You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
DR.V. ORESTES ROMUALDEZ EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
Tacloban City

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
FILIPINO

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO:
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Sa araling ito, inaasahang matamo ang mga sumusunod:

1.Nailalahad ang mga mahalagang kaisipan ng modelo ng kahusayang pangkomunikatibo.


2.Nailalarawan ng may malalim na pag-unawa kaugnay na kakayanan tungo sa mahusay na
pakikipagtalastasan.
3.nakasasagot ng mga tanong ukol sa binasa?

PAGTUKLAS:
Bagama’t likas ng tao ang kakayanan sa pakikipagtalastasan,kinakailangan pa rin na ito
ay mapag-aralan upang mahasa at higit pang humusay ang tao sa makabuluhang gawaing ito.

PALAWAKIN ANG KAALAMAN:

Una ng natutuhan na ang komunikasyon ay isang komplikado at dinamikong proseso upang


maging maayos at matagumpay ang pagsasagawa ng makabuluhang Gawain na ito.Mahalaga na
taglayin ng tao ang mga katangian,kasanayan at mga kaalamang may kaugnayan sa mga
pangangailangan nito.

Si Dell Hymes ay isang kilalang dalubhasa pag-aaral ng mga paksang may kinalaman sa
komunikasyon ay nagmungkahi ng isang modelo na nagsasaad ng mga kinakailangang kaalaman
at kasanayan upang mapahusay ang kakayanan ng tao sa pakikipagtalastasan.

Ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao wika habang ang
performance ay ang paggamit ng tao sa wika.

Ang modelo ng KAHUSAYANG PANGKOMUNIKATIBO (Communicative Competence


Model) ayon kay dell hymes mahalaga ang maayos na paggamit ng wika upang ang
pakikipagtalastasan ay maisagawa ng mabisa. Iminungkahi niya ang modelong
S.P.E.A.K.I.N.G.
na akroniym.

Mga Salik sa Mabisang Pakikipagtalastasan ayon sa Modelong SPEAKING ni Dell Hymes

1.S-Setting (ang lugar o pook kung saan nag -uusap )

ito ay tumutukoy sa lugar o sitwasyon o scene na pangyayarihan ng gawaing komunikatibo.

2. P- Participants (Sangkot ng usapan)


Saklaw nito ang sinumang maaaring maging bahagi ng gawaing pangkomunikatibo.Mahala na
alam mo kung sino ang mga isinasangkot sa usapan.
3.E – Ends (Layunin ng Usapan)

Ang layunin ay ang siyang nagtutulak sa tao upang magsagawa ng interaksyon sa pamamagitan
ng komunikasyon. Ang mga mensahe sa inihahayag ay kumakatawan sa mga layunin na nais na
maisakatuparan.

4.A- Act Sequence (Daloy ng Pag-uusap)

Ang mga Isinasagawang usapan ay maaring magkaroon ng mga pagbabago at ang mga ito ay
maaring hindi inaasahan. Mainam na maging handa sa anumang posibilidad sa pagbabago ng
takbo ng usapan.

5.K- keys (Tono ng Pakikipag-usap)

Mahalaga na nalalaman na ganap ang sitwasyon ng komunikasyon.ang bawat konteksto ay may


mga pangangailangang dapat bigyan pansin.
S
6. I – Instrumentalities (tsanel na ginagamit)

Dapat na matukoy ng mahusay ang angkop na daluyan na gagamitin sa mabisang pagpapadala ng


mensahe.Ang bawat konteksto ay may angkop na daluyang dapat gamitin.

7.N-Norms (Paksa ng usapan)

Mahirap na tumalakay sa isang paksa na limitado lang ang kaalaman.Isinasaalang-alang din


dapat ang kaangkupan ng tinatalakay na paksa sa klase ng mga kasangkot.

8. G- Genre (uri o anyo ng teksto)

Ang salik na ito ay tumutukoy sa kaanyuan o uri ng teksto na ginamit ng kausap na siyang gabay
sa kung paano at ano ring angkop na genre ang dapat na gamitin sa ibibigay na tugon.

________________________________________________________________________

You might also like