You are on page 1of 1

Hen.

Luna (Reaction)
Maraming aral binigay saakin ang pelikulang “HENERAL LUNA”.Ang
pelikulang ito ay tungkol sa bayaning si HEN. LUNA noong panahon na
sinasakop palang ng mga amerikano ang ating bansa.

Baliw, mayabang, at matapang na heneral si Luna. Ipinakita si Luna bilang


isang kumander na determinadong magtagumpay laban sa mga Amerikanong
mananakop. Sa kabila naman nito ay ang kawalan ng suporta mula sa pamahalaan
ni Aguinaldo na isa sa mga naging hadlang sa kanya.

Masasabi kong, pagkatapos kong mapanood ang palabas na ito, marami akog
naging realisasyon sa buhay. Una, ay ang pagmamahal sa bayan. Sa panaho ngayon
ay hindi na uso ang pagsasakripisyo ng sariling buhay para ipaglaban ang inang
bayan ngunit kung ikaw ang tatanungin, kung may digmaan man sa oras na ito ay
iaalay mo ba ang iyong buhay para sa Pilipinas? Marami sa atin ang hindi kaya’t
tunay na kahanga hanga ang ating mga ninuno dahil sa kanilang katapangan..
lalong lalo na si Heneral Luna na sagad ang pagmamahal sa bayan. Inaamin kong,
mula elementarya ay ang alam ko lang ay bayani si heneral Antonio Luna, na inialay
ang buhay para sa kalayaan ng ang ating bansa ngunit dahil sa palabas na ito,
namulat ang aking isipan sa tunay na naging kalagayan ng mga pilipino noong
panahon ng pananakop. Sobrang hirap ang dinanas nila upang mapalaya lang ang
ating bayan. Hindi lang si Heneral Luna ang bayani, pati na rin ang mga tapat niyang
mga tagapag sunod na sundalo na karamiha’y namatay din dahil sa pagtatanggol.
Makikita rin sa palabas ang kahinaan ng pilipino. Sinabi ni Heneral luna na
pinakamatindi nating kalaban ay ang ating sarili. Para saakin ay tama siya sapagkat
may mga scenario sa palabas na tayo mismong kapwa pilipino ang nag aaway away.
Halos wala tayong pagkakaisa. Katulad na lang ng, sino ang pumatay sa
pinakamagiting na heneral? Tayong kanyang kalahi din.

You might also like