You are on page 1of 5

TALAAN NG AARALIN

COR 004: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAG-AARAL NG IBA’T IBANG TEKSTO

TEKSTONG IMBORMATIBO

* Naglalahad ng mga bagong kaalaman , bagong pangyayari , at mga bagong impormasyon.


* Nakaayos ng Sekwensyal o nakaayos.

IBA’T IBANG SANGAY NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Sanaysay

* Sulating naglalaman ng mga ideyang tiyak.


* Naglalamang personal na kuro-kuro ng may akda.

Uri ng Sanaysay

* Pormal - nakaayos at ginagamitan ng lohikal na salita


* Di - Pormal - ginagamit sa pang araw araw

Bahagi ng Sanaysay

- Simula
- Gitna
- Wakas

Proseso

* Nagpapakita kung paano naisasagawa ang isang trabaho

Surimbasa / Rebyu

* Komentaryo sa nabasa , napakinggan , o napanood.


* Naglalaman ng opinyon na MAKATOTOHANAN

Balita

* Nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa mga bagay na kagaganap pa lamang

TEKSTONG DESKRIPTIBO

 Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao,


lugar, o bagay gamit ang limang pandama.

KARANIWAN

 Naglalayong maibigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang


pandama.
MALIKHAIN o MASINING

 Naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mambabasa


TEKSTONG PERSWEYSIV

 naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa tagapakinig, manonood, o mambabasa.

TATLONG PANGUNAHING ELEMENTO NG PAGHIHIKAYAT:

▪ ETHOS
kredibilidad o imahe

▪ PATHOS
Emosyon

▪ LOGOS
lohika at impormasyon

TEKSTONG NARATIBO

 Ito ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento ng isang karanasan,


nasaksihan, napakinggan, nabasa o likhang-isip ayon sa pagkasunud-sunod.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Hangarin ng paraang ito na mapatunayan ang isang katwiran, katotohanan o proposisyon

TEKSTONG PROSIDYURAL

 Naglalahad ng mga gawain o hakbain na kinakailangan gawin.

___________________________________________________________________________
INTERBYU
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

Ang isang mananaliksik ay may sinusunod na format para sa sulating pananaliksik upang
magsilbing gabay. Kontrolado ito kaya hindi kayang manipulahin ng manunulat ang
isinasagawang pananaliksik.

Mga Pangunang Pahina


1. Fly Leaf. Ito ang bakante at pinakaunang pahina ng papel- pampananaliksik.
2. Pamagating Pahina o Title Page. Nakasaad sa pahinang ito ang pamagat ng pananaliksik,
ang
pangalan ng mananaliksik at ang asignaturang nangangailangan nito maging ang panahon ng
pagkabuo nito.
3. Pahina ng Pagpapatibay o Approval Page. Ito sng pahina na nagkukumpirma sa
pagkakapasa ng
mananaliksik at pagkakatanggap ng guro sa pamanahong papel.
4. Pahina ng Pasasalamat o Acknowledgement Page. Sa bahaging ito inilalagay ng
mananaliksik
ang kanyang pasasalamat at pagkilala sa mga indibdwal na nagbigay sa kanya ng tulong at
inspirasyon.
5. Pahina ng Talaan ng Nilalaman. Dito nakatala ang mga paksa at ang kaukulang pahinang
katatagpuan sa mga ito.
6. Pahina ng mga Talahanayan at Grap. Dito naman nakatala ang bawat talahanayan at
grap na
nakatala sa pananaliksik.
7. Pahina ng Bibliograpi. Dito nakatala ang mga ginagamit na reperensya na nakatulong sa
pagbuo
ng pananaliksik.
8. Pahina ng Biograpi. Pahina ito ng maikling talambuhay ng mananaliksik.
9. Fly Leaf 2. Blangkong pahina sa hulihang bahagi ng papel pananaliksik.

KABANATA I. ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

1. Panimula. Ito ay isang maikling talataan na naglalarawan o nagpapaliwanag sa kaligiran


ng
suliranin. Inilalagay rito ang mga dahilan kung paanong ang napiling paksa ay naging isang
problema at narito rin ang pagpapatibay kung bakit ito kailangang pag-aralan.

2. Layunin ng Pag-aaral. Sa bahaging ito inilalahad ang mga layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pananaliksik. Maaari itong isagawa sa paamamagitan ng paggawa ng mga
espisipikong katanungan o kaya’y sa pahayag na paraan.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral. Nakalahad sa bahaging ito ang kapakinabangang makukuha


sa
isinasagawang pananaliksik at kung para kanino ito makatutulong.

4. Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral. Tinutukoy rito ang simula at hangganan ng


pananaliksik na
isinasagawa kabilang na ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.

5. Kahulugan ng mga Termino. Lahat ng mahahalagang termino na saklaw ng pag-aaral ay


marapat
bigyan ng kahulugan. Ang pagbibigay-kahulugan ay magagawa sa tatlong paraan:
a. Kahulugang galling sa diksyunaryo o Dictionary Approach
b. Pagbibigay ng halimbawa o Pagbibigay ng halimbawa o By example
c. Pagbibigay ng paliwanag ayon sa pagkakagamit sa pananaliksik o Operational Definition

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Sa kabanatang ito in ilalagay ang mga pag-aaral at mga literature na may kaugnayan sa
pananaliksik. Mahalaga ang kabanatang ito sapagkat dito nakasaad ang kasalukuyang estado
ng kaalaman kaugnay ng paksang sinasaliksik. Ito ang magbibigay liwanag tungkol sa
suliranin at magbibigay-lawak din sa mga dating kaalaman. Mahalagang ang mga gagamiting
limbag na pag-aaral at literature ay iyong mga nailimbag sa huling sampung taon, ito man ay
mga babasahing lokal o dayuhan.

KABANATA III. PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA


May tatlong bahagi ang kabanatang ito. Una, disenyo ng pananaliksik na nagbibigay-linaw
kung anong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral. Ikalawa, instrument ng pananaliksik
na naglalarawan sa mga instrumentong gagamitin sa pagkuha ng datos at ipinaliliwanag ito ng
detalyado at ibinibigay ang mga dahilan sa paggamit nito. Ikatlo, tritment ng mga datos na
nagpapaliwanag kung paano sinuri o inalisa ang mga datos.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Dito nakalahad ang mga resulta batay sa mga tanong na nabuo kaugnay ng pananaliksik.
Maaari itong ilahad sa paraang tekstwal o tabyular. Kung tabyular ang gagamitin, maaaring
gumamit ng grap, tsart
o teybol.

KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


Sa lagom, nakalagay ang buod ng pananaliksik na isinagawa. Nakabatay ito sa nilalaman ng
ikatlong kabanata. Ang kongklusyon naman ay binubuo ng mga implikasyon,
pangkalahatang pahayag o
pananaw at mga interpretasyon ayon sa nakalap ng mananaliksik. Samantala, ang
rekomendasyon ay
simpleng tumutukoy sa mga mungkahing nakabatay sa isinasagawang pag-aaral.

You might also like