You are on page 1of 4

Unang set ng reporter

BABALA at PAUNAWA

 Ang mga paunawa at babala ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng instruksyon.

Instruksyon

o Ang instruksyon ay pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang


ginagamit para sa manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at
mga korespondensiyang pangnegosyo.
o Isinusulat ang instruksyon sa pormat na sunod-sunod, may mga numero ng bawat
hakbang, at sa anyong pautos. Makatutulong din kung gagamit ng grapikong
presentasyon at mga larawan.
o Sa pagsulat ng instruksyon, kailangang isama ang mahahalagang impormasyon
upang makatulong sa pagkompleto ng operasyon. Gumamit ng maiikli at
malilinaw na mga pahayag sa bawat hakbang. Gumamit ng terminolohiyang
pamilyar sa gagamit.
o Ang mambabasa ng instruksyon ay ang mga taong kailangang magsagawa ng
isang gawain o tungkulin o kailangang maunawaan kung paano isinasagawa ng
ibang tao ang isang gawain.

 Inilalagay ang mga paunawa at babala bago ang mga instruksyon kung saan sila
kaugnay upang maiwasan ang pagkasira o panganib ng mga gagamit o magbabasa
ng instruksyon.

BABALA

 Ang BABALA (warning) ay isang instruksyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan


ang tagapagsagawa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng equipment o
kagamitan sa normal na operasyon.
 Nagbibigay ng espesyal na atensyon ang babala sa anumang maaaring makasakit o
makapahamak sa mambabasa.
 Sa teknikal na sulatin, ang babala ay nagpapaliwanag ng mga panganib na maaaring
magresulta sa kamatayan o panganib, sakit o pagkabalda.
 Pautos at awtoritatibo ang tono nito upang magbigay ng pakiramdam ng pagiging
alisto o takot sa magbabasa.
 Gumagamit ng attention icon para sa epektibong babala.

PAUNAWA

 Isang uri ng babala ang PAUNAWA (caution).


 Ang paunawang instruksyon ay para sa tagapagsagawa at tinutukoy para sa kanya
ang mga pag-iingat na akma sa ilalim ng partkular na sirkumtansya upang maiwasan
ang pagkasira ng kagamitan.
 Pinupukaw ng paunawa ang atensyon ng tao tungkol sa anumang bagay na maaaring
makasira ng kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng datos.
 Inilalarawan nito ang maaaring mangyari kapag hindi pinansin ang paunawa.

Gawain:
 Bumuo ng halimbawang babala, paunawa, at paalala na nakikita sa iba’t ibang
negosyo.
 Maglagay ng larawang angkop sa instruksyon.

Pagsusulit
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay paunawa, paalala, o babala.

1. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng nakalagay sa makina. Maaaring


sumabog ang baterya ng makina kapag napabayaang nakasaksak sa labis na boltahe.
2. Ihiwalay ang putting damit sa de-kolor upang hindi humawa ang kulay ng damit na de-
kolor.
3. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry, dapat ay may espasyo sa pagitan
ng mga damit. Maaaring masira ang dryer kapag punong-puno ito.
4. Lagyan ng turnilyo ang mga pader para sa make-shift house. Tiyaking matibay ang
pagkakadikit at kung hindi, maaari itong bumagsak at magbunga ng aksidente.
5. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang bike lanes sa mga daraanang
lugar.

A. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Takdang Aralin
1. Magdala ng sumusunod na kagamitan:
a. bond paper
b. kagamitang pangkulay
c. pandikit
d. gunting
e. ruler
f. lapis
2nd set ng reporter

Safety Symbols and Meanings

https://www.youtube.com/watch?v=TvWQhyyr0vo

What Danger, Warning or Caution Signs Actually Mean

https://www.youtube.com/watch?v=MO4rsNgYpAk

Pagsusuri sa halimbawang babala at paunawa.

Mga Payo sa Pagsulat ng Paalala at Babala

1. Simulan sa simple at malinaw na utos.


2. Sumulat para sa pinagtutungkulan, halimbawa para sa tagapangasiwa o sa technician.
3. Pumili ng mga tiyak na salita.
4. Maaaring kailanganin ang pagdagdag ng paliwanag upang mas maging malinaw ang
mga panganib. Mapahahaba nito ang babala o paunawa ngunit mas magiging
epektibo ito.
5. Ilista ang mga kondisyong kailangan bago magsimula ng isang gawain o pamamaraan.
6. Maglagay ng headings o grapikong presentasyon kasama ng babala at paalala.

Pangkatang Gawain

 Bumuo ng halimbawang babala, paunawa, at paalala na nakikita sa iba’t ibang


negosyo.
 Maglagay ng larawang angkop sa instruksyon.

Panuto: Ipaliwanag ang pangunahing layunin ng babala, paalala, at paunawa sa isang


negosyo.

BABALA : _________________________________

PAALALA : _________________________________

PAUNAWA : _________________________________

You might also like