You are on page 1of 7

Iskor : __________

FILIPINO SA PILING LARANG:


TECHVOC

IKALAWANG Kwarter

PANGALAN

SEKSYON
I. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Basahin at unawaing mabuti ang
bawat pangungusap.

_________1. Ito ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi
at epekto ng inimumungkahing produkto at/o serbisyo.

_________2. Bahagi ito ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano


magagamit ng tao ang produkto at/o serbisyo.

_________3. Bahagi rin ito ng feasibility study na naglalarawan ng produkto at/o serbisyo.

_________4. Ito ay madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.

_________5. Ito ay kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang


iba’t ibang sanhi at epekto ng inimumungkahing produkto at/o serbisyo.

_________6. Ito ay pag-aaral ng isang produkto at/o proyekto upang malaman kung ito
ba ay magiging matipid, tatangkilikin ng mga mamimili o kung kikita ng pera sa
pangmatagalan.

_________7. Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang
mga produkto at/o serbisyo.

_________8. Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta
ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong
ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.

_________9. Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang benepisyong


pampananalapi.

_________10.Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto at/o serbisiyong

inimumungkahing ibenta at/o ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang kalakasan ng

produkto/serbisyo na ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa gagamit.


_________11. Pasulat na gabay o dokumento na gingamit sa pagsasanay, pag-
oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mekanismo o pagtuturo sa isang tao
kung paano gawin ang isang bagay.

__________12. Uri ng manwal na naglalaman ng gamit ng mekanismo o ng pangunahing


operasyon ng isang mekanismo.

__________13. Uri ng manwal na ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng


partikular ng mga grupo ng indibidwal.
__________14. Ang pahinang ito ay biswal na simbolo na magagamit upang unawain
ang mga bahagi ng manwal.

__________15. Itinatala dito ang mga pahina at pagkakasunod-sunod ng mga gawain.

__________16. Uri ng manwal para sa intruksiyon o pagbuo ng gamit, alignment,


calibration, testing at adjusting ng isang mekanismo

__________17. Uri ng manwal na nagsasaad kung paano gamitin ang mekanismo at


kaunting maintenance.

__________18. Nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi,


operasyon,calibration,alignment, diagnosis, at pagbuo.
___________19. Instruksiyong ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na
impormasyonal.
___________20. Instruksiyong inilalagay upang maiwasan ang panganib sa tao at
pagkasira ng kagamitan.
___________21. Katulad din ng babala, ngunit ang pokus ay sa pagkasira ng kagamitan
o pagkawala ng datos.
___________22. Sulatin na nagsisilbing tagapaghatid ng maganda o masamang balita
sa mga tao sa opisina o negosyo.
__________ 23. Mga sulating karaniwang ginagamit para sa mga manwal, mga polyeto,
at mga korespondensiyang pangnegosyo.

Para sa bilang 24-25. Isulat ang tama kung wasto ang pahayag at mali kung hindi.

___________24. Maaaring magtaglay na ilustrasyon ang manwal.

___________25. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at isulat ang MALI sa pahayag
na di-wasto. Isulat ang mga sagot sa nakalaang espasyo.

__________26. Ang anunsiyo ay karaniwang nasa anyo ng liham.


__________27. Sa teknikal na sulatin, kadalasang ginagamit ang mga instruksiyon sa
pagsulat ng manwal at pamamaraan.
_________ 28. Nagbibigay ng dagdag-kaalaman ang paalala, habang nagsasabi ng
panganib sa katawan ng tao ang paunawa.
_________ 29. Mahalaga ang babala upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan at
maiwasan ang sakit o panganib sa tagapaggawa.
_________ 30. Attention icon ang nararapat na grapikong larawan na makita sa tabi ng
isang paalala.
_________ 31. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-
akit ito sa mga mamimili.
_________ 32. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsiyon ng produkto.
_________ 33. Nakatutulong ang biswal na paglalarawan sa deskripsiyon ng produkto.
_________ 34. Kailangang nakatuon ang isip ng nagsusulat ng deskripsiyon sa kung
sino ang target na mamimili.
_________ 35. Binibigyang- diin sa deskripsiyon ng produkto ang mga benepisyong
makukuha ng mamimili mula rito.
_________ 36. Kung kilala na ang kalidad ng produkto, gumamit ng mga pahayag na
karaniwan nang ginagamit.
_________ 37. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng
isang bagay o produkto.
_________ 38. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa
tamang pagkakasunod-sunod ang mga ito.
_________ 39. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto.
_________ 40. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto.

III. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay paunawa, paalala o babala.
Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

________41. Mapapadali nito ang proseso ng pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na


ang beam.
________42. Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang
panlabas. Kung hindi, maaaring makuryente.
________43. Huwag munang hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang
monitor. Maaaring masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang
saksak.
________44. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry, dapat ay may
espasyo sa pagitan ng mga damit. Maaaring masira ang dryer kapag punong-puno ito.
________45. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang bike lanes sa
mga daraanang lugar.

46-50: Isa-isahin ang mga bahagi ng manwal at ibigay ang kahulugan. Isulat ang

mga sagot sa sagutang papel.


ANSWER KEY IN TECHVOC QUARTER 2

1. Feasibility Study

2. Estratehiya sa Pagbenta

3. Paglalarawan/deskripsiyon ng Produkto at/o Serbisyo

4. Executive Summary

5. Para matiyak kung maaari bang ibigay at/o ipamahagi ang produkto

6. Feasibility Study

7. Iskedyul

8. Marketplace

9. Projection sa Pananalapi at Kita

10.Paglalarawan/deskripsiyon ng Produkto at/o Serbisyo

11. Manwal

12. Manwal para sa gumagamit o gabay sa Paggamit

13. Manwal para sa Pagsasanay

14. Deskripsiyon ng Mekanism

15. Talaan ng Nilalaman

16. Manwal ng Pagbuo

17. Operasyunal na Manwal

18. Manwal na Teknikal

19. Paalala

20. Babala
21. Paunawa

22. Anunsiyo

23. Instruksiyon

24. TAMA

25. MALI

II. TAMA O MALI

26. Tama

27. Tama

28. Mali

29. Tama

30. Mali

31.TAMA

32. MALI - PAYAK

33. TAMA

34.TAMA

35. TAMA

36. TAMA

37. TAMA

38. kronolohikal

39. TAMA

40. TAMA
III. PAUNAWA, BABALA O ANUNSIYO

41. Paalala

42. Babala

43. Paunawa

44. Paunawa

45. Paalala

46.Pamagat - nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng

manwal.

47..Talaan ng Nilalaman – nakasaad dito ang pagkakahati- hati ng mga paksa

sa loob ng manwal.

48..Introduksiyon - tungkol sa Ano-Sino-Paano. Ano ang nilalaman ng manwal o

tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit o

para kanino ang manwal? Naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal

gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag.

49.Nilalaman - naglalaman ng pagpapaliwanag, gabay o pamamaraan at/ o

alituntunin.
50. Apendiks - kalakip na impormasyon hinggil sa manwal.

You might also like