You are on page 1of 9

EPEKTO NG PAGKATUTO NG IBA’T IBANG LENGGWAHE SA MGA KABATAAN SA

MAKABAGONG PANAHON

Isang Introduksyon sa Pananaliksik na Iniharap Kay

Bb. Roan I. Estay

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

nina

Kennedy Kim M. Bunag

Marcelo Ian G. Rosos

11- Hemingway
(Nobyembre 2021)

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I: Suliranin at Kaligiran Nito………………………………………....................

Panimula………………………………………………………………………………...

Layunin ng Pag-aaral…………………………………………………………………

Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………..…..

Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………………....…..

Depinisyon ng Terminolohiya…………………………………….…………………..

Bibliyograpiya...………………………………………………………………………………..
KABANATA I:

Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Kasabay ng pagpasok ng makabagong panahon ay ang siya ring


pagdating ng mga makabagong kultura sa ating bansa na siyang agad na
kinawilihan ng mga kabataang Pilipino, lalo na ang mga bagong lenggwaheng
kalakip nito. Dahil ang pagiging maalam sa higit sa isang wika ay isa sa mga
kinakailangang abilidad upang makahanap ng magandang trabaho,
maraming kabataan ang sinisimulan na ang paghahanda para rito. Ang iba
naman ay nag-aaral lamang maging multilinggwal bilang libangan at marami
pang ibang dahilan. Ayon sa Dictionary.com, ang pag-aaral ng iba’t ibang
wika sa anumang dahilan ay matatawag na multilinggwalismo, o ang
kakayahang ipahayag ang sarili gamit ang iba’t ibang lenggwahe.

Layunin ng Pag-aaral

Dahil kasalukuyan na tayong humarap sa makabagong panahon, isa sa mga


layunin ng pananaliksik na ito ay ipakita ang kahalagahan ng pagkatuto ng iba
pang mga lenggwahe sa makabagong panahon, lalo na sa mga kabataan.
Nais ipakita ng pananaliksik nito ang mga maaring benepisyo ng pagkatuto ng
higit sa isang lenggwahe. Saklaw nito ang mga sumusunod:

A. Mas matalas na kakayahang pangkomunikasyon.


a. Ayon sa mga pag-aaral, kung ikukumpara sa mga
monolingual na bata, ang mga batang multilingguwal ay
nalantad sa mas magkakaibang mga karanasan sa lipunan.
Bilang resulta, ang mga multilingguwal na bata ay
kadalasang nagiging sanay sa pagsasaalang-alang sa mga
pananaw ng ibang tao, na ginagawa silang mas epektibong
tagapagsalita.
B. Superior Executive Functioning
a. Ang executive functioning skills ay mga kakayahan sa
pag-iisip na kinabibilangan ng pangangatwiran,
pagpaplano, at paglutas ng problema. Iminumungkahi ng
mga pag-aaral na ang mga batang multilingguwal ay
kadalasang may mas mahusay na executive functioning skills
kaysa sa mga monolingual na katapat ng mga ito, partikular
na nauugnay sa mga lugar ng pagsugpo, pagsubaybay. Ito
ay, marahil, dahil sa patuloy na pagpapalit ng mga wika sa
isang multilinggwal na sambahayan.
C. Mataas na pagkakataong makahanap ng magandang trabaho sa
hinaharap.
a. Ang pakikipag-usap sa iba't ibang wika ay maaaring
magbigay sa isang multilingguwal na aplikante ng isang
malinaw na kalamangan sa isang monolingual na aplikante
sa larangan ng trabaho. Itinuturing ng internasyonal na
komunidad ng negosyo ang kakayahang makipag-usap sa
higit sa isang wika bilang isang "kailangan na kasangkapan
para sa pagbuo ng relasyon at tagumpay sa pananalapi."
Maaari nitong gawing mas madali ang paghahanap ng
trabaho, at maaari ring humantong sa pagtaas ng sweldo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang wika dahil ito ay ginagamit sa komunikasyon, interaksyon,


at pang talastasan ng bawat mamamayan. mahalaga ito dahil kung wala ito
ay hindi umunlad ang ekonomiya kung kaya hindi nagkakaisa at
nagkakaintindihan ang mga tao. Kaya ang pag-aaral na ito ay
magigingkapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral at kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong


upang malaman nila kung paano nakakaapekto ang bawat salita na
nagmumula sa kanilang diwa at maging sa kanilang pananalita sa ating
wikang Filipino. Nauunawaan ng mga kabataan at estudyante kung paano
responsableng gamitin ang bawat salita upang ipahayag ang kanilang mga
iniisip.

2. Sa mga mamamayang Pilipino.Upang ipaalala sa atin na dapat nating


pahalagahan at huwag pakainin ang tradisyonal na wika at kultura ng ating
bansa sa sistema ng modernisasyon.
Saklaw at Delimitasyon
Layunin ng pag-aaral na ito na linawin ang epekto ng wika sa modernong
kabataan. Mayroon lamang mga paghihigpit na dapat isaalang-alang
pagdating sa paggamit ng wika at pag-unlad nito. Ang dahilan ay upang
mapanatili ang kaayusan kung saan tayo natututo tungkol sa wika. Saklaw ng
pananaliksik na ito ang mga benepisyong makakamit ng mga kabataan kung
sila ay magiging multilingwal. Ang mga ito ay; Pagkakaroon ng matalas na
pakikipag komunikasyon (NPR, 2016), mataas na kakayahang pang-executive
(NCBI, 2015) at mataas na pagkakataong makahanap ng magandang
trabaho sa hinaharap (U.S News and World Report, 2014).

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga


sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Wika - Ang wika ay isang pakikipagtalastasan. kalipunan ito ng mga simbolo,


tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayagang nais sabihin ng
kaisipan
Multilingwalismo - Ang multilinggwalismo ay ang tawag sa pakikipag-ugnayan
ng tao gamit ang dalawa o higit pang bilang ng wika pasulat o pasalita man.

Multilingwal - Ang tawag sa isang taong may kakayahang ipahayag ang


sariling opinyon gamit ang dalawa o higit pang mga lenggwahe.

Monolingual - Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa,


Isang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura

Ekonomiya - Binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang


area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at
konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng area na ito.

Modernisasyon - pagsulong tungo sa mas epektibong mga bagay bagay.


Pangunahin ng napapaloob dito ang kagamitan, machine, wika,instruktura,
teknolohiya, pamamaraan at lipunan.

Bibliyograpiya

A. (2017, September 25). 10 Advantages to Being Multilingual. KODAheart.

http://kodaheart.com/10-things-21/#:%7E:text=A%20recent%20study%20found%2

0that,competency%20in%20the%20native%20language
Bakit Magandang Mag-aral ng Bagong Wika? | Tanong ng Mga Kabataan.

(n.d.). JW.ORG.

https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/tin-edyer/tanong/bakit-magandang

-mag-aral-ng-bagong-wika/

Bialystok E. (2015). Bilingualism and the Development of Executive Function: The Role of

Attention. Child development perspectives, 9(2), 117–121.

https://doi.org/10.1111/cdep.12116

Chau, Lisa. (2014) Why you should learn another language. U.S News and World Report.

https://www.usnews.com/opinion/blogs/economic-intelligence/2014/01/29/the-

business-benefits-of-learning-a-foreign-language

Seigel, R. (2016, March 21). Studies Suggest Multilingual Exposure Boosts Children's

Communication Skill. Npr.Org.

http:/www.npr.org/2016/03/21/471316384/studies-suggest-multilingual-exposure-

boosts-childrens-communication-skills

What Are The Most Fun-to-say Words In Different Languages? (n.d.).

https://www.dictionary.com/browse/multilingual#:%7E:text=What%20does%20

ultilingual%20mean%3F,with%20some%20level%20of%20fluency.&text=The%20abili
y%20to%20speak%20multiple,multiple%20languages%20is%20called%20multilingu

alism

You might also like