You are on page 1of 13

ANYO NG

AKADEMIKONG SULATIN
Layunin:
1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin
2. Naipapaliwanag ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin batay
sa kahulugan, kalikasan, katangian
3. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
akademikong sulatin
GABAY SA PAG-UNAWA SA ANYO
NG AKADEMIKONG SULATIN

• / PARASAAN ANG AKADEMIKONG SULATIN?


• / ANO ANG KAHULUGAN, KALIKASAN, KATANGIAN NG
AKADEMIKONG SULATIN?
• / PAANO NAGIGING MAGKAKAUGNAY ANG KAHULUGAN,
KALIKASAN AT KATANGIAN BILANG BATAYANG KONSEPTO
NG ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN?
AKADEMIKONG SULATIN
• Akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa
isang tiyak na disiplina o larangan na maaring interdisiplinari
o multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal,
agham, humanistiko, at iba pa.
• Interdisiplinari - ginagawa ito kung ang mananaliksik ay may kaligiran
(background) sa dalawa o higit pang larangan
• Multidisiplinari – higit sa isang mananaliksik ang kabilang at sila ay mula
sa iba’t ibang larangan na ang pag-aaralan ay isang paksa.
• Transdisiplinari - pinag-aaralan ng mananaliksik ang paksang hindi
kabilang sa pagkakadalubhasaan
KALIKASAN NG AKADEMIKONG
SULATIN
• BATAYAN O KALIKASAN NG AKADEMIKONG SULATIN ANG PARAAN UPANG
ITO AY MAISULAT.
• AT ANG PARAAN NG PAGSULAT AY UMIIKOT SA BATAYANG AKADEMIKONG
DISKURSO :
• MAGSALAYSAY
• MAGLARAWAN
• MAGLAHAD
• MANGATUWIRAN
- Ang apat na akademikong diskursong ito ay kadalasang may
pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin.
GABAY BILANG HULWARAN KUNG PAANO
ANG ANGKOP NA PARAAN NG
AKADEMIKONG SULATIN
• PAGPAPALIWANAG O DEPINISYON
• PAGTATALA O ENUMERASYON
• PAGSUSUNOD-SUNOD
• PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
• SANHI AT BUNGA
• SULIRANIN AT SOLUSYON
• PAG-UURI-URI O KATEGORISASYON
• PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN, OPINYON, AT SUHESTIYON
• PAGHIHINUHA
• PAGBUO NG LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
ESENSYAL ANG GAMPANIN NG PAG-UNAWA
NA NATATAMO SA PAGBUO NG
AKADEMIKONG SULATIN
• A. PANG-UNAWA O ENDURING UNDERSTANDING (WIGGINS AT MC TIGHE,
1998 na sukatan ng pangmatagalang pagkatuto ng isang manunulat sa
paksa at konseptong pinag-aaralan
• B. Dapat taglayin ng mga manunulat ang paglalaan ng oras at panahon
na mapag-isipan ang mga hinihinging pagbabago laban sa nakasanayang
makalumang kaalaman at paraan at mapag-aralang mabuti ang planong
gagawin sa pagsulat
• C. Mahalagang benepisyo sa pagsusuri, pagwawasto at pagtataya ng
pag-unawa ang mahusay na pagpaplano, pagtatangka at pagtataya ng
nais na buuing akademikong sulatin
KATANGIAN NG AKADEMIKONG
SULATIN
• MAKATAO – NAGLALAMAN ANG AKADEMIKONG SULATIN NG MGA
MAKABULUHANG IMPORMASYON NA DAPAT MABATID PARA SA
KAPAKINABANGAN NG MAMAMAYAN
• MAKABAYAN – ANG KAPAKINABANGANG HATID NG AKADEMIKONG
SULATIN AY MAGTUTULAY SA KAUNLARAN NG MAMAMAYAN UPANG
MAGING PRODUKTIBONG KASAPI NG PAMAYANAN AT BANSA
• DEMOKRATIKO – ANG AKADEMIKONG SULATIN AY WALANG
KINIKILINGAN O KINATATAKUTAN DAHIL ANG HANGARIN AY
MAGPAHAYAG NG KATOTOHANAN
IBA PANG KATANGIAN NG
AKADEMIKONG SULATIN
• - may malinaw na paglalahad ng katotohanan at
opinion sa mga sulatin
• - pantay ang paglalahad ng mga ideya
• - may paggalang sa magkakaibang pananaw
• - organisado
• - may mahigpit na pokus
• - gumagamit ng sapat na katibayan

You might also like