You are on page 1of 11

ARALIN 8:

PAALALA, BABALA AT
ANUNSIYO
PAALALA, BABALA
AT ANUNSIYO
ANG ANUNSIYO
 Sinusulat upang makapagbigay at
makapagbahagi ng impormasyon.
 Ipinapaalam ng isang tao ang isang
balita para sa mga kasama sa
negosyo, katrabaho, gayundin sa
mga tagatangkilik ng negosyo o sa
mga partikular na tao o sektor na
maaapektuhan ng anunsiyong
kaugnay sa trabaho.
MGA PAYO SA PAGSULAT NG
ANUNSIYO
 1. Mangalap ng impormasyon.
 2. Gawing direkta at maikli ang anunsiyo.
 3. Gumamit ng tamang tono.
 4. Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa
anunsiyo.
 5. Ipresenta ang impormasyon sa paraang
kompleto at payak.
 6. Tiyaking tama ang gramatika, bantas,
at baybay ng anunsiyo.
ANG BABALA(WARNING)
 Isang instruksiyon na inilalagay upang
makaiwas na masaktan ag tagapagsagawa
(operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng
equipment o kagamitan sa normal na
operasyon.
 Gumamit ng attention icon para sa
epektibong babala.

 Halimbawa:
 Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin
ang lalagyang panlabas. Kung hindi, maaaring
makakuryente.
PAUNAWA (CAUTION)
 Ito ay isang uri ng babala.
 Dito, ang instruksiyon ay para sa
tagapasagawa at tinutukoy para
sa kaniya ang mga pag-iingat na
akma sa ilalim ng partikular na
sirkumstansiya upang maiwasan
ang pagkasira ng kagamitan.
PAUNAWA (CAUTION)
 Pinupukaw ng paunawa ang atensiyon ng tao
tungkol sa anumang bagay na maaaring
makasira ng kagamitan o makapagsulot ng
pagkawala ng datos.

 Halimbawa:
PAUNAWA: Huwag munang hugutin ang
saksakan kung hinsi pa napapatay ang monitor.
Maaaring masira ang monitor. Patayin muna
ang monitor bago hugutin ang saksak.
ANG PAALALA (NOTE)
 Ito ay ginagamit upang tukuyin ang
mga aytem na nagbibigay lamang ng
impormasyon at makatutulong sa
taong gumagamit upang maunawaan
ang layunin ng isang instruksiyon.
 Hindi ginagamit ang paalala upang
magbigay ng impormasyong kaugnay
sa kaligtasan ng mga tagapagsagawa
o sa pagkasira ng kagamitan.
PAALALA (NOTE)
 Ito ay para lamang sa dagdag na kaalaman na
maaaring makapukaw ng interes ng
mambabasa.
 Mas magaan o natural ang tono nito kaysa sa
awtoritatibong tono ng babala, sapagkat ito ay
nagpapaliwanag lamang o nagdadagdag ng
mahalagang detalye na waalang panganib na
maaaring idulat sa sinuman.
 Halimbawa:
 PAALALA: Mapapadali nito ang proseso ng
pagdidikit ng turnilyo kapag itinataas na ang
beam
MGA PAYO SA PAGSULAT NG
PAALALA AT BABALA
 1. Simulan sa simple at malinaw na utos.
 2. Sumulat para sa pinatutungkulan,
halimbawa para sa tagapangasiwa o sa
technician.
 3. Pumili ng mga tiyak na salita.
 4. Maaaring kailanganin ang pagdagdag ng
paliwanag upang mas maging malinaw ang mga
panganib.
 5. Ilista ang mga kondisyong kailangan bago
magsimula ng isang gawain o pamamaraan.
 6. Maglagay ng headings o grapikong
presentasyon kasama ang babala at paalala.
SANGGUNIAN:

FILIPINO SA PILING LARANGAN


(TECH VOC) REX BOOK STORE
PP. 94- 103

You might also like