You are on page 1of 15

Kabanata 1

Ulat ni John Gerald N. Luci


10-EINSTEIN
Kabanata 1

Sa Ibabaw ng
Kubyerta
Unang Bahagi

BUOD
Ang pamagat ng Kabanata 1 ay "Ibabaw ng Kubyerta". Dito
makikilala natin ang pangunahing tauhan na si Simoun, kasama ang
kanyang kasanggang tauhan na si Kapitan Heneral, at ang
katunggaling tauhan na si Don Custodio.
Sa pamamagitan ng mga diyalogo, ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang
mga saloobin at paniniwala. Isang halimbawa nito ay ang pag-uusap nina
Simoun at Don Custodio, kung saan sinabi ni Don Custodio, "At paano po
babayaran ang mga trabahador? at sinagot naman ni Simoun, "Babayaran?
Ano ka Don Custodio, hilo? Gagamit tayo ng mga bilanggo!" Masasabi kong si
Simoun ay isang tauhang lapad sapagkat walang mapapansin na pagbabago sa
kanya at nanatili ang paniniwala at pagkatao niya hanggang matapos ang
kabanata.

Nakatuon ang tagpuan ng kabanata sa “Ibabaw ng Kubyerta” noong panahon


ng Disyembre. Sa simula pa lang ng kabanata, maayos na ipinakilala ang tema,
tagpuan, at mga tauhan. Nilahad ang lugar at panahon ng pangyayari, kasama
na rin ang kilos at pananalita ng mga tauhan. Dahil dito mas madaling
naunawaan ang paksa at tema ng unang kabanata.
Ang suliranin na naging paksa sa usapan
ay ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang
mga gawain ng Obras del Puerto.

Sa resolusyon ng kabanata, nagmungkahi


si Simoun ng isang paraan upang ayusin
ang Ilog Pasig, na nagsasangkot ng
paghuhukay ng isang tuwid na daan at
paggamit ng mga lupang nahukay upang
takpan ang ilog. Gayunpaman, hindi pabor
si Don Custodio sa inihayag na paraan ni
Simoun dahil nag-aalala siya na
magdudulot ito ng himagsikan. Sa halip,
nagmungkahi si Don Custodio na mag-
alaga ng mga pato sa ilog upang lumalim
ang lawa at magkaroon ng karagdagang
Ngunit hindi rin pabor si Donya Victorina sa ideya ni Don Custodio dahil
hindi niya gusto ang mga balot ng pato. At nagtapos ang unang kabanata nang
mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tauhan.

Hindi gumamit ng anumang Analepsis, Prolepsis at Ellipsis sa kabanata.

Sa pangkalahatan, makikita natin na ang sentral na ideya ng kabanata ay sa


pang-ekonomiya. Makikita natin dito ang agwat ng mga mahihirap at
mayayaman kung saan nakahati ang mga sakay sa Bapor Tabo. Ang mga
mayayaman at dugong Kastila ay nasa itaas na bahagi, kung saan
komportable sila at hindi pinapawisan. Samantala, ang mga Pilipino, Indio at
mga Intsik ay nasa ilalim ng kubyerta, nagtitiis sa init, ingay ng makina, pawis
at siksikan sa kanilang kinatatayuan.
Ikalawang Bahagi

Mga Sagot sa
Tanong
UNANG TANONG:

1. Ano ang iyong mabubuong konklusyon hinggil sa naging epekto ng


TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY, at PAKSA?

SAGOT:

Ipinapakita sa kabanata ang malinaw na agwat sa pagitan ng mga mayayaman


at mahihirap, at mapapansin ang diskriminasyon sa pagkakahati ng mga sakay
sa bapor Tabo. At makikita rin ang pagiging makasarili at bulag sa
katotohanan ng mga nasa kapangyarihan.
IKALAWANG TANONG:

2. Gamitin ang wika sa mga sumusunod na sitwasyon: BOKABULARYO,


PAHIWATIG, IMAHEN, SIMBOLISMO.

SAGOT:

Bokubularyo:
Bapor tabo- barko na hugis tabo
Paksa- pinag-uusapan
Nagmungkahi- nagsalaysay
Himagsikan-rebelyon
Kubyerta- bahagi ng bapor
panukala- mungkahi
pagtutsada- pagmumura nang paghamak
IKALAWANG TANONG:

2. Gamitin ang wika sa mga sumusunod na sitwasyon: BOKABULARYO,


PAHIWATIG, IMAHEN, SIMBOLISMO.
SAGOT:
Pahiwatig: Maaring magkaroon ng diskusyon sa pagitan ni Donya Victorina at
Don Custodio at possible makialam ang iba pang mga tauhan sa argumento.

Imahen: Hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino


Ang pagiging makasarili at bulag sa katotohanan ng mga nasa kapangyarihan.

Simbolismo:
Bapor Tabo- pamahalaan, ang mga nasa itaas ang komportable at ang mga
nasa ibaba ang naghihirap
mabagal na pag-usad ng bapor tabo- mabagal na takbo ng kaunlaran ng
IKATLONG TANONG:

3. Batay sa tinalakay na bokabularyo, pahiwatig, imahen, at simbolismo, anong


usaping panlipunan ang makikita sa kabanata? Ano ang makikitang ugnayan
ng wika at kultura sa isyung nabanggit?
SAGOT:
Ang usaping panlipunan na makikita sa kabanata ay ang hindi pantay na
pagtrato sa mga Pilipino ng mga Kastila at iba pang dayuhan. Maiuugnay ang
isyung ito sa wika sapagkat ipinagbawalan ang paggamit ng wikang Filipino o
iba pang lokal na wika ang mga Pilipino ng mga Kastilla bilang isang paraan ng
pagsupil sa identidad at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. At gayundin para sa
Kultura kung saan ipinagbawal ang panghihimasok sa mga tradisyon, wika, at
kultura ng mga Pilipino.
Ikatlong Bahagi

Tekstong
Biswal
4. Unawain at suriin ang Tekstong Biswal.
Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya sa Tekstong Biswal ( hal. Bakit
ganoon ang dubuho ng mga linya? Bakit iyon ang kulay na ginamit?)
Ipaliwanag nang wasto ang kahulugan ng lahat na ginamit na elementong
Biswal. Kailangang isama ang interpretasyon ng datos na inilahad.

Ang Bapor Tabo ay isang


paglalarawan ng mga
kaganapan sa lipunan at
pulitika ng panahon ng
Kastilla, at ito ang
nagsisilbing
transportasyon para sa
mga mamamayan noon.
Linya: Mahusay ang pagkaguhit at wasto ang nipis at kapal ng mga linya na
ginamit. At ating din makikita ang mahabang pila ng mga tao sa ibabaw ng
Kubyerta
Hugis: angkop ang mga hugis na ginamit, at tamang-tama ang mga proporsiyon
dahil dito nagkaroon ito ng mas makatotohanang anyo.
Kulay: Bagamat kulang sa kulay, naipakita nito ang maayos na pagguhit sa
pamamagitan ng paggamit sa anino.
Ang mahusay na pagkaguhit,
tamang hugis, wastong kulay ay
mga mahahalagang elemento sa
paggawa ng mga larawan na mas
makatotohanan. Ang mga ito ay
nagbibigay ng detalye, anyo, at
kahulugan sa mga larawan, na
nagpapahiwatig ng tunay na
kaganapan at nagdadala ng natural

You might also like