You are on page 1of 35

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Alma M. Sico
Editor:Rosario M. Dela Rosa
Tagasuri:Hamilton Q. Cruz Tagaguhit:Alma M. Sico
Tagalapat:Alma M. Sico
Cover Design: Emmanuel S. Gimena Jr.

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent: Asst. Romeo M. Alip, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent : Chief Roland M. Fronda, EdD, CESE
Education Supervisor, CID: Education Milagros M. Peñaflor, PhD
Program Supervisor, LRMDS : Education Edgar E. Garcia, MITE
Program Supervisor, ADM : Education Romeo M. Layug Romeo M.
Program Supervisor, AP: District Layug Ruel D. Lingad, EdD
Supervisor, Abucay: Emmanuel S. Gimena Jr.
Division Lead Book Designer: District Charito D. Corpus
LRMDS Coordinator, Abucay : School Cathren Danica E. Ricaplaza
LRMDS Coordinator: Soledad V. Llarina
School Principal: Jerome C. Matic Joana Marie
District Lead Layout Artist, AP: S. Pineda Sonny D. Villanueva
District Lead Illustrator, AP:
District Lead Evaluator, AP:
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E- mail Address: bataan@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Ika-


Sampung Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga
Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagg

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ika-Sampung Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang masuri mo ang kahalagahan ng


kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
at tulungan kang mabigyan ng ideya ukol sa mga hakbang na dapat gawin sa
pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Ang
bahaging ito ay makatutulong din sa iyo upang magkaroon ng sapat na kaalaman
kung paano ka aktibong makikibahagi sa pagbuo ng CBDRM plan sa inyong
pamayanan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran; AP10MHP-Ih-12
2. naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan. AP10MHP-Ii-13
a. nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng
CBDRRM Plan; at
b. nasusuri ang pagkakaiba ng bawat yugto sa pagbuo ng Community-
Based Disaster Risk Reduction and Management Plan.

1
Subukin

Sa bahaging ito ng modyul, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang
matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang-
pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot sa
teksto ng aralin na ito.

PAUNANG PAGTATAYA

Punan ng titik ang mga patlang upang mabuo ang hinihinging sagot. Hanapin ang
kasagutan sa loob ng lalagyan sa ibaba. Isulat ang tamang kasagutan sa inyong
kwaderno

1. _K_A_A_ _A _U_T_

Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation


2. D_S_S_E_ R_S_O_S_
Nakapaloob dito ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment,
Damage Assessment, at Loss Assessment
3. D_ _AS_E_ P_E_A_ _D_ES_
Ito ay ang ikalawang yugto ng DRRM plan.

2
4. _I_A_T_R _R_V_N_I_N _N_ _I_I_A_I_N
Nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk
Assessment.

5. F_R_W_RN_N_
Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng
pagtama nito sa isang komunidad.
6. S_E_D
Bilis ng pagtama ng isang hazard

7. I_T_N_I_Y
Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

8. _O _N_O_M
magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na
katangian ng komunidad

9.D_M_G_
tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot
ng kalamidad.

10. V_LN_RA_I_I_ _ AT C_PA_I_Y A_S_S_M_N_


Sinusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa
iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar.

11. _A_A_D A_S_S_M_NT


Mayroon itong pisikal at temporal na katangian

12. P_E_I_T_B_L_T_
Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard

13. F_E_U_N_Y
Dalas ng pagdanas ng hazard.

14. R_S_ A_SE_SM_N_


Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

15._ _A_A_A_ _ Y_G_O


Nakapaloob sa yugtong ito ang tatlong pangunahing layunin; ang to inform,
to advise at to instruct.

3
Aralin Mga Hakbang sa Pagbuo ng Comm

1
Sa araling ito mahalagang maunawaan ang mga
konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa
ng CBDRRM Plan, gayundin ang mga hakbang
sa pagsasagawa nito. Matututunan mo din dito
ang mga paghahandang nararapat gawin sa
harap ng panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran. Bilang mag- aaral
masusuri mo ang kahalagahan ng Community-
Based Disaster Risk Reduction and
Management Approach sa pagtugon sa mga
hamon at suliraning pangkapaligiran at higit
sa lahat mapahahalagahan mo ang
pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagharap sa mga
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Balikan
Ngayon bago ka tuluyang magpatuloy sa susunod na aralin tingnan ko nga kung
naaalala mu pa ang nakalipas nating paksa. Tukuyin mo kung anong isyu at
suliraning pangkapaligiran ang hinihingi sa dayagram, punan ang mga
nawawalang letra upang matukoy ang kasagutan. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

4
5
Magaling! Naalala mu pa nga ang ating nakaraang aralin, maari ka nang tumungo
ngayon sa susunod na gawain para paksang aralin sa araw na ito. Handa ka na
ba?

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang maunawaan at maisabuhay

Tuklasin
Sa bahaging ito nais ng guro na maging pamilyar ka sa mga konsepto o termino na
makikita mo sa aralin na ito.

Gawain1: Hanap Salita!

Kopyahin ang puzzle box sa iyong kwaderno. Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle
box ang mga salita na nasa sa loob ng kahon.

1. Risk assessment To advise


2. Loss assessment Hazard assessment Disaster
Damagepreparedness
assessment To inform
3. Capacity assessment Disaster preventionToDisaster
instructresponse
4. Recovery
5. Needs assessment
6. CBDRRM Plan
7. Rehabilitation
8.

6
R E H A B I L I T A T I O N D H L Y D D
C A D F C H J U I L K O P R I E O W A I
B T S E A G H J K L Y I O P S N S E M S
D O S W P Q W E R T Y U T U A O S I A A
R I S K A S S E S S M E N T S I A I G S
R N R E C O V E R Y R U T N T T S N E T
M F U K I C O M P U Y E N E E N S T A E
P O W E T O A D V I S E E M R E E E S R
L R E R Y D F O H K L M M S P V S N S R
A M S A A Y U G T O G H S S R E S S E E
N E S H S A E R O Y U I S E E R M I S S
Z S X C S C V B I N M V E S P P E T S P
A E A T E D Q A N D E P S S A R N Y M O
D D S Y S F W E S F A L S A R E T Q E N
A R E H S G E I T G S K A D E T R A N S
D T R J M H R O R H T M S R D S G S T E
S Y T K E J T U U J Y B D A N A H D F A
E U U L N K Y D C N U N E Z E S J X G O
R O M I T I G A T I O N E A S I K Z H I
T I T G A L U E E M K H N H S D L S J U

Mahusay! Dahil nagawa mong hanapin ang lahat ng salita sa loob ng puzzle box.

Suriin
Basahin at unawaing mabuti ang teksto ng aralin upang masagot ang mga gawaing
inihanda ng guro para sa iyo upang subukin ang iyong naging pagkaunawa sa
aralin.

7
Paksa:

Mga Hakbang sa Pagbuo ng


Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan

8
Upang magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa para sa aralin 3, maari mong
basahin ang tekstong ito na may kinalaman sa mga hakbang sa pagbuo ng
CBDRRM Plan. Unawaing mabuti upang makatulong sa iyong pagsagot sa mga
gawain na inihanda ng guro upang sukatin ang iyong naging pagkaunawa sa
tekstong binasa para sa aralin.

May apat na yugto o hakbang sa pagbuo ng Community- Based Disaster Risk


Reduction and Management Plan;

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation


Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard
Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment.Tinataya naman ang
kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity
Assessment.

Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention


and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano
kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring
maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

Hazard Assessment

Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard
assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o
gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard
assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito.

Pisikal na Katangian ng Hazard

Pagkakilanlan -Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung


paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian -Pag-alam sa uri ng hazard

9
Intensity -Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak -Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw -Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard
Predictability -Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala

Temporal na Katangian ng Hazard

Frequency- Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap


taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay
biglaan lamang.
Duration- Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito
ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng
baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil.
Speed - o Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o onset walang
babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng
babala tulad ng bagyo o baha.
Forewarning- tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at
oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng
malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal
wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng
pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at
tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon,
at pagaaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog,
pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng
taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.

►Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng


hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong hazard
assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga
pisikal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.

►Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na


maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang
mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: ang Hazard Mapping
at Historical Profiling/Timeline of Events. Ang Hazard Mapping ay isinasagawa
sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng
hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring
mapinsala. Sa Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng
historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga
hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito
ang pinakamapinsala.

1
0
►Alinman sa dalawang nabanggit na halimbawa ang gamitin sa pagsasagawa ng
hazard assessment, mahalaga pa rin sa CBDRM Approach ang partisipasyon ng
mga mamamayan dahil mayrooon silang personal na karanasan sa mga
hazard sa kanilang lugar. Mas mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga
mamamayan kung sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa
kanilang pamayanan.

Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)

►Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang


komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang
lugar. Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Samantala, sa Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at
Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal o
Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol sa hazard.

Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment


Pisikal- Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa
trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng
mga nabanggit na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang
komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng
hazard

Panlipunan- Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo


ng tao sa isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may
kapansanan, maysakit at iba pang pangkat na maaaring Kawalan ng maaayos na
sistema ng maging biktima ng hazard. pamahalaan tungkol sa Disaster Kasama rin
dito ang pagiging Management vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng
pamahalaan.

Vulnerability Assessment

►Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong


kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak
ang pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay
walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan,
hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang
mga mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng
maging biktima ng sakuna o kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman
na may maliit na kita ay maituturing rin na vulnerable dahil maaaring hindi
sapat ang kanilang suweldo upang tustusan ang dagdag na gastusin sa panahon
ng sakuna tulad ng bagyo o baha.

►Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging mulat ang


mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon

1
1
ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan. Bukod dito,

1
2
dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan
kabilang na dito ang tungkol sa disaster management. Sa panig naman ng
pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa pagbuo ng disaster management plan.
Hindi dapat kalimutan ng pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga
mamamayan sa lahat ng aspekto ng pagbuo ng disaster management plan. Sa
pamamagitan nito, magkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng
mamamayan at pamahalaan. Higit na mauunawaan ng mamamayan ang
programa ng pamahalaan kung sila ay kabahagi sa pagbalangkas nito.

►Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability


Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at
Location of people at risk.

► Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito,


halimbawa, mas vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar.
Samantalang vulnerable naman sa landslide ang mga naninirahan malapit sa
paanan ng bundok.

Capacity Assessment

►Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang


anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal,
Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa Pisikal o
Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan
na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling
pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong
Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin
ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang
kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay
may epektibong disaster management plan.Samantala, ang mga mamamayan na
bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay
nagpapakita na may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon
mula sa dinanas na sakuna o panganib.

►Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan,


imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng
hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito
ng imporasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanan kung ano
at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan.

►Tandaan na hindi lahat ng pamayanan ay mayroong magkakatulad na pisikal na


katangian. Kung kaya’t maaaring makaapekto ito sa kanilang kapasidad.
Gayundin, ang pagkakaiba ng antas ng kita ng bawat pamayanan ay mayroon
ding malaking epekto sa pagiging handa nila sa panahon ng kalamidad.

10
Risk Assessment

►Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at


kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan
ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa
mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard
na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at
kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).

Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment

Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:

1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala


sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard
sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management
plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya
upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard
at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na
atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.

►Mahalaga ang mga hakbang na nakapaloob sa yugto ng Prevention and


Mitigation. Lahat ng impormasyon na makukuha mula sa pagsasagawa nito ay
makatutulong upang magkaroon ng malinaw na batayan sa pagbuo ng DRRM
plan ang isang pamayanan.

11
Gawain 1: Teksto- Suri

Paano isinasagawa ang mga hakbang sa unang yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan
batay sa talahanayan sa ibaba? Isulat kasagutan sa iyong kwaderno.

Unang Yugto

Prevention and Mitigation

Vulnerability and
Hazard assessment Risk assessment
capacity assessment

►Hindi natatapos ang DRRM plan sa pagtataya ng mga banta ng kalamidad at


kakayahan ng komunidad na harapin ito. Mahalagang gamitin ang mga
imporasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng ikalawawang yugto:
ang Disaster Preparedness.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness


► Madalas tayong nakakapanood ng mga patalastas sa telebisyon
tungkol sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Mayroon ding
mga anunsyo sa radyo, sa mga pahayagan, at maging sa ating
pamayanan tungkol sa mga gagawin natin kung sakaling tayo ay
makaranas ng iba’t ibang kalamidad. Ito ay ilan lamang sa mga
gawaing nakapaloob sa ikalawang yugto ng DRRM plan .
►Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response. Ito ay tumutukoy sa
mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad,
sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga
dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
►Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang
magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari
pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay. Layunin ng mga

12
gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal
na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga
mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay
ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing
layunin:
1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability,
at pisikal na katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa
proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at
hazard.
3. to instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na
lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa
oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
►May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o
babala. Ito ay pinadadan sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi
ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas sa telebisyon, radyo, at
pahayagan. Lahat ng ito ay ginagawa upang maging mulat at edukado ang mga
mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
►Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at
pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at
pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto
nito.

Ikatlong Yugto: Disaster Response


►Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa
pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang
dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong
makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan
upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan
ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad. Nakapaloob
sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment,
Damage Assessment, at Loss Assessment. Ayon kina Abarquez, at Murshed
(2004), ang needs ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga
biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Samantala,
ang damage ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-
arian dulot ng kalamidad. Ang loss naman ay tumutukoy sa pansamantalang
pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng
produksyon. Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga
produkto, serbisyo, at imprastraktura na nasira. Halimbawa, ang pagbagsak ng
tulay ay damage, ang kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon ay loss.
Ang pagkasira ng mga lupaing-taniman ay damage samantalang ang pagbaba ng
produksiyon ng palay ay loss. Isa pa ring halimbawa ay ang pagguho ng ospital
dahil sa lindol ay maituturing na damage. Samantala, ang panandaliang
pagkaantala ng serbisyong pangkalusugan ay maituturing na loss.

13
► Mahalagang maunawaan mo na sa yugtong ito ay napakahalaga ng
koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama din sa pagsasagawa ng
una at ikalawang yugto. Kadalasan kasi ay nababalewala ang nilalaman ng DRRM
plan kung walang maayos na komunikasyon lalo sa pagitan ng iba’t ibang sektor
lalo na sa oras na nararanasan ang isang kalamidad. Mahalaga rin ang kaligtasan
ng bawat isa kaya sa pagsasagawa ng Disaster response ay dapat isaalaang-alang
ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan sa pagsasagawa nito.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery


► Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa
yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa
pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga
naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa
dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang
pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at
transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na
suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo
ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang
madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya.

►Sa yugto ng Recovery nakasalalay kung paano binuo ng isang komunidad ang
kanilang disaster management plan na bahagi ng yugto ng Preparation. Makikita
dito na kailangan ay may sapat na kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan,
iba’t ibang sektor ng lipunan, NGO, at mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan
upang ito ay maging matagumpay.
►Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga
mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan.
Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster Risk Reduction
Resource Manual upang magamit sa ng mga konsepto na may kaugnayan sa
disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan.

14
Pagyamanin

Sa bahaging ito mas pagyamanin mo ang mga nabuong pag- unawa tungkol sa mga
hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan. Tingnan ang talahanayan at tukuyin kung
anong yugto nabibilang ang mga nakalista sa ikalawang kolum. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.

A.
A. Unang Yugto B. Ikalawang Yugto

C. Ikatlong Yugto D. Ikaapat na Yugto

Mga hakbang sa pagbuo ng


Bilang Yugto
CBDRRM Plan
1 To inform
2 Needs assessment
3 Disaster response
4 To instruct

5 Loss assessment

6 Disaster preventation
7 To advise
8 Disaster preparedness
9 Hazard assessment
10 Disaster rehabilitation

15
B. Punan ang dayagram sa ibaba. Piliin ang kasagutan sa kahon. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.

Disaster Preparedness Disaster Rehabilitation and Recovery

Disaster Response Disaster Prevention and Mitigation

1.

MGA
HAKBANG SA PAGBUO NG CBDRRM PLAN
2. 3.

4.

Mahusay! Tunay ngang inunawa mung mabuti ang teksto ng aralin.

16
Isaisip

Punan ang patlang ng tamang kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno

A. Disaster Response
B. Disaster Rehabilitation and Recovery
C. Disaster Prevention and Mitigation
D. Disaster Preparedness
E. Risk Assessment
F. Vulnerability o Capacity Assessment

1. Ang ay bahagi ng disaster management plan, na kung saan ay


tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay
bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna
at kalamidad.

2. Sinusuri ng ang kapasidad ng komunidad na harapin ang


anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal,
Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.

3. Ang ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa


panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.

4. Tinataya ng kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang


kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil
magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.

5. Ang ay mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng


mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo
upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng
isang nasalantang komunidad.

6. Ang -ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang


pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan
ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

17
Isagawa

Napanood mo sa telebisyon na may paparating na isang super typhoon sa ating


bansa at direktang tatamaan ang inyong bayan, Ano ang iyong gagawin? Gumawa
ng checklist ng mga dapat gawin sa sitwasyon na ito; piliin ang iyong mga
kasagutan sa nilalaman ng papel na nasa ibaba, kopyahin ang talahanayan sa
iyong kwaderno at isulat ang tamang titik ng tamang kasagutan para dito.

Bago ang disaster Habang may disaster Pagkatapos ng


disaster

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Mga Pagpipilian

Hintayin ang abiso ng kinauukulan na ligtas ng bumalik sa tahanan


ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangunahing pangngailangan ng pamilya
Manatili sa bahay at pumanatag
I-monitor ang mga ulat o balita sa telebisyon at radio
alamin ang palno ng komunidad sa pagbibigay babala at paglikas
Siguraduhing walang basa o nakababad na outlet o kagamitan bago buksan ang linya
Tutulong sa pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng bahay
patayin ang main switch ng kuryente at valve ng tubig
Gumamit ng flashlight o emergency lamp, maging maingat sa paggamit ng kandila o ga

Magaling! Naisagawa mo ng may kahusayan ang gawain

18
Tayahin

Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang antas ng iyong pagkatuto sa aralin.

A. Piliin ang titik ng tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Nakapaloob dito ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage
Assessment, at Loss Assessment.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery

2. Bakit mahalaga ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga


hamong pangkapaligiran?
a. Dahil ito ay makatutulong sa atin upang magkaroon ng lakas ng loob na
harapin ang anumang suliranin at hamong pangkapaligiran.
b. Makakatulong ito upang maging maunlad ang ating pamumuhay sa
panahon ng kalamidad
c. kailangan ito upang mabilis nating matanggap ang epekto ng mga sakuna
o trahedya na maaring dumating sa ating buhay
d. Mahalaga ito sa pagtanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa panhon ng
kalamidad.

3. Bilis ng pagtama ng isang hazard.


a. Forewarning b. Speed c. Intensity d. Frequency

4. Nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk


Assessment.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery

5. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.


a. Forewarning b. Speed c. Intensity d. Frequency

6. Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na


katangian ng komunidad.
a. To instruct b. To advise c. To inform d. To manage

19
7. Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng
kalamidad.
a. Damage b. Predictability c. Intensity d. Frequency

8. Bilang isang mag- aaral, ano ang pwede mong gawin upang makatulong ka sa
inyong pamayanan sa paghahanda sa mga posibleng epekto ng kalamidad na
maaaring tumama sa inyong lugar?
a. Matulog ng maaga at antayin na lamang na dumating ang kalamidad
b. Makipagkwentuhan sa mga kapitbahay upang malibang habang inaantay
ang kalamidad
c. Dumalo sa mga pagpupulong sa inyong barangay na may kaugnayan sa
paghahanda sa kalamidad at maging aktibong katuwang ng pamunuan nito sa
pagbibigay babala o paalala sa pamamagitan ng pamamahagi ng flyers o
pagdidikit ng mga poster na may kinalaman sa paghahanda laban sa
kalamidad.
d. Magpost sa social media ng mga nakakatakot na epekto ng kalamidad.

9. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama


ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng
pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery

10.Bakit mahalaga ang pagbuo ng Community- Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
a. Dahil napagsasanib nito ang oras, lakas, pondo, at kakayahan ng
pamahalaan at ng mga mamamayan upang maging handa sa iba’t- ibang
suliranin at hamong pangkapaligiran.
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang bago, habang at pagkatapos ng
kalamidad
c. Nagkakaroon ang bawat isa ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
d. Lahat ng nabanggit

11.Ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang


pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery

20
12.Ito ay ang ikalawang yugto ng CBDRRM plan.
a. Disaster prevention and mitigation
b. Disaster Response
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Rehabilitation and Recovery

13.Nakapaloob sa yugtong ito ang tatlong pangunahing layunin; ang to inform, to


advise at to instruct.
a. Unang yugto c. Ikatlong yugto
b. Ikalawang yugto d. Ikaapat na yugto

14.Sinusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t


ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar.
a. Risk assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Hazard assessment d. Disaster assessment

15.Sa yugtong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang
kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil
magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
a. Unang yugto c. Ikatlong yugto
b. Ikalawang yugto d. Ikaapat na yugto

21
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng happy face kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap, at sad

face naman kung mali. Gawin ito sa iyong kwaderno

1. Mahalaga sa pagbuo ng CBDRRM Plan ang partisipasyon ng mga mamamayan


dahil mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard sa kanilang lugar.

2. Mahalaga ang mga hakbang na nakapaloob sa yugto ng Prevention and


Mitigation. Lahat ng impormasyon na makukuha mula sa pagsasagawa nito ay
makatutulong upang magkaroon ng malinaw na batayan sa pagbuo ng DRRM
plan ang isang pamayanan.

3. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga


hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na
atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.

4. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at


pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at
pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto
nito.

5. Bilang isang mag- aaral mahalaga na ikaw ay maging aktibong kabahagi ng


pagbubuo ng plano sa inyong lugar upang maging handa ang inyong pamayanan
sa pagtama ng iba’t- ibang hazard at kalamidad.

22
Susi sa Pagwawasto

23
24
Sanggunian
DepEd (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Patnubay ng Guro (Tagalog).

DepEd (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Kagamitan ngMag-aaral (Tagalog).

DepEd (2017). K to 12 Curriculum Guide. Mga Kontemporaryong Isyu

Upload.Wikimedia.Org, 2020.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/55/The_Disaster_Ma
nagement_Cycle.jpg.

"Teaching Emergency Preparedness | Public Domain Vectors".


Publicdomainvectors.Org, 2020. https://publicdomainvectors.org/en/free-
clipart/Teaching-emergency-preparedness/76611.html.

"Crisis Response Worker | Free SVG". Freesvg.Org, 2020.


https://freesvg.org/crisis-response-worker.

"Public Domain Clip Art Image | Illustration Of An Ambulance | ID:


13491436813829 | Publicdomainfiles.Com". Publicdomainfiles.Com, 2020.
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13491436813829.

"Public Domain Clip Art Image | Illustration Of Brick Buildings | ID:


13504552819340 | Publicdomainfiles.Com". Publicdomainfiles.Com, 2020.
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13504552819340.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division Learning Resources Managem

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102


Email Address:

You might also like