilalarawan.
Ang kanta ay maaring halimbawa ng descriptibong teksto katulad ng kantang ito:

Dalaga
Arvey
Sa larangan, lansangan
Madami kang madadaanan
Dapat diretso ang tingin, 'wag kakaliwa't kanan
Ni hindi makapaniwala sa tangi mong kagandahan
Nang una kang makita, muntik na 'kong mabulunan

Iminulat ang aking matang sa dilim 'di nakakakita


Ilusyon lamang pala na ikaw ay makakasama
Mag-ingat sa paligid, baka ikaw na ang makarma
Sa mundong walang tumataas, lahat bumababa na

Ang lubid, gumapos


Ikaw lang ang tatapos
Isantabi upua't sa buhay makakaraos
Nasayang na lamang, walang paa-paalam
Tinulak ng sariling kamaliang naranasan

Iniwan ang nakaraan na parang panaginip lang


Nilisan ang mga problema't sarili'y pinakinggan
Hindi naging hadlang, mga balakid na nasa daan
Handang magpursigi hanggang malaman ang katotohanan

Ikaw na…

Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat


Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang
mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. sa pagsulat ng tekstong ito,
hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa
halip ay gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral
at pagsusuri.
Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng :
1) Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung
tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na
ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.
2) Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangang mulat at maalam
ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na pesepsiyon at paniniwala
tungkolsa isang isyu.
3) Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay upang epektibong masagot ang
laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

Ang isang halimbawa ng persuweysib na teksto ay ang mga patalastas tulad ng:

Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento


Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw sa mga
mambabasa.

Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring


piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento,tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita, maikling
sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang
paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

Mas malalim na halaga ng tekstong Naratibo:


- Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang
isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan para sa
kaniya ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na
pagsusuri dito.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:

a) Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan.


b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.
c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento.
d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.
* mga iba't ibang paraan ng narasyon:

diyalogo
Foreshadowing
plot twist
ellipsis
comic book death
reverse chronology
in media res
deux ex machina (God from the machine
e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.
f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o
hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
Ang halimbawa ng naratibong teksto ay ang sanaysay na pinamagatang “Karanasan sa Pag-ibig”

Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang


ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang


na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

Mga elemento ng Pangangatuwiran

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.

2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang
isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon
upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:

1) Mahalaga at napapanahong paksa


2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.

Sa aking pag hahanap ng tekstong argumentatibo ay nakita ko ang isang teksto sa facebook:
Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

Deskripsiyon: Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at


instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at
impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at
angkop na paraa.

Nilalaman: Ang tekstong Prosidyural ay may apat na nilalaman :


1) Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o
kahihinatnan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang
bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung
susundin ang gabay.
2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto.
3) Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.

Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:

1) Nasusulat sa kasalukuyang panahunan


2) Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang
3) Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng
mga panghalip
4) Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
5) Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
bahagi ng teksto
6)Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.

Isa ang mga recipe sa ginagamitan ng tekstong prosidyural sapagkat kinakailangan ito ng mga
panuto:
3.Layunin ng Tekstong Impormatibo

Layunin ng tekstong impormatibo na makapagbigay ng impormasyong nakakapagpalawak


ng kaalaman na nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na impormasyon.Layunin din ng tekstong
impormatibo ay maglahad ng mga impormasyong makadadagdag-kaalaman ukol sa isang paksa.
Naglalaman ito ng detalyadong paglalarawan ng isang bagay, mga halimbawa nito at maging
mga argumento tungkol dito. Ang mga datos na ito ay naglalayong magbigay ng lohikal na
paliwanag sa mga mambabasa. Ang mga halimbawa nito ay ulat tungkol sa mga sakit,
teknolohiya, siyensiya o maging kasaysayan.

4.Mga bahagi ng Tekstong impormatibo

Tulad ng pagsulat ng sanaysay ang Tekstong Impormatibo ay mayroon ding mga bahagi ito
ang mga sumusunod: Pamagat,Panimula (Panimulang Pangungusap),Katawan (Kabuuang
nilalaman ng tekstong),Pangwakas. Ang pamagat ay ang nagsisilbing pamalat ng teksto. Sa
pamamagitan ng pamagat ay maakit mo ang mga ag babasa na basahin ang iyong teksto, Ang
sumunod ay ang panimula. Dito ay sisimulan mong atakihin ang iyong topic. Mag bibigay
intruduksyon ka sa nais mong ipahatid. Ang sumunod naman ay ang katawan. Dito nakasaad ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong paksa. At ang panghuli naman ay ang pangwakas
o ang pagtatapos sa iyong sanaysay.

Narito ang isang halimbawa ng bahagi ng tekstong impormatibo:

i. Panimula

ii. Pamungad na pagtalakay sa paksa

iii. Graphical representation

iv. Aktuwal na pagtalakay sa paksa

v. Mahalagang datos

vi. Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit

vii. Paglalagom

viii. Pagsusulat ng sanggunian

You might also like