You are on page 1of 22

Aralin 2

Kasanayang
Kailangan sa
Pag-aaral ng
Kontemporaryong
Isyu
Maraming bagay, pangyayari, suliranin,
at isyu sa ating kapaligiran ang
nalalaman natin sa ibat-ibang paraan:
Makakakalap tayo ng mga kaalaman sa
pamamagitan ng mga sanggunian tulad
ng mga liham, pahayagan,
telebisyon, radio, litrato, video, email,
social media, text messages, mga
kwento ng ibang tao, at mga
komentaryo.
Tandaan: Mahalaga ang mga
sanggunian ng impormasyon
sapagkat sa tulong ng mga ito, higit
na nauunawaan natin ang mga
pangyayari at isyu sa ating bansa.
Nakatutulong ito sa paggawa ng
mahalagang desisyon tungo sa
pakikilahok sa iba’t-ibang proyekto
paaralan, lipunan, at ng bansa.
Sa pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu, Kailangan ang mga
kasanayan sa:
1. Pagkilala sa Primarya
at Sekundaryang
Sanggunian
Primaryang Sanggunian
Ito ay pinagkunan ng impormasyon
may mga orihinal na tala ng mga
pangyayaring isinulat o ginawa ng mga
taong nkaranas sa mga ito.
 Halimbawa: Mga sulat, journal, lega
l na dokumento, guhit, at larawan.
Primaryang Sanggunian
·Sariling Talaarawan
·Dokumento
·Ulat ng Saksi
·Larawan
·Accounts
·Ulat ng Gobyerno o pahayagan
·Talambuhay
·Talumpati
·Sulat
·Guhit
Sekundaryang Sanggunian
Ito ay mga impormasyon o interpretasyon
batay sa primaryang pinagkunan o ibang
sekundaryang sanggunian na inihanda o
isinulat ng mga taong walang kinalaman
sa mga pangyayaring itinala.
 Halimbawa: Ulat, Teksto, guhit, at kahi
t
anong nabuo batay sa primaryang
pinagkunan.
Sekundaryang Sanggunian
·Aklat
·Biography
·Articles
·Kuwento ng hindi nakasaksi sa
pangyayari
·Komentaryo
·Encyclopedia
·Political Cartoons
Ang mga halimbawa ng primarya at
sekundaryang sanggunian ay makikita
sa iba’t-ibang anyo tulad ng nakasula
t, biswal, pasalita,
napapanood, nakalarawan, o
digital.
Tandaan: Ang mga
sanggunian ay may mga limitasyon.
2. Pagtukoy sa Katotohanan at
Opinyon
A. Katotohanan

Ito ay tumutukoy sa mga totoong pahayag o


pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga
aktwal na datos.
Halimbawa: Tinatayang umabot sa milyon-milyon
ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong
Yolanda sa Tacloban.
B. Opinyon (kuro-kuro, palagay impresyon, o haka-haka)

Ito ay nagpapahiwatig ng saloobi


n at kaisipan ng tao tungkol sa
inilahad na katotohanan.
Halimbawa: Dapat ipaubaya sa
lokal ng pamahalaan ang
pangangasiwa sa mga biktima ng
Basyong Yolanda.
Tandaan: Ang isang
katotohanan ay hindi
nagbabago. Ang opinio
n, sa kabilang dako, ay
maaring magbago.
3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
Sa pagsuri ng mga impormasyong
may kaugnayan sa agham panlipuna
n, kailangang malaman kung ito ay
walang kinikilingan. Ang mga
paglalahad ay dapat balanse.
Kailangang ilahad ang kabutihan at
ang hindi kabutihan ng isang bagay.
Pahayagan
Ito ay mahalagang sanggunian tungkol sa
mga kontemporaryong isyu sa nagdaang
mahigit 200 taon.
Halimbawa ng pahayag na may pagkiling:
Maraming nagaganap na paglabag sa
karapatang pantao, pang-aabuso, at
pagpatay. Ang Administrasyong Aquino
ay walang nagagawa para mapigilan ito.
4. Pagbuo ng Paghihinuha
(Inferences), Paglalahat
(Generalization), at
Kongklusyon
Hinuha (Inferences)
Ito ay isang pinag-iisipang hula o educated guess tungkol
sa isang bagay. Ang pagbuo ng hinuha o inference ay
kahalintulad ng pagbuo ng hypothesis. Upang
makapaghinuha, kailangang gamitin ang kaalaman at mga
karanasan tungkol sa paksa o babasahin upang
matuklasan ang mga nakatago nitong mensahe o kaisipan
.
Halimbawa: Maraming napakahamak sa bagyong
Yolanda dahil hindi nila pinansin ang mga babala tungkol
dito.
Paglalahat (Generalization)
Ito ay ang hakbang kung saan binubuo
ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago
makagawa ng kongklusyon.
Halimbawa: Tuwing buwan ng
Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap
ang matitinding bagyo sa bansa. (Batay
ito sa mga talaan ng PAGASA noong
mga nakaraang 10 taon.)
Kongklusyon

Ito ay ang desisyon, kaalaman, o


ideyang nabuo pagkatapos ng
pag-aaral, obserbasyon, at
pagsusuri ng pagkakaugnay ng
mahalagang ebidensya o
kaalaman.
Tandaan: Sa pag-aaral ng mg
a pangyayari, nagbibigay ng g
eneralization ang mga
manunulat o mananaliksik.
Ibinabatay ito sa mga
impormasyon na sinusuri at
pinag-aaralan.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu

Napakahalaga ng pag-aaral ng mga


kontemporaryong isyu. Nalilinang
nito ang ating mga pansariling
kakayahan at kasanayan sa
pag-aaral at pag-iisip.
Narito ang ilang halimbawa:

1. Upang matukoy ang pinagmulan ng mga


isyu at matutunang iwasan ang mga ito sa
hinaharap.
2. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na
kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan
na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan,
bansa at mundo.
3. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga
pandaigdigang suliranin.
4. Pag-unawa at paggalang sa mga batas at
alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa,
pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa
ating bansa at sa buong daigdig.
5. Pag-unawa sa iba’t-ibang aspekto ng mga
suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya,
ekonomiya, kultura, pamahalaan, at pansibiko
gamit ang kasanayang nalinang sa pag-aaral
ng iba’t-ibang disiplina.

You might also like