You are on page 1of 12

1. Paano tayo napagkakalooban ng mga karapatan?

A. ito ay itinakda ng mga batas C. ito ay simbolo ng pamahalaan


B. ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo D. ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan
2. Paano naiiba ang ating likas na karapatang konstitusyunal?
A. Ito ay kaloob ng Diyos at hindi ng tao
B. Ito ay kaloob ng tao at hindi ng diyos
C. Ito ay maaaring mabago o mapigil ng batas
D. Ito ay tanging para sa mga mamamayan laman
3. Paano mailalarawan ang mga karapatang sibil?
A. Ito ay may kaugnayan sa ating patutungo sa ating kapwa.
B. Ito ay nagbibigay-proteksiyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
C. Ito ay tungkol sa paghahanap natin ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
D. Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.
4. Paano tayo maaaring makalahok sa pagpapatatag ng pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng paghalal ng mga opisyal ng bansa
B. Sa pamamagitan ng pagtatamasa sa ating mga karapatan
C. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga rally at demonstrasyon
D. Sa pamamagitan ng paghahain ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
A. Katambal ito ng ating mga tungkulin
B. Kailangan nating tuparin ang konstitusyon
C. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo ng maayos at maligaya
6. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan ng ating
Saligang Batas?
A. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan
B. Nakasaad dito ang kabuuan ng ating mga likas at konsitusyonal na karapatan
C. Nakasaad dito ang mga karapatan nating bilang isang malayang mamamayan ng ating
demokratikong estado
D. Ang labag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan sa ayon sa batas
7. Bakit may mga karapatan maging akusado o nasasakdal sa isang kaso?
A. Ito ay nakatadhana sa Saligang Batas
B. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
C. Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa
D. Sila ay itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala
8. Paano maaring malabag ng mga magulang o nakatanda ang ating mga karapatan?
A. Kung sila ay nagiging pabaya sa kanilang mga trabaho
B. Kung sila ay nagiging masamang halimbawa sa kanilang kilos at salita
C. Kung sila ay nang-aabuso o nagtutulak sa ating gumawa ng hindi mabuti
D. Kung sila ay umiiwas pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mamamayan
9. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?
A. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan
B. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
C. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas
D. Tinatanggalan nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng
estado
10. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?
A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
C. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas
D. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao
11. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad?
A. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito.
B. Ang kasarian ay epekto ng kultura samangtalang ang seksuwalidad ay biyolohikal.
C. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang seksuwalidad ay kultural.
D. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling mapalitan ng sinuman.
12. Paano mailalarawan ang mga homoseksuwal?
A. Nakararanas sila ng atraksiyon sa kapareho nilang kasarian.
B. Nakararanas sila ng atraksiyon sa katulad na kasarian at ibang kasarian.
C. Madali para sa kanilang makilala at matanggap ang kanilang seksuwal na oryentasyon.
D. Nakatatamasa sila ng mataas na pagtingin sa kani-kanilang kinabibilangang
komunidad.
13. Bakit sinasabing ang mga lalaki ang pinakamakapangyarihan sa maraming lipunan sa
daigdig?
A. Sila ay malakas sa pisikal na aspeto.
B. Karaniwang nananatili sa tahanan ang mga babae.
C. Mas nakararanas ng diskriminasyon mula sa kababaihan at homoseksuwal.
D. Nakakukuha sila ng higit na pribelehiyo sa pamahaan, edukasyon, at trabaho.
14. Paano naiimpluwensiyan ng relihiyon ang pananaw ng mga tao tungkol sa
homoseksuwalidad?
A. Sinusunod ng mga tao ang turo ng kani-kanilang mga relihiyon.
B. Itinatanggi ng iba’t ibang relihiyon ang pagkakaroon ng mga homoseksuwal.
C. May mga pangkat ng relihiyon na tumatanggap sa mga homoseksuwal at may mga
pangkat ding kumokondena sa kanila.
D. Walang impluwensiya ang relihiyon sa pananaw ng tao tungkol sa homoseksuwalidad.
15. Bakit mahirap sa maraming LGBT ang pagbuo ng kanilang pagkakakilanlang seksuwal?
A. Kaunti lamang sila sa kanilang pamayanan.
B. Biktima sila ng maraming uri ng diskriminasyon.
C. Hindi sila naturuan tungkol sa kanilang pagkakakilanlan.
D. Hindi pa sila lubos na tanggap ng lipunan o bansang kanilang kinabibilangan
16. Bakit sinasabing ang homophobia ay isang uri ng diskriminasyon?
A. Itinataguyod nito ang homoseksuwalidad.
B. Hindi nito iginagalang ang mga karapatang pantao.
C. Ipinagkakait nito ang karapatan ng mga homoseksuwal.
D. Hangad nitong hindi tanggapin at hindi igalang ang isang pangkat.
17. Bakit masasabing mas bukas na ang hukbong sandatahan sa mga LGBT?
A. Binibigyang-priyoridad sa serbisyo ang mga LGBT.
B. Maaari nang sumali sa Philippine Armed Services ang mga LGBT.
C. Malawak na ang pagtingin ng mga sundalo sa mga miyembro ng LGBT.
D. Binibigyan ng espesyal na pagsasanay ang mga sundalong nagpapahayag na sila ay
LGBT.
18. Paano nakatutulong ang media sa pagsulong ng pagtanggap sa mga LGBT?
A. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga LGBT na makapagpahayag ng kani-kanilang
sariling opinion.
B. Ipinapakilala nito ang kahusayan ng mga LGBT sa industriya ng pelikula, telebisyon, at
fashion.
C. Ipinapakita nito ang mga raly at demonstrasyon ng mga pangkat ng LGBT.
D. Pinapalawak nito ang pagtingin ng mga tao sa mga LGBT.
19. Paano nakatulong ang mga grupo tulad ng ANG LADLAD sa pakikipaglaban ng mga LGBT
para sa kanilang mga karapatan?
A. Namuno ito sa mga kilos-protesta ng mga LGBT.
B. Nagsilbi itong boses ng mga LGBT sa pamahalaan.
C. Naisabatas nito ang mga ipinaglalabang karapatan ng mga LGBT.
D. Lumalabas ang mga miyembro nito sa media upang ipagtanggol ang mga LGBT.
20. Paano lumaganap ang partipasyon ng mga pangkat ng LGBT sa ating lipunan?
A. Dumami ang mga organisasyon ng mga LGBT.
B. Namayagpag sa pelikula at telebisyon ang mga LGBT.
C. Mas marami na ang mga politikong umaaming sila ay kasapi ng LGBT.
D. Ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga LGBT ang mas maraming karapatan.
21. Bakit hindi lamang isang isyung politikal kundi panlipunan din ang same-sex marriage?
A. Isa itong pandaigdigang isyu
B. Pinag-uusapan nito sa lipunan
C. May kinalaman ito sa relihiyon ng isang tao
D. Saklaw nito ang mga karapatang pantao at karapatang sibil.
22. Paano nagkakaroon ng diskriminasyon batay sa kasarian?
A. Hindi nakatatamasa ng pagkakataong makapagtrabaho sa iba’t ibang larangan ang mga
LGBT.
B. Mas kinikilala ang mga lalaki sa larangan sa lipunan kaysa sa mga babae at LGBT.
C. Mas makapangyarihan ang mga lalaki sa lipunan kaysa sa mga babae at LGBT.
D. Nagkakaiba ang mga paraan ng pagtrato sa mga LGBT sa iba’t ibang panig ng daigdig.
23. Bakit sinasabing ang isyu ng reproductive health ay isyu ng pagkakapantay-pantay ng
kasarian?
A. Mas malaki ang impluwensiya ng kalalakihan sa isyung ito.
B. May mga panukala ang reproductive health na hindi makabubuti sa kababaihan,
C. Hindi lubos na naipahahayag ng kababaihan ang mga pananaw nila tungkol sa
reproductive health.
D. Ang mga babae ang mas nagsasakripisyo pagdating sa panganganak at pag-aaruga ng
mga anak.
24. Paano nakikitil ang kalayaan ng isang babae sa kanyang pagiging isang ina?
A. Mas makapangyarihan ang ama kaysa sa ina sa loob ng tahanan.
B. Nauubos ang panahon at lakas ng isang babae sa pangangalaga sa kanyang mga anak.
C. Ang pagkakaroon ng maraming anak ay nagiging mapanganib para sa kalusugan ng
isang babae.
D. Dahil sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, nababawasan ang kanyang pagkakataong
magtagumpay sa edukasyon, trabaho, politika, at iba pa.
25. Bakit may mga taong nagsusulong ng ligtas na pagpapalaglag (safe abortion)?
A. Gusto nilang mabawasan ang tumataas na antas ng maternal death.
B. Gusto nilang masolusyunan ang lumalalang suliranin ng teenage pregnancy.
C. Gusto nilang mabigyan ng pagkakataong makapagpasya ang mga kabataang aksidenteng
nabubuntis.
D. Gusto nilang masunod ang mga probisyon ng Reproductive Health Law.
26. Bakit may malaking debate ukol sa Reproductive Health Law?
A. Konserbatibo ang maraming Pilipino.
B. Naniniwala ang ibang Pilipino na hindi ito kailangan.
C. Itinataguyod nito ang pagiging mulat ng mga kabataan tungkol sa sex.
D. May mga hindi sang-ayon sa pamamahagi ng mga birth control o family planning devices.
27. Bakit tutol ang simbahan sa sex education para sa mga kabataan?
A. Ang mga magulang daw, hindi paaralan ang dapat magturo sa mga kabataan ukol sa sex
B. Dapat daw ilaan ang pondo ng pamahalaan sa ibang mga mas kapaki-pakinabang na
gawain.
C. Mas mahalaga raw na pagtuunan ng mga kabataan ang mga gawaing pang-relihiyon.
D. Hindi pa raw handa ang murang kaisipan ng mga kabataan pata sa pagtatalakay ng
ganitong paksa.
28. Paano nasisiguro ng RH Law ang mga karapatan ng mga manggagawang babae para sa
reproductive health?
A. Naglalaan ito ng pondo upang mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga babaeng
manggagawa.
B. Inuutusan nito ang mga kompanyang magbigay ng serbisyo para sa kalusugang
reproduktibo ng kanilang mga babaeng empleyado.
C. Itinakda nito ang pagbibigay ng mga libreng kontrasepsiyon para sa lahat ng mga
manggagawang babae.
D. Pinagbabayad nito ng buwis ang mga kompanyang hindi tumutupad sa mga probisyon ng
RH Law.
29. Paano tumulong ang Estados Unidos sa pagpapababa ng populasyon ng Pilipinas?
A. Nagbenta ito ng iba’t ibang produkto para sa birth control.
B. Naglunsad ito ng mga programa para sa reproductive health.
C. Pinondohan nito ang pamamahagi ng mga family planning devices.
D. Inimpluwensiyahan nito ang pamahalaan ng Pilipinas na ipasa ang RH Law.
30. Bakit maraming kaso ng abortion sa Pilipinas kahit na ito ay ipinagbabawal ng batas?
A. Mura at madali ang pagpapalaglag ng mga bata.
B. Maraming nabubuntis ng hindi sinasadya.
C. Maraming kabataan ang sangkot sa pre-marital sex.
D. Liberal at modern na ang pag-iisip ng karamihan sa mga Pilipino.
31. Bakit tutol ang Simbahang Katoliko sa abortion?
A. Napipigil nito ang paglaki ng populasyon.
B. Nilalagay nito sa panganib ang buhay ng ina.
C. Lalo lamang nitong pinangangatwiranan ang premarital sex.
D. Naniniwala itong ang buhay ay nagsisimula sa pagkakabuo sa sinapupunan ng ina.
32. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang suliranin ng aborsyon?
A. Umaaksiyon ito para sa pagpapatibay ng mga batas na nagbabawal dito.
B. Naglalaan ito ng sex education para sa mga kabataan at pamamahagi ng kontrasepsiyon.
C. Nagpapataw ito ng matinding parusa sa sinumang gumawa nito.
D. Nagbibigay ng tulong-medikal sa mga babaeng nagpapalaglag ng bata.
33. Bakit isinusulong ng ilang Pilipino na ibigay ang sex education sa mababang paaralan?
A. Mahalagang ituro ito ng maaga para sa kabutihan ng mga bata.
B. Mas angkop sa mga batang estudyante ang paksang ito.
C. Mas madaling maturuan ang mga mag-aaral sa elementarya kaysa sa high school.
D. Mas maraming mga kabataang Pilipino ang hindi nakaabot sa mataas na paaralan.
34. Paano mailalarawan ang sex education na iminumungkahi ng RH Law?
A. Tradisyunal C. Abstinenceplus
B. Abtinence only D. Komprehensibo
35. Paano mailalarawan ang katwiran ng mga sang-ayon sa RH Law?
A. Makatutulong ito sa pagpasya ng mga mamamayan hinggil sa dami ng anak na nais nila
at kaya nilang alagaan.
B. Mabibigyang-daan nito ang modernisasyon ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan
ng mga bata.
C. Malulutas nito ang suliranin ng kahirapan at patuloy na paglaki ng populasyon.
D. Mabibigyan nito ng boses ang mahihirap at mga babaeng naaabuso at walang balak na
mabuntis.
36. Bakit maraming mga babae ang nasasadlak sa prostitusyon?
A. dahil sa matinding kahirapan
B. dahil sa karanasan sa pang-aabuso
C. dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot
D. dahil sa kakulangan sa edukasyon tungkol sa reproductive health
37. Paano nagkakaugnay ang pornograpiya at prostitusyon?
A. Ang mga nalululong sa pornograpiya ay nahihikayat sumuporta sa prostitusyon.
B. Ang mga sangkot sa pornograpiya na sangkot din sa prostitusyon.
C. May mga batas na ipinagbabawal sa mga gawaing ito.
D. Kapwa ito malalang suliranin ng lipunang Pilipino.
38. Bakit sinasabing parang naging legal na sa Pilipinas ang prositusyon?
A. Sobra na itong talamak sa lipunan.
B. Napakalaki ng kita ng mga sangkot dito.
C. Hindi hinuhuli ng mga may kapangyarihan.
D. Dumadayo sa Pilipinas ang mga banyaga para dito.
39. Bakit sinasabing bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang pornograpiya?
A. Bahagi ito ng kulturang Pilipino.
B. Hindi ito mabuting katangian ng mga Pilipino.
C. Panahon pa ng kolonisasyon ay laganap na ito sa Pilipinas.
D. Ang Pilipinas ay may pinakamalalang suliranin nito sa buong Asya.
40. Paano mailalarawan ang mga argumento ng mga nais gawing legal ang prostitusyon sa
Pilipinas?
A. Ito ay makakalutas sa suliranin ng prostitusyon.
B. Ito ay pipigil sa mga kabataang nahihikayat pumasok sa ganitong gawain.
C. Ito ay makatutulong sa pagsugpo ng kahirapan ng maraming Pilipino.
D. Ito ay makapagbibigay ng mas maraming karapatan sa mga prostitute.
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Antique
District of Laua-an
Col. Ruperto Abellon National School

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Test I. Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili
ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang
hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging
Pilipino.
7. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng
pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang
kaban ng bayan.
8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang
pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human
Rights
A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234
9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat
isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi. amahalaan.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
10.Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang
pagpapasya.
11.Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang
lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang
nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations D. People’s Organizations
12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga
karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
13.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong
pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning
pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan
ang mga isyung pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng
pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang
pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
14.Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang
pantao at kabutihang panlahat.
15.Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga
isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa.

Test II. Matching Type. Paghambingin ang Hanay A at Hanay B. Tukuyin kung anong
Prinsipyo ng Yogyakarta ang tinutukoy sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A
16. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
17. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon.
18. Ang karapatan sa buhay.
19. Ang karapatan sa trabaho.
20. Ang karapatan sa edukasyon.
21. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko.
22. Ang Karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop o mapanghiyang pagtrato sa tao.
Hanay B
A. Prinsipyo 1
B. Prinsipyo 4
C. Prinsipyo 12
D. Prinsipyo 2
E. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 16
G. Prinsipyo 25
H. Prinsipyo 3

Test. III. Ibigay ang kahulugan ng bawat termino.

23. CEDAW-convention
24. LGBT-
25.NGO-
26. FLAG-
27. UDHR-
28. UN-
29.CHR-
30. COMELEC-

Test IV Tukuyin ang tanong sa bawat numero. Piliin ang sagot sa kahon.

31. Isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng
mga mamamayan. Nakasaad dito ang mga kapangyarihan ng pamahalaan at ang mga karapatan at
tungkulin ng mga mamamayan upang maging matibay ang pagkakabuklod ng sambayanan.
32. Ito ay mahalagang dokumentong tinanggap ng UN General Assembly noong 1948 na
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil,
politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
33. Tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado
lamang sa kalalakihan.
34. Pagiging miyembro ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at politikal.
35. Prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang estado
36. Pinakamahalagang elemento ng estado. Ang mga tao ang namamahala at nagsasagawa ng mga
gawain ng estado.
37. Dokumentong nilagdaan ni Haring John I ng England noong 1215 na naglalaman ng ilang
karapatan ng mga taga-England at naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England.
38. Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng
1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
39. Ito ay isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na
teritoryo, may panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa
mga mamamayan nito.
40. Ang mga karapatang panlipunan o sosyal at ekonomiko ay yaong ipinagkakaloob upang
matiyak ang kapakanan at seguridad ng tao. Ang karapatang mag-asawa, maghanapbuhay at
magmana ng mga ari-arian ay ilan sa mga halimbawa nito.

Saligang-batas Polis Magna Carta


Estado Karapatang
Sosyal UDHR Pagkamamamayan
Mamamayan Naturalisasyon Bill of
Rights
Karapatang Sibil

Test V. ENUMERASYON

41-43. Paano mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal?


44-45. Ano ang Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan?
46-50. Magbigay ng mga karapatang pantao na nakasaad sa UDHR.
51-53 Ano ang tatlo\ng uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong
bansa?
54-57. Ano ang apat na klasipikasyon ng Constitutional Rights?
58-60. Magbigay ng mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao.
Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala sa ikalawang kolum ng mga karapatang
pantaong nakapaloob sa bawat dokumento. 20pts.
Dokumento Nakapaloob na mga Karapatan
1. Cyrus Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the
Rights of Man and
of the Citizen

“Successful and unsuccessful people do not vary greatly in their abilities. They vary in their
desires to reach their potential.”- John Maxwell
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Antique
District of Laua-an
Col. Ruperto Abellon National School

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Test I. Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang
hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging
Pilipino.
7. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?

A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon


B.Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
C.Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas
D.Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao

8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang
pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human
Rights

A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234


9.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat
isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
10.Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang
pagpapasya.
11.Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang
lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang
nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations D. People’s Organizations
12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga
karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
13.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong
pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning
pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan
ang mga isyung pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng
pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang
pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
14.Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang
karapatang pantao at kabutihang panlahat.
15.Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa
mga isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa.

Test II. Matching Type. Paghambingin ang Hanay A at Hanay B. Tukuyin kung anong
Prinsipyo ng Yogyakarta ang tinutukoy sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A
16. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao. A
17. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon. D
18. Ang karapatan sa buhay.B
19. Ang karapatan sa trabaho.C
20. Ang karapatan sa edukasyon.F
21. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko. G
22. Ang Karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop o mapanghiyang pagtrato sa tao. E
Hanay B
A. Prinsipyo 1
B. Prinsipyo 4
C. Prinsipyo 12
D. Prinsipyo 2
E. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 16
G. Prinsipyo 25
H. Prinsipyo 3

Test. III. Ibigay ang kahulugan ng bawat termino.

23. CEDAW-Convention on Elimination of all forms of Discrimination Against Women


24. LGBT-Lesbian, Gay Bisexual, Transgender
25.NGO-Non- Government Organization
26. FLAG- Free Legal Assistance Group
27. UDHR-Universal Declaration of Human Rights
28. UN-united Nations
29.CHR-Commission on Human Rights
30. COMELEC-Commission on Election

Test IV Tukuyin ang tanong sa bawat numero. Piliin ang sagot sa kahon.

31. Isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng
mga mamamayan. Nakasaad dito ang mga kapangyarihan ng pamahalaan at ang mga karapatan at
tungkulin ng mga mamamayan upang maging matibay ang pagkakabuklod ng sambayanan.-
Saligang Batas
32. Ito ay mahalagang dokumentong tinanggap ng UN General Assembly noong 1948 na
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil,
politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.Udhr
33. Tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado
lamang sa kalalakihan.POlis
34. Pagiging miyembro ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at
politikal.Pagkamamamayan
35. Prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang
estado.Naturalisado
36. Pinakamahalagang elemento ng estado. Ang mga tao ang namamahala at nagsasagawa ng mga
gawain ng estado..Mamamayan
37. Dokumentong nilagdaan ni Haring John I ng England noong 1215 na naglalaman ng ilang
karapatan ng mga taga-England at naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England. Magna Carta
38. Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng
1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Bill of Rights
39. Ito ay isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na
teritoryo, may panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa
mga mamamayan nito.Estado
40. Ang mga karapatang panlipunan o sosyal at ekonomiko ay yaong ipinagkakaloob upang
matiyak ang kapakanan at seguridad ng tao. Ang karapatang mag-asawa, maghanapbuhay at
magmana ng mga ari-arian ay ilan sa mga halimbawa nito. Karapatang Sosyal

Saligang-batas Polis Magna Carta


Estado Karapatang
Sosyal UDHR Pagkamamamayan
Mamamayan Naturalisasyon Bill of
Rights
Karapatang Sibil
Test V. ENUMERASYON

41-43. Paano mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal?


Ang panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas ng ibang bansa
Tumakas sa hukbong sandatahan
Nawala na ang bias ng naturalisasyon
44-45. Ano ang Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan?
Jus Sanguinis
Jus soli
46-50. Magbigay ng mga karapatang pantao na nakasaad sa UDHR.
51-53 Ano ang tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong
bansa? Natural rights, Constitutional Rights, Statutory rights
54-57. Ano ang apat na klasipikasyon ng Constitutional Rights?
Karapatang Sibil, karapatang political, karapatang sosyo-ekonomik,karapatan ng akusado
58-60. Magbigay ng mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao.
Pahra, global rights, amnesty international

You might also like