You are on page 1of 4

Kabanata 1 – Ang Kubyerta

I. Talasalitaan
1. Bapor tabo – barko na hugis tabo
2. Patungo – papunta
3. Paksa – pinag-uusapan
4. Nagmungkahi – nagsalaysay
5. Himagsikan – rebelyon, pakikidigma

II. Suri sa Pamagat.


- Ang salitang kubyerta ay parte ng isang bapor. Ngunit, sa nobelang ito ay
ginamitan ni Rizal ng talinhaga ang salitang Kubyerta.
Sa kubyerta nag titipon ang mga piling mamamayan na may posisyon at
kayamanan noong kapanahunan ng pananakop ng Español. Kaya ito
pinangalanang "Sa ibabaw ng Kubyerta" ay dahil piling tao lamang ang
maaring naroon. Karagdagan, ihinahati sa dalawa ang lipunan noon. Ang
ibabaw at ang ibaba. Sa ibabaw, naroon ang mga mayayaman at mag posisyon
sa lipunan. Ang mga na sa ibaba naman ay ang mga dukha at mga alipin.
Kaya na sa ibabaw dahil ang mga taong na sa Kubyerta ay sina Donya
Victorina, Don Custudio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Camorra, Padre Sibyla,
Padre Salvi, at si Simoun.

III. Mga Tauhan.


• Mga Pangunahing Tauhan
1. Ben Zayb - Isang manunulat na mahangin. Nagtalo sila ni Padre Camorra
dahil sa proyekto sa Puente Del Capricho.
2. Don Custodio - Matalino at iniisip ang kapakanan ng bawat tao. Iniisip niya
agad ang mga mangyayari.
3. Donya Victorina - Maarte at ayaw sa itik. Masyado raw kasi itong madumi.
Nilait niya ang Tabo dahil sa kabagalan nito at inalipusta ang mga Indio.
Mahilig din siyang sumabat kapag ayaw niya ang napag-uusapan.
4. Padre Cammora - Ang mukhang artilyerong pari na nakipag talo kay Ben
Zayb dahil sa hindi natuloy na proyekto sa Puente Del Capricho dahil sa ito'y
lapitin ng sakuna at hindi ligtas.
5. Padre Irene - Tahimik lamang at hindi nag lahad ng opinyon.
6. Padre Salvi - Tahimik din. Siya ay aring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
7. Padre Sibyla - Tahimik din. Siya ay isang Dominikang Pari.
8. Simoun - Siya ay nagpapaggap lamang bilang isang mayamang mag-alahas.
Siya ng pangunahing tauhan sa nobela. Siya si Ibarra. Sa kabantang ito, siya
ay matalino at hindi pinapahirapan ang sarili. Palaging nag-iisip ng solusyon
at ipinapantay ang mayayaman sa mahihirap.

IV. Buod
Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong daan ng
Ilog Pasig patungong Laguna.

Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi,
Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila
ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras del Puerto.
Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok
hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang
gagamitin upang takpan ang dating ilog.

Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng malaking


halagang pera. Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng
sapilitan at walang bayad.
Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun
dahil maaari itong magsimula ng himagsikan.

Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog


Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng
pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang balot
na pinandidirihan niya
V. Kagandahan
• Pagbibigay ng opinyon ni Simoun noong niyang kumplikado para sa mga
mahihirap ang planong isasagawa.
• Pag iisip ni Don Custudio sa mga pangyayaring maaring mangyari kung ang
isang ideya ay hindi pabor para sa lahat.
• Pagbibigay opinyon nina Donya Victorina, Ben Zayb, Don Custudio upang
paigtingin at pagandahin ang proyekto.
• Hindi pagiging pabor sa mga mayayaman ni Simoun noong sinabi niyang
maari silang maging trabahador sa proyekto.
• Pagtanggap ng mga opinyong ibinibigay ng iyong mga kausap.

VI. Katotohanan
• Mga pangyayaring nangyari sa kabanata:
1. Ang opinyon ng bawat isa ay na ka base sa lagay mo sa lipunan. Palaging
angat ang opinyon ng may pwesto sa sa lipunan at mga mayayaman
2. Palaging nahahati ang mayayaman at mahihirap. Hindi sila ipinagsasama.
3. Palaging na sa baba ang mahihirap at na sa itaas ang mayayaman.

• Mga pangyayaring nangyari sa kabanata at tunay na buhay:


1. Sa kasalukuyan, ang opinyon mo ay napakikinggan, ngunit hindi
nasusunod. Lalo na sa mga kapos palad nating mamamayan na nagbibigay
opinyon. Sila ay hindi nabibigyan pansin dahil sa kahirapan nila. Subalit, sa
mga taong mayayaman ay napakikinggan agad.
2. Ang mga mahihirap ngayon at mayayaman ay hindi pa rin nag sasama.
Halimbawa rito ay may mga lalawigan tulad ng Tondo na imbakan ng mga
mahihirap. Habang may mga lalawigan tulad ng Quezon City, Marikina at
Baguio na mayayaman ang mga tao. Karagdagan, ihinihiwalay ang mga
tahanan ng mga mahihirap. Tinatawag itong "Squatter area".
3. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga mayayaman pa rin ang na sa taa at ang
mga mahihirap ay nananatiling na sa ibaba. Halimbawa rito ay ang mga
karapatang dapat ay pantay tayo. Ngunit nadadaan ng salapi ng mga
mayayaman kaya nabubulag ang batas.

VII. Kabutihan
1. Tanggapin nating hindi maaring magsasama ang mahirap at mayaman.
Magulo lamang ito.
2. Palaging isipin ang kapakanan ng iba.
3. Matutong rumespeto ng opinyon, maging na sa ibaba man ang taong ito.
4. Matutong mag-isip ng paraang mas nakabubuti at pantay para sa lahat.
5. Ang opinyon mo ay hindi palaging masusunod.
6. Kapag ayaw mo at nakakabuti, mas mainam na lunukin ito. Hindi palaging
ikaw.

VIII. Teoryang Pampanitikan


Ang Teoryang Pampanitikan na nangingibabaw sa kabanatang ito ay ang
Teoryang Markismo. Sapagkat:
1. Nahahati ang mahihirap at mayayaman
2. Angat ang opinyon ng mayaman at mahirap
3. Pwedeng maging mabagal ang mayayaman, Ngunit hindi maaring maging
mabagal ang mahihirap.
4. Na sa itaas ang mayayaman, na sa ibaba naman ang mahihirap.

Suri Ni:
Arzen John N. Bajamundi

You might also like