You are on page 1of 5

INDIVIDUAL SCRIPT

11/08/17

PINATAOB

1:00 PM

Pinataob ng University of the East ang De La Salle University sa iskor na walumput-dalawa


kontra pitongput-siyam sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP season 80 Women’s Basketball na
ginanap sa Araneta Coliseum

Nagtala ng dalawamput-isang puntos at labing-apat na rebounds si Enrique Cha, Ruthlaine


Tacula na amy dalawampung puntos at si Love Sto. Domingo na may labimg-walong puntos at labing-
pitong rebounds. Sa huli, nanaig ang puwersa ng Lady Warriors at naging dahilan ng kanilang
pagkapanalo.

Kimberly Jutic para sa MNHS


INDIVIDUAL SCRIPT

11/08/17

Mahigit

1:00 PM

Mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu ang natimbog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
sa isang condominium unit malapit sa Solano Gate ng Malacańang. Inaresto nag suspek na si Diana Yu-uy na anak
di umano ni Yukla Yu na tinaguriang Drug Queen. Si Yuklai ay kasalukuyang nakapiit sa Correctional Institution for
women (CIW) ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino. Ginamit umano ni Yuklai ang anak upang supplayan ng Illegal na
droga sa CIW. Sinabi ng spokesperson ng PDEA na si Arnold Carreon na nagsagawa sila ng surpise inspection
CIW,madaming shabu ang nakumpiska kabilang na dito ang natagpuan sa Pantyliner ni Yuklai. Madiin ding itinanggi
ni U yang paratang sa kanya at inakusahan din nya ang PDEA na agad naming itinanggi ni PDEA Chief Aaron
Aquino.

Dee Ann Dailisan para sa MNHS


INDIVIDUAL SCRIPT

11/08/17

Ipinagdiwang

1:00 PM

Ipinagdiwang ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 6 noong ika-dalawamput-lima ng Oktubre ang
pambansang buwan ng mga konsyumer. Kaugnay ng selebrasyong ito, idinaos ang iba’t ibang patimpalak ang
nasabing ahensya na nilahukan ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Aklan kung saan nakamit ng Maloco National
High School ang ikatlong pwesto. Layunin ng pagdiriwang na ito ang palawakin ang kaalaman ng lahat sa pagpili ng
dekalidad na produkto at angkop na presyo nito.

Kimberly Jutic para sa MNHS


INDIVIDUAL SCRIPT

11/08/17

Inaprubahan

1:00 PM

Inaprubahan ng UN Security Counsel ang pahayag na ilipat ang mahigit anim na raang libong Rohingya Muslims sa
Bangladesh sinabihan niFrench Ambassador Francois Delattre ang Security Counsel ng isang malakas at lubos na
nagkakaisang mensahe. Oktubre dalawamput-pito, sinabi ng UN World Food Program na ipagpatuloy ang operasyon
sa Hilagang Rakhine State . Hindi nakilala ng gobyerno ng Myanmar ang Rohingya bilang isang grupo ng mga
etniko. Iginiit na sila ay migrante mula sa Bangladesh na namumuhay ng illegal sa bansa upang maprotektahan ang
Human Rights, walang deskriminasyon sa paniniwala at relehiyon. Pinasalamatan naman ng Bangladesh
Ambassador Masud Bin Momen ang konseho.

John Aris Suńer para sa MNHS


INFOMERCIAL

11/08/17

Ano nga ba ang ASEAN?

1:00 PM

Bata 1: Renz! May sagot ka na ba sa takdang aralin natin tungkol sa ASEAN?

Bata 2: Wala pa nga eh! Tara itanong naralinnatin sa kuya mo.

Bata 1: Tama! Mamamahayag pa naman siya sa paaralan nila! Tara puntahan natin .

Bata 1: Kuya... Tulungan mo naman kaming sagutan yung takdang aralin namin tungkol sa ASEAN.

Kuya: Tamang-tama nagsusulat ako ng sanaysay tungkol sa ASEAN. Alam niyo bang ang ASEAN ay
samahan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtataguyod ng
paglago ng ekonomiya,kaunlarang panlipunan, at pagpapalaganap ng kapayapaang pang relihiyon.

Bata 1 and 2: Yehey! Thankyou Kuya!

"SAMPUNG BANSA ISANG HANGARIN,MAGKAISA TAYO PARA SA MUNDO"

You might also like