Nagsimula ang kwento sa pagkwekwento ni Heneral Luna sa isang manunulat.
Kwinekwento nya ang mga pangayayari na naganap. Nag umpisa ito sa pagtatalo ng mga miyembro ng gabinete kung saan nabibilang si Heneral Antonio Luna at si Emilio Aguinaldo na kanilang Presidente. Pinag-aawayan nila ang digmaan kontra Amerikano dahil unti unti na silang nasasakop ng mga ito. Nang matapos kong panuorin ang pelikula, sinimulan kong kwestiyunin kung talaga bang karapat-dapat nating tawaging bayani si Emilio Aguinaldo dahil lamang siya ang nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas at ang naging unang Pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Ang pelikula ay tunay na nakakamulat ng mata. Naramdaman ko ang lungkot, at maski ang galit sa ating kapwang Filipino, lalong lalo na mismo kay Emilio Aguinaldo. Napagtanto ko rin na ang kasaysayan na tinatamasa natin ngayon ay puno ng kasinungalingan at ang pundasyon nito ay hango sa mga traydor katulad na lamang ni Aguinaldo at ang kanyang mga sunod-sunoran. Akala ko si Emilio Aguinaldo ay tunay na bayani at karapat dapat na maging Presidente noon paman, ngunit pagkatapos ng pelikula ay nagbago ang aking pagtingin.
Sa aking palagay, ang mensahe na ipinaparating sa mga manonood ay hindi
lamang tungkol sa buhay ni Heneral Antonio Luna kundi ito na rin ang kanyang paraan ng pagsabi na ang henerasyon natin ay unti-unti nang nagiging manhid sa sariling bayan at mas mas pinipili pa natin ang magpakamatay para sa pamilya at hindi sa sariling bayan. Sino nga ba si Heneral Luna? Si Heneral luna ay isang magiting na heneral at isang bayani na lumaban para sa kalayaan nating mga Pilipino. Para saakin, tumatak ang kanyang linyang "Bayan o Sarili?" . Dahil aminado ako na ako ay makasarili at pokus lamang sa aking sariling tagumpay. Ang tanong na "Bayan o Sarili?" ay pinaisip ako kung paano ako sasagot; kung ano ang aking magiging reaksyon? Kaya ko bang unahin ang bayan kesa sa aking pamilya, sarili at isakripisyo lahat ito kabilang na ang aking buhay? Pinapapili tayo. Ngunit para saakin, parehas lang ito. Ang pagbubuo sa sarili ay pagbubuo sa bayan. Hindi ito paghihiwalay sa dalawang bahagi kundi ito ay punto ng pagkakaisa. Hindi mo pipiliin ang isa para isantabi yung isa. Magkakaroon ba ng bayan kung wala ang mga sarili o mamamayan nito? Iiral nga ba ang sarili kung walang bayan? Kung ako ang tatanungin, uunahin ko pansamantala ang aking sarili. Sabi nga ng iba, paano ka makakatulong na mapaunlad ang bansa kung mismo ang sarili mo ay hindi mo mapaunlad? Magumpisa ka muna sa iyong sarili at siyaka maghangad ng mas malaki pa.
Ang pelikulang Heneral Luna ay nagpapaalala sa atin ng historya ng Pilipinas at
kabayanihan ng isang Heneral na karadapat-dapat na ituring na bayani. Malaking tulong ang pelikulang ito para umiral ang nasyonalismo sa napakaraming Pilipino at imulat ang lahat sa mga pangyayari noon na halos kinakalimutan na ng nakakarami. Maraming mensahe ang nais ipabatid ng pelikula. Pinapakita dito ang ibat ibang kaugalian ng Pilipino at ng mga may posisyon sa politika. Pinakita sa kwento kung gaano naging makasarili ang ibang pinuno o myembro ng gabinete para sa kanilang sariling kapakinabangan. Kinakalaban o kinokontra nila si Luna para sa kanilang kapakanan. Napagtanto ko na kaya hindi nagkakaisa ang mga Pilipino ay dahil kinakalaban naten ang kapwa natin Pilipino. Dito ko napagtanto na malaking bagay ang pagtutulungan. Dahil ang pagtutulungan ng kapwa, magkakaroon ng tagumpay.