You are on page 1of 24

Concepcion Holy Cross College, INC.

High School Department


Aquino Street, Barangay Minane,
Concepcion, Tarlac
S.Y. 2020-2021

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

SENIOR HIGH SCHOOL


FIRST QUARTER MODULE

Prepared by:
Arlene Marie Amurao Carreon
Subject Teacher
Week of
the
Quarter/ Most Essential Learning Competencies
Grading
Period

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong


Week 1
binasa
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
Week 1
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
Week 2
tekstong binasa
Week 2 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
Week 3
halimbawang teksto
Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang
Week 4
sariling tekstong isinulat
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
Week 4
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong
Week 5
binasa

Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:


a. Kalinawan
Week 6-7
b. Kaugnayan
c. Bisa Sa reaksyong papel na isinula

Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang


teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa:
a. pamilya,
Week 8-10
b. komunidad
c. bansa
d. daigdig
Modyul 1:

ANG PROSESO NG PAGBABASA


Pagbasa –proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri
at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o
simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating
binasa.

Kahalagahan ng Pagbasa

1. Nagbabasa para sa kaligtasan


2. Pagbasa para makakuha ng impormasyon
3. Para sa mga partikular na pangangailangan
4. Pagbasa para malibang

Teorya ng Pagbasa

1. Bottom-up (tradisyonal na pananaw na mula sa teoryang


behaviorism)
-nagsisimula ang karunungan sa tekstong binasa(bottom)
patungo sa taong nagbabasa (up)
-tinatawag ding “data-driven/ outside-in”
2. Top-down (hango sa teoryang kognitib/ kognitibo)
-ang tagabasa ay isang aktibong partisipant na dati nang may
taglay na kaalaman
-tinatawag ding inside-out
- nagsisimula sa taglay nang karunungan na nailalapat sa
tekstong binasa.
3. Schema o Iskima
Ayon kina Pearson at Spiro (1982), ang tao ay may kaniya-
kaniyang karanasan at paraan ng pag-iisip.

Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa

1. Fixation- pagtitig n gating mga mata upang kilalanin at intindihin


ang teksto
2. Interfixation- paggalaw ng ating mga mata mula kaliwa pakanan
o mula itaas pababa na karaniwang nangyayari habang tayo’y
nagbabasa.
3. Return Sweeps- paggalaw ng mga mata mula hanggang sa dulo ng
teksto
4. Regression- paggalaw ng mata kapag kailangang balik-balikan at
suriin ang ating binabasa.

Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa


Ayon sa Organisasyong SEDL, dating kilala bilang The Southwest
Educational development Laboratory, may dalawang pangunahing
hakbang sa kognisyon:
1. Pagkilala (decoding)- Kinikilala muna at binibigyang-anyo ang
mga simbolong tinututukan ng ating mga mata.
2. Pag-unawa (comprehension)-habang kinikilala ang mga titik o
simbolo ay inuunawa natin ang ating binabasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa


William S. Gray-ama ng Pagbasa
- naglahad ng apat na hakbang sa pagbabasa
1. Pagkilala- Ito ang proseso ng pagtukoy sa mga nakalimbag na
salita o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na
bumubuo sa bawat salita.
2. Pag-unawa- kakayahang bigyang kahulugan at interpretasiyon ang
kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo o ng mga salitang
nakalimbag.
3. Reaksiyon- Proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at
kahusayan ng teksto at pagdama sa kahulugan nito.
4. Pag-uugnay- ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at
paggamit ng mambabasa sa kaniyang dati at mga bagong karanasa
sa tunay na buhay.
UNANG AKTIBIDAD:

A. Punan ng sagot ang blankong espasyo sa gilid.


________________ 1. Prosesong pagtingin, pag-aayos, pagkilala, at
pag-unawang anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya
nakinakatawan ng mga salita o simbolo.
________________ 2. Ilang porsiyento ang matuturing na ang ating
kaalaman ay mula sa ating binasa.
________________ 3. Isang pisyolohikal na proseso ang pagbabasa
dahil sangkot ditto ang _______ na siyang ginagamit natin upang
makita, matukoy, at makilala ang mga imahe at simbolo.
________________ 4. Nagkakaroon ng mga pagbabago ng kemikal na
dumadaloy sa ating mga ugat patungosa ________, ang sentro ng ating
utak na nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo.
________________ 5. Sa tuwing tayo’y nagbabasa, ang simbolo o
imahe ay mga liwanag na tumatama sa ________ ng ating mga mata.
________________ 6. Gumagalaw rin ang mga mata mula sa simula ng
binabasa hanggang sa dulong teksto na tinatawag namang ________.
________________ 7. Ano naman ang tawag kapag napapatitig ang
ating mata upang kilalanin at intindihin ang imahe o simbolo.
________________ 8. Ano naman ang tawag kapag gumagalaw ang
ating mata mula kaliwa pakanan o mula sa itaas pababa nakaraniwang
nagyayari habang tayo’y nagbabasa.
________________ 9. Kung minsan naman ay kailangan nating
balikbalikan at suriin ang ating binabasa ito ay tinatawag na?
________________10. Ano ang organisayong gumagawa ng
pananaliksik pang edukasyon, na may dalawang hakbang ang
kognisyon.
B. Enumerasyon
Dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon
1.
2
Mga Hakbang sa Pagbabasa
1.
2.
3.
4.
C. Sanaysay
ANO ANG KAHALAGAHAN NG WIKA PARA SAYO? (9pts.)
Modyul 2:

TEKSTONG IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO– ang pangunahing uri ng teksto na
kapupulutan ng kaalaman. Uri ng babasahin na di-piksiyon. Layunin ng
ganitong uri ng teksto na maghatid ng kaalaman, magpaliwanang ng
mga ideya, magbigay kahulugan sa mga ideya at maglatag ng mga
panuto o direksiyon
Halimbawa:
1. mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopediya, almanak,
batayang aklat at dyornal
2. ulat
3. pananaliksik
4. artikulo
5. polyeto/brochure
6. sanaysay
7. mungkahing proyekto
8. balita
9. komentaryo

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo


Upang malaman ang mga nakapaloob sa isang teksto, asaating mga
mambabasa kung paano natin aalamin ang mga bawat impormasyon,
Kaya’t kailangan nating malaman ang mga kayarian ng katha at mga
hulwaran.
Hulwaran ng organisasyon:
1. Kahulugan
2. Pag iisa-isa
3. Pagsusuri
4. Paghahambing
5. Sanhi at bunga
6. Surilanin at solusyon
Gabay sa pagbasa ng Tekstong Impormatibo
1. Layunin ng may- akda
2. Mga pangunahin at suportang ideya
3. Hulwarang organisasyon
4. Talasalitaan
5. kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto.

IKALAWANG AKTIBIDAD:
A. Isulat sa patlang ang I kung karaniwang naghahayag ng
impormasyon ang uri ng teksto na nakasaad sa bilang at H
kung hindi.
________ a. pahayagan
________ b. pagsusuri ng isang dulang pantanghalan
________ c. editoryal
________ d. maikling kwento
________ e. mapa ng Pilipinas sa isang atlas
________ f. talumpati
________ g. talata tungkol sa iba-ibang uri ng halaman sa ensiklopediya
________h. facebook post
________ i. proposal para sa isang proyekto ng barangay
________ j. tula

B. Ibigay ang mga layunin ng tekstong impormatibo


1.
2.
3.
4.
5.
Modyul 3:

TEKSTONG DESKRIPTIBO o NAGLALARAWAN

TEKSTONG DESKRIPTIBO – ito ay nagtataglay ng impormasiyong


may kinalaman sa pisikal katangian ng isang tao, lugar o bagay
Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suporta sa mga
impormasyong inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari
o kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo.
Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Ito ay may layuning ilarawan an gang mga katangian ng mga bagay,
pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala at iba pa.

Halimbawa:
- mga akdang pampanitikan
- talaarawan
- talambuhay
- sanaysay
- polyetong panturismo
- pelikula o palabas

MgaElemento ng Tekstong Deskriptibo


1. Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo) – tahasang inilalarawan
ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito
gamit ng mga pang-uri
- direktang pagpapakita ng ng katangiang makatotohanan at di
mapasusubalian
2. Masining na Paglalarawan (Subhetibo)- malikhain ang paggamit
ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa
inilalarawan.
- maaaring kapapalooban ng matatalinhagang pahayag (mga
idyoma at tayutay) at naglalaman ng personal na persepsiyon
kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing
impresiyon na nililikha sa mga mambabasa.
2. ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo at
subhetibo at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat
na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espesipiko at
maglaman ng mga konkretong detalye.
Mga Tayutay
1. Simili o Pagtutulad-paghahambing sa dalawang magkaibang
bagay, tao o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng,
tila, kawangis, mala, parang, kagaya, kasing, kapara at katulad.
Hal:Kasingpula ng rosas ang kanyang labi.

2. Metapora- tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na


kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
Hal: Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.

3. Personipikasyon o Pagsasatao- paglalapat ng mga katangiang


pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
Hal: Ngumingiti ang araw nang ako’y naglalakad mag-isa.

4. Hayperboli o Pagmamalabis- sobrang paglalarawan o eksaherado


kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
Hal: Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking
kinakaharap.

5. Onomatopeya o Paghihimig- paggamit ng salitang may


pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
Hal: Ngumingiyaw ang pusa sa loob ng banyo.

IKATLONG AKTIBIDAD:
A. Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawn ang
ipinapakita bg pangungusap.
________________ 1. Tila isang tuod na puno na lamang ang kaniyang
nagging tugon sa sigaw ng isang magnanakaw.
________________ 2. Isang bundok ng labada ang hinaharao ni Tiya
Mercy tuwing Sabado.
________________ 3. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala
ang isang kapares ng kaniyang sapatos.
________________ 4. Sirang sira na ag kanyang bag nang iwan ng
magnanakaw sa isang kanto.
________________ 5. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng
hangin na dala ng bagyo.
________________ 6. Bihira na sa ngayonang isang kandidatong may
mabuting hangarin para sa bayan.
________________ 7. Matapang na ipaglaban ni Jejomar Binay ang
kanyang paninindigan na hindi sya haharap sa senado tungkol sa bintang
sa kaniyang katiwalian.
________________ 8. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng isang
akusado ng isang krimen.
________________ 9. Malakas, matipuno at matikas ang nararapat na
katangian ng isang lalaking haharap sa laban ng boksing.
________________10. Kahit kalian, talo ang walang paninindigan.
Modyul 4:

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT-ito ay naglalayong manghimok o


mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya ng
mambabasa. Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at ang karakter
ng nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebidensiya at katwiran.
Layunin nitong umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa
upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilalahad.

Halimbawa:
- talumpati
- patalastas

Elemento ng Tekstong Nanghihikayat


Aristotle- pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.
1. Ethos- ang karakter, imahe o reputasyon ng manunulat/
tagapagsalita
- ito ay salitang griyegona nauugnay sa salitang etika ngunit higit na
itong angkop ngayon sa salitang “imahe”
- ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng
tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
2. Logos- ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
manunulat/tagapagsalita
-tumutukoy sa pangangatuwiran o sa pagiging lohikal ng nilalaman o
kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.
3. Pathos- emosyon ng mambabasa/ tagapakinig
- tumatalakay sa damdamin o emosyon ng mambabasa o
tagapakinig.
EMOSYON ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang
tao.
IKA-APAT NA AKTIBIDAD:

A. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag. Kung


hindi wasto ang pahayag, bilugan ang salitang nakapagpamali
sa pangungusap at isulat sa patlang ang angkop na sagot.
________________ 1. Ang pathos ay tumutukoy sa kredibilidad ng
manunulat.
________________ 2. Nakabatay sa emosvon ang mga tekstong
nanghihikayat.
________________ 3. Ang tekstong nanghanghihikavat ay may
layuning makapaghimok gamitt ang mga argumentong batay sa wastong
pangangatwiran at mga impormasyong hango sa katotohanan,
________________ 4. Ang ethos, na pinaghanguan ng salitang etika ay
nagbibigay-diin sa itnahe ng tagapagsalita o manunulat.
________________ 5. Nagsimula a Italya ang konsepto ng
panghihikayat.
________________ 6. Ang logos ay tumutukoy sa lohikat na kaalaman
ng manunulat.
________________ 7. Ang mga tekstong nanghihikayat ay gumagamit
ng emosyon.
________________ 8. Ang mga tekstong nanghihikayat ay nakabatay sa
lohika.
________________ 9. Ayon kay Plato, mahalagang bigyang-diin ang
panghihikayat kaysa katotohana
________________10. Pangunahing dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
tekstong nanghihikayat ang mga tagatanggap nito.
Modyul 5:

TEKSTONG NARATIBO o NAGSASALAYSAY

TEKSTONG NARATIBO- nagkukwento ng mga serye ng pangyayari


na maaaring piksiyo o di-piksiyon.
Piksiyon at di-piksiyon- kapwa gumagamit ng wikang puno ng
imahinasyon.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng dugtong-dugtong at
magkakaugnay na pangyayari o maggkwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi.

Halimbawa:
- maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at alamat
- anekdota
- talambuhay
- balita
- pelikula, aklat o palabas

Elemento ng Tekstong Naratibo


1. Banghay- tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad at pagkakaayos
ng mga pangyayari.
Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari
ayon sa Freytag’s Pyramid na nagsisimula sa eksposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan at tungong wakas.
2. Tagpuan- lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung
kailan naganap
3. Tauhan- nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang
salaysay.
-kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad
nito.
4. Suliranin/ Tunggalian- pinakadramang tagpo ng kwento at
inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa
pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o
mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong naratibo.

Pamamaraan ng Narasyon- maaaring gamitin ng manunulat upang


maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.

1. Diyalogo-sa halip na pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap


ng mga tauhan upang isalaysay ang pangyayari.
-ginagamit para pukawin ang kabagutan ng mga mambabasa.
2. Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa
kung ano ang kahihinatnan o mangyayri sa kwento.
3. Plot twist- tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kwento.
4. Ellipsis- omisyon o pag-alis ng ilang yugto ng kwento kung saan
hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong
antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest
Hemingway
5. Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
mabigay linaw sa kwento.
6. Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula.
7. In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng
kwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan at tensyon sa
pamamagitan ng mga flashback
IKALIMANG AKTIBIDAD:

A. Tukuyin kung ano ang puno’t dulo ng kuwento sa komiks.


Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano kaya ang simula ng kuwento?


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Bakit kaya naisipan ni Lola na magpaopera ng mukha?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. Bakit nasagasaan ang Lola?


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

4. Ano ang papel ng drayber at ni Lord sa kuwento?


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

5. Saan at kailan kaya naganap ang pangyayari?


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

6. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalaysay ng mga pangyayari sa


anyong komiks?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Modyul 6:
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

TEKSTONG ARGUMENTATIBO- uri ng teksto na nangangailang


ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa gamit
ang mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa
ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan at pananaliksik
na susuporta sa kaniyang mga argumento.

Halimbawa:
- tesis
- papel na pananaliksik
- editoryal

Elemento ng Tekstong Argumentatibo

1. Proposisyon- pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-


usapan. Ito ay isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katwiran ng dalawang panig.
2. Argumento- paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang
makatwiran ang isang panig.

Narito ang listahan ng mga karaniwang uri ng Lihis na


Pangangatwiran o Fallacy

1. Argumentum ad Hominem(argumento laban sa karakter) – ang


pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad/ imahe ng
taong kausap.
Halimbawa:
Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang
kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.

2. Argumentum ad Baculum ( Paggamit ng puwersa o pananakot)


Halimbawa:
Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at
masusunog sa dagat-dagatang apoy.

3. Argumentum ad Misericordiam( Paghingi ng awa o simpatya) –


ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento
kundi sa awa at simpatya ng kausap.
Halimbawa:
Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-
mahirap.Inaalipusta at minamaliit ako ng aking kalaban. Ang gusto
ko lamang ay maglingkod. Ako lamang ang nakauunawa sa
kalagayan niniyo ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng mga
bagay na walang katotohanan.
4. Argumentum ad Numeram (batay sa dami ng naniniwala sa
argumento)- ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento
ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Halimbawa:
Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang
diabetes kaya naman hindi ako naniniwalang masama ito sa
kalusugan.

5. Argumentum ad Ignorantiam (batay sa kawalan ng sapat na


ebidensiya)- ang pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa
napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay kung
mali o tama ang pahayag.
Halimbawa:
Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na
alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang pagsusulit.

6. Cum Hoc Ergo Propter Hoc (batay sa pagkakaugnay ng


dalawang pangyayari)- may ugnayang sanhi at bunga ang
dalawang pangyayari
Halimbawa:
Maswerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging
mataas ang benta ko.

7. Post Hoc Ergo Propter Hoc(batay sa pagkakasunod ng mga


pangyayari)
Halimbawa:
Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

8. Non Sequitur (Walang kaugnayan)- ang kongklusyon ay walang


lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.
Halimbawa:
Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy
raw manamit ang bokalista.

9. Paikot-ikot na pangangatwiran(circular reasoning)- paulit-ulit


ang pahayag at walang malinaw na punto.
Halimbawa:
Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng Diyos ay
nasa bibliya.

10. Padalos-dalos na Paglalahat(hasty generalization) –paggawa ng


panlahatang pahayag o konklusyon batay lamang sa iilang patunay
Halimbawa:
Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya.Magagaling talagang
magluto ang mga Bisaya.

IKA ANIM NA AKTIBIDAD:

A. Ilagay ang sarili sa sitwasyong ito.


 Paano mo ipapaliwanag sa iyong magulang na ang kursong
ipinakuha nila sa iyo ay hindi o gusto? Dahil ditto, nais mo nang
lumipat sa kursong iyong tunay na interes. Gumawa ng liham para
sa iyong magulang ukol dito. Isulat ito sa nakalaang espasyo,
isaalang-alang ang paggamit ng pabuo o pasaklaw sa paglalatag ng
iyong katwiran.

Mahal kong ______________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
______________________________________________________

Sumasainyo,
______________________
Modyul 7:

TEKSTONG PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL- nagbibigay ng panuto o direksiyon
kung paano gawin ang isang bagay. May tiyak na pagkakasunod-sunod
ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na magawa
ang anumang gawain.
Halimbawa:
- manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo
- resipi
- gabay sa paggawa ng mga proyekto
- mga eksperimentong siyentipiko
- mekaniks ng laro

Elemento ng Tekstong Prosidyural


1. Layunin- kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat
matamo pagkatapos magawa nang wasto ang lahat ng hakbang.

2. Kagamitan-nakalista sa pinakaunang bahagi ang kagamitan na


gagamitin sa bawat gagawing hakbang.

3. Mga Hakbang-pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural.


Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin
ang buong proseso upang makamit ang layunin.

4. Tulong na Larawan- nagsisilbing gabay sa mambabasa upang


maging mas mabilis at masigurong wasto ang pagsunod sa isang
hakbang.
IKA-PITONG AKTIBIDAD:

A. Kung ikaw ay susulat ng isang tekstong prosidyural, magtala


ng mga bagay na dapat tandaan upang makabuo ng malinaw
at kongkretong mga hakbang sa pagkabuo ng isang proyekto.

1. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

2. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

4. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

5. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Modyul 8:

Mga Saligan sa Pagsulat ng Akademikong Papel


Ang pagsulat ay nangangailangan ng tiyaga. Ito ay walang katapusan at
paulit – ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na sulatin.
Ayon kina E.B. White at William Strunk sa kanilang Aklat na The
Elements of style, ang pagsusulat ay matrabaho at mabagal na proseso
dahil sa ugnayan at koneksiyon ng pag-iisip.
MGA ELEMENTO NG SA PAGSULAT
A. PAKSA
 Unang kailangang gawin ng manunulat ang umisip at bumuo
ng mga bagay na maaaring gawing paksa.
 Kailangang naunawaan niya at mayroon siyang ganap na
kaalaman sa lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
napiling paksa upang maging epektibo ang pagsusulat.

B. LAYUNIN
 Pansariling Pagpapahayag
 Pagbibigay Ng Impormasyon
 Malikhaing Pagsulat

C. MAMBABASA
 Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kakayahang
makipag-ugnayan sa ibang tao.
 Dapat alamin niya kung sino ang susulatan, ano ang gusto
niyang isulat, ano ang lawak ng kaniyang pang-unawa at iba
pa.

D. WIKA
 Mahalaga sa pagsusulat ang kakayahang gumamit ng wika.
 Ang paggamit ng balarila, baybayan, at bantas ay kailangang
tumugon sa mga alituntunin at kumbensiyon.
 Kabilang sa paggamit ng wika ang kasanayan sa pagpili ng
mga salita, pagbuo ng mga pangungusap, at pagtatagni-tagni
ng mga ito.
 Inaasahang may kabuluhan ang mabubuong mga
pangungusap.
IKA WALONG AKTIBIDAD:

A. Magtala ng mga paraan upang makabo ng isang mahusay at


sitematikong papel o akda. Sundan ang panimulang salita.

1. Ang muling pagsulat ng __________________________________


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

2. Ang paksa ay __________________________________________


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. Iwasan ang ____________________________________________


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

4. Ang muling pagsulat ng __________________________________


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

5. Tandaan ang manunulat ay________________________________


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

You might also like