You are on page 1of 21

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan-Modyul 6

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon


sa Pagpapatatag ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marjorie D. Caritan


Editor: Albert Rendon Antipuesto
Tagasuri: Eric D. Pasana
Tagaguhit: Marjorie D. Caritan at Marilyn W. Tedio
Tagalapat: Albert Rendon Antipuesto
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin P.Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz -REPS, Subject Area Supervisor
Meilrose B. Peralta, Ed.D- CID Chief
Hazel G. Aparece, Ed.D- Division EPS In Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr.- Division ADM Coordinator
Vicentina A. Acuña- Division Subject Coordinator
.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon
Name of Division XIICoordinator Antonio R. Pasigado Jr.
ADM
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan-Modyul 3

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon


sa Pagpapatatag ng Pamilya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,

1
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

2
Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Bago pa man tayo magsisimula narito ang mga pamantayan na dapat nating isaalang-
alang.

Pagtatakda ng Pamantayan

✓ Ihanda ang sarili sa panibagong kaalaman.

3
✓Iwasan ang anumang balakid na makahahadlang sa pag-aaral gaya ng
gadgets

✓ Sundin ang lahat ng mga gabay sa pagkatuto at maging aktibo sa


mga gawain.

✓ Kung may nais linawin mula sa aralin, huwag mahihiyang


magtanong.

✓ Gawin ang mga gawain sa takdang oras.

Alamin

Sa nakaraang aralin ay inyong napag-alaman at natutunan ang dalawang uri


ng komunikasyon. Ang berbal o pasalita at di-berbal o di-pasalita. Makikita natin sa
loob ng tahanan kung paano umiiral ang kumunikasyon. Kung maayos ang
komunikasyon ay maayos din ang pakikitungo ang bawat isa maging sa ibang tao.
Upang lubusang maisabuhay at maisapuso ang kaalamang nais iparating ng
modyul na ito, tiyaking maunawaan ang mga mensaheng mababasa sa susunod
pang mga gawain. Ang nilalaman ng modyul na ito ay naglalayong gisingin kayo mula
sa modernong pamamaraan ng komunikasyon. Maraming mang naidudulot na
kabutihan sa atin ang nasabing modernong teknolohiya, ngunit dapat din nating
malaman ang mga negatibong epekto nito. Kasama ng inyong mga magulang at mga
mahal sa buhay,sama- sama nating alamin at unawain kung gaano kahalaga ang
bukas na komunikasyon sa ating pamilya at sa kapwa. Maging ito man ay berbal, di-
berbal at virtual.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nahihinuha na:
• ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak
ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
• Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na
uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
• Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa
angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

4
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at
pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya.

Subukin

Paunang Pagtataya (Pre-Test)


A. Panuto: Ibigay ang iyong panghihinuha sa sumusunod na pahayag o
sitwasyon na naaayon sa Batayang Konsepto ng Komunikasyon sa pamilya. Isulat
ang salitang ANGKOP kung tama ang pahayag at TALIWAS naman kung mali.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.( 2 puntos bawat bilang)
_____1. Ang magulang lamang ang dapat pakikinggan sa loob ng tahanan.
_____2. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng
pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at
pagmamalasakit sa isa’t isa.
_____3. Ang paglalayo ng loob ng isa’t isa sa pamilya ay nangangahulugan
ng katiwasayan at katahimikan
_____4. “ Bakit kailangan nating sumigaw gayong ang ating kausap ay
nasa tabi lang natin.”Nangangahulugan na ang nagsasalita ay
galit at malayo ang puso sa kausap.
_____ 5. Kailangang pairalin ang paggalang at pagmamahal upang lalong
tumibay ang samahan ng pamilya.

Aralin Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa


3 Pagpapatatag ng Pamilya
Sa araling ito ay matututunan mo ang kahalagahan ng bukas na
komunikasyon at mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya.

Dito masusubok ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga gawain na may


kaugnayan sa paksa.

Sa panahon ngayong umiiral ang pandemyang COVID 19, gaano ba kahalaga


sa iyo ang komunikasyon? Nang isailalim tayo sa community quarantine, kay daming
nagbago.Hindi mo na ganap na makahalubilo ang mga mahal sa buhay na nasa ibang
lugar.Ngunit may mga paraan upang hindi maputol ang ating komunikasyon sa
kanila. Ito ay ang virtual o pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng online,
pagtawag sa telepono o cellphone at ang pinakamadali ay sa pamamagitan ng
messenger.

Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng buong mundo, ating tandaan na ang


komunikasyon ay may malaking papel na ginagampanan upang maayos natin ang
ating buhay, mapapatatag ang ating pamilya at mapapabuti ang pakikitungo sa ating
kapwa.

Halika, sama-sama nating tuklasin ang hiwaga ng komunikasyon sa


pagpapatatag ng pamilya.

5
Balikan

Gawain
Panuto: Punan ang talata tungkol sa kahalagahan ng komunikasyon sa
pagpapaunlad ng ugnayan sa loob ng pamilya. Gamiting gabay ang mga larawan.
Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng

1. at na impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Malaking

hamon sa modernong panahon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa

loob ng 2. . Ang pinakamabisang tugon ay ang 3. Sa tunay na

kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao na tinatawag na diyalogo. Ang

diyalogo ay sining ng 4. at nararapat na unang matutuhan sa loob

ng pamilya. Ito ay mas mabisa kung may kalakip na 5.

1._____________________ 4.__________________________
2._____________________ 5.__________________________
3._____________________

Mga Tala para sa Guro


Siguraduhing ginagabayan mo ang mga mag- aaral gamit ang anumang midyum na
mayroon sila. Panatilihin ang komunikasyon mo at ng mga mag- aaral. Maging
handa sa anumang katanungan mayroon sila.

Tuklasin

Gawain

Panuto: Pamilyar ba kayo sa larong 2Pics 1 Word? Subukin mo ngang sagutin sa


pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik sa loob ng
bawat kahon.

6
1. 2
.

N M
MKI L A __PAHAN __L A T I SAK A

3
.

S
B_ KA U

Tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang nabuo?


2. Paano nagkakaugnay ang mga ito?
3. Bakit mahalaga ang mga salitang ito sa pakikipag-ugnayan sa loob ng pamilya?

Matapos mong naisaayos ang mga titik at nabuo ang mga salita ay batid kong
magagawa mo ang kasunod pang mga gawain. May ideya ka na ba sa ating magiging
paksa?

Suriin
Sa puntong ito ay nais kong paglaanan mo ng panahon na suriin at
unawaing mabuti ang talataan.

Mga hamon sa komunikasyon ng pamilya sa kasalukuyang panahon


Sa modernong panahon malaking hamon ang kinakaharap ng bawat pamilya.
Marami ang mga pagbabago na sadyang hinding-hindi na mapipigilan. Isa sa mga ito
ay may kinalaman sa komunikasyon.
Kapansin-pansin sa mga kabataan ang masyadong pagkahumaling sa paglalaro
sa mga online games. Pakikisangkot sa social media kagaya ng Facebook, Instagram,
Tweeter at iba pa. Batid ng lahat na talagang malayo-layo na ang ating narating sa
larangan ng komunikasyon. Gamit ang iba’t ibang makabagong teknolohiya ang ating
komunikasyon sa kapwa ay napapadali na. Ngunit saan kaya hahantong ang
pagbabagong ito?
Kung ating babalikan ang nakaraang panahon, makikita sa bawat pamilyang
Pilipino na sama-samang kumakain sa oras ng kainan. Sabay-sabay sa pagsamba o
panalangin, bago matulog sa gabi ay nagkukwentuhan muna. Sa mga pagsubok sa
buhay ay tulong-tulong nilang hinarap ang mga ito. Ang mga gawaing bahay ay sama-

7
sama rin nilang ginagawa. Hindi nawawala ang kanilang masayang kwentuhan
habang tinatapos ang mga gawain. Madali sa mga magulang na pangaralan ang mga
anak sapagkat palagi nilang nakapiling at naging bukas naman sila sa isa’t isa.
Makikita pa kaya ang ganitong senaryo sa kasalukuyang panahon?
Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, tila unti-unti ng nawawala ang
mga kasanayan at kaugaliang ito. Bagkus kabaligtaran na ang makikita sa pamilya.
Ang mga anak ay wala ng panahon na makikipagkwentuhan sa kanilang mga
magulang. Mas tinutuunan pa ng pansin ang mga hawak na gadgets. Sa cellphone na
rin nila ipinaparating ang kanilang gustong sabihin sa magulang. Ang mga magulang
ay wala na ring panahon na pangaralan ang mga anak. Kaya nagiging malayo ang
kanilang loob sa isa’t isa. Ninakaw na nga talaga ng makabagong teknolohiya ang
nakalaang panahon sa komunikasyon ng magkakapamilya. Bunga nito’y unti-unting
nawawala na ang mga kaugaliang Pilipino. Gaya ng pagmamano sa mga nakatatanda,
pagsalita nang banayad, mahinahon, pagsangguni ng mga desisyon sa mga magulang.
Ang mas malala pa humahantong sa hiwalayan ng mag-asawa at paglalayas ng mga
anak. May mga suliranin ding naidudulot ang nasabing teknolohiya. Nagkakaroon ng
hindi magandang ugnayan ang bawat kasapi ng pamilya. Bagamat pilit
nilalampasan ng buong pamilya ang hamong ito, may mga positibo rin namang
naidudulot ang mga makabagong teknolohiya. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Nagiging mulat ang ating kamalayan sa mga nagaganap sa paligid. Ang paghatid at
pagtanggap ng mensahe ay napapadali. Halimbawa nito, kapag aalis ng bahay at ang
mga tagubilin ay hindi lahat nasabi o may mga naiwang gamit, maaari kang mag-text,
mag-chat o tumawag.
Sa social media rin natin nakikita, naririnig o napapanood ang mga bagong
updates. Sa mga apps tulad ng Facebook, Tweeter, Instagram at iba pa ay nakatatagpo
tayo ng mga bagong friends. Dito nahuhubog ang ating pakikipagkapwa.
Anumang pagbabago ang nagaganap sa larangan ng komunikasyon, ay dapat
nating isabuhay ang pakikipagkapwa at pakikisalamuha. Maging ito ay pasalita, di-
pasalita o virtual man. Panatilihin natin na maging maayos ang komunikasyon sa
ating pamilya upang magiging matatag ang relasyon ng bawat kasapi at maging
makabuluhan ang pakikipagkapwa.
Malinaw na ba sa iyo ang konsepto ng aralin? Handa ka na ba sa susunod
pang mga gawain? Ihanda ang iyong sarili sa panibagong gawain na lilinang ng iyong
kaalaman at kakayahan.

Pagyamanin

Gawain 1 Komunikasyon sa loob ng pamilya


Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, punan ang hinihingi ng bawat hanay. Gawing
huwaran ang ibinigay KONG halimbawa. Pagkatapos ikaw na naman ang gagawa.

Mabisang sangkap ng epektibong Banta o hamon sa komunikasyon ng


komunikasyon sa pamilya pamilya sa modernong panahon
Halimbawa: pagmamahal Halimbawa: abala sa trabaho ang mga
magulang

8
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Rubriks para sa Gawain


Batayan Pinakamahusay Mahusay Kailangan pang Iskor
(5) (3) Paunlarin
(2)
Nilalaman Napakalinaw ang Malinaw ang ideyang Malabo ang ideyang
ideyang inilahad inilahad tungkol sa inilahad tungkol sa
tungkol sa mabisang mabisang sangkap ng mabisang sangkap ng
sangkap ng epektibong epektibong
epektibong komunikasyon sa komunikasyon sa
komunikasyon sa pamilya at banta o pamilya at banta o
pamilya at banta o hamon sa hamon sa
hamon sa komunikasyon ng komunikasyon ng
komunikasyon ng pamilya sa modernong pamilya sa modernong
pamilya sa modernong panahon. panahon.
panahon.

Wastong gamit Angkop ang mga May iilang hindi angkop Hindi angkop at
ng salita at salita at pariralang na salita at pariralang maraming mali na
parirala na ginamit. ginamit sa paglalahad. mga salita at
naayon sa pariralang ginamit sa
sitwasyon paglalahad.
Gawain 2.
Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan tungkol sa bunga ng kawalan/kakulangan
ng dayalogo ng pamilya. Suriin ang isinulat kong sagot at pagkatapos isulat MO sa
sunod na linya ang inyong sagot.

Hindi pagkakaunawaan______
Bunga ng kawalan /
kakulangan ng dyalogo _______________________________
sa pamilya.
_______________________________
_______________________________

Isaisip
Isaisip natin na ang pamilyang may maayos na komunikasyon ay
namumuhay nang may paggalang, pagmamahalan at higit sa lahat may
pagkakaisa na harapin ang anumang hamon na dumarating sa buhay. Hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya ngunit
kung bukas ang komunikasyon sa isa’t isa malaki ang pag-asang maisaayos
ang lahat ng gusot. Kaya bilang kabataang kagaya mo huwag hayaang lunurin
ka ng anumang banta sa komunikasyon. Panatilihing may diyalogo nang sa
gayon mapag-usapan ang lahat ng bagay na ikauunlad at ikatatatag ng
pamilya.
Gawain

9
Panuto: Gamit ang I-tweet Organizer sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan. Sundan mo ang ginawa ko.

I-TWEET MO!
@ Ano ang diyalogo?

Sagot ng guro: Ang diyalogo ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon
ng ugnayan. Ito ang tumutulong sa atin para maibahagi natin ang mga bagay- bagay o
kaalaman na gusto nating iparating sa ating kapwa.

1. @ Paano mapatatatag ang komunikasyon sa pamilya?

2. @ Paano nagiging sanhi ng mga suliranin sa komunikasyon at ugnayan sa pamilya ang labis
na pagiging materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa pansariling kapakanan bago
ang pamilya? Ipaliwanag

3. @ P aano malulutas ng diyalogo ang mga suliranin sa komunikasyon at ugnayan ng pamilya?

Rubriks para sa I-Tweet Organizer


Batayan Pinakamahusay Mahusay Kailangan pang Iskor
(5) (3) Paunlarin
(2)
Nilalaman Napakahusay at May ideya ngunit hindi Malabo ang ideya at
malinaw ang ideya masyadong malinaw hindi naaayon sa
tungkol sa konsepto batay sa konsepto ng paksa batay sa
ng komunikasyon sa komunikasyon sa konsepto ng
pagpapatatag ng pagpapatatag ng komunikasyon sa
pamilya pamilya pagpapatatag ng
pamilya

Isagawa
Wastong gamit Walang mali sa May 1-2 mali sa May 2-4 mali sa
ng salita, paggamit ng mga paggamit ng salita, paggamit ng salita,
pangungusap, salita, pangungusap pangungusap at bantas pangungusap at
at bantas at bantas bantas

Ngayon naman, palawakin pa natin ang kaalaman sa pagsagot sa mga gawain.


Gawain 1.

10
Panuto : Gamit ang istratehiyang SAG (Sketch Appropriate Graphics) Sanhi at
Bunga. Ibigay MO ang magiging BUNGA kung mapanatiling bukas sa
komunikasyon ang isang pamilya.Isulat ang iyong sagot sa fishbone.

Pagiging bukas sa
komunikasyon ng
pamilya

Rubriks sa Fishbone- Sanhi at Bunga


Batayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang Iskor
(5) (3) paunlarin
(2)
Organisasyon Angkop at wasto ang Di- gaanong angkop at Malayo sa hinihinging
ng mga Ideya ibinigay na ideya wasto ang ibinigay na impormasyon
ideya

Gawain 2.
Panuto : Suriin ang sitwasyon at larawan. Ibigay ang magiging tugon mo ukol dito.

Madalas mong nakikita ang pagkabalisa ng iyong ina. Ni ayaw


kumain sa oras ng kainan. Napapansin mo ring gabi na kung umuwi ang
iyong ama. Naririnig mo rin ang palaging pagbubuntung-hininga nito.

Isang gabi, narinig mo ang paghikbi ng iyong ina na


nakapabulahaw sa buong sambahayan. Napagtanto mong may malaking
suliranin silang kinakaharap.

• Ano ang gagawin mo?


• Paano mo maipapakita ang papel mo bilang kasapi ng pamilya?

Batay sa iyong nakitang larawan at binasang sitwasyon, ano ang iyong


magiging tugon sa mga tanong ukol dito? Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Rubriks sa Pagsuri ng Larawan at Sitwasyon

Batayan Pinakamahusay Mahusay Kailangan pang Iskor


(5) (3) Paunlarin
(2)
Organisasyon Napakahusay na Mahusay na nailahad May kahinaan sa
ng mga Ideya nailahad ang ideya ang ideya ngunit may paglalahad ng ideya
batay sa sitwasyon konting kulang batay sa sitwasyon

Wastong gamit ng Angkop ang mga May iilang hindi Hindi angkop at
salita at salita at angkop na salita at maraming mali na

11
pangungusap pangungusap na pangungusap na mga salita at
ayon sa ginamit sa ginamit sa paglalahad. pangungusap na
sitwasyon paglalahad . ginamit sa paglalahad.

Gawain 3
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga impormasyong kinakailangan. Sundan
ninyo ang ginawa KO.

TSART NG PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA KOMUNIKASYON

Mga Paraan Upang Mga sitwasyon kung Petsa Mga naging Mga natuklasan sa
Mapabuti ang saan nagamit ito epekto o sarili
Komunikasyon resulta nito

Halimbawa: Kaarawan ni Nanay. November Nasiyahan ang Kaya ko palang


Mapanlikha o malikhain Pagkakataon ko na 14, aking nanay at magsakripisyo upang
(creativity) upang maipadama ang 2019 lalo kaming makaipon.
aking pasasalamat sa naging malapit
Hal. Pagbibigay ng ginagawa niyang pag- sa isa’t isa. Kaya ko palang
malikhaing regalo o card aaruga sa amin ng aking maging
(sagot ng guro) mga kapatid at ipabatid mas malapit pa sa
na siya’y mahal ko. aking
Nanay
Pagiging mapanlikha o
malikhain
(creativity)
Pag-aalala at Malasakit
(care and concern)

Pagiging hayag o bukas(


cooperativeness/opennes
s)
Atin-atin
(Personal)
Lugod o Ligaya

Rubriks sa Tsart ng Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Komunikasyon

Batayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang Iskor


(5) (3) paunlarin
(2)
Nilalaman Malinaw at detalyado Malinaw subalit may Hindi malinaw at
ang impormasyong kulang ang may kalabuan ang
ibinigay impormasyong detalyeng ibinigay
ibinigay

Paglalahad ng Lahat ng pamantayan Di-gaanong Hindi nasunod ang


kaisipan at ay nagagamit nagagamit ang mga pamantayan
wastong gamit pamantayan
ng mga salita at
baybay

12
Ngayon naman samahan ninyo akong palawakin pa ang inyong kaalaman at
kasanayan sa araling ito. Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong batay sa
antas ng inyong pang-unawa.

a. Anong panuntunan ng buhay ang natutunan mo sa pagsagot sa tsart?

b. Bakit mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagpapaunlad ng


komunikasyon?

Bukod- tangi ka sa lahat ng nilalang na ginawa ng Diyos. Taglay mo ang


matalinong pag-iisip na wala sa iba Niyang nilikha. Talagang napakapalad mo
sapagkat magagawa mong makontrol ang anumang bagay na kaya mong gawin.
Nasisiguro kong busog at puno ka ng kaalamang tutulong sa iyo na gampanan ang
pagiging responsableng anak.
Inaasahan sa pamamagitan ng modyul na ito, nalinang ang iyong kaalaman at
kakayahan sa mga uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilya.
Napahalagahan ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga
anak na nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa kapwa. Ang
pagiging sensitibo sa pasalita, di- pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay
nagpapaunlad ng pakikipagkapwa. Nawa’y babaunin at isasabuhay ang mga aral na
napulot sa modyul na ito.
Mabuhay ka!

Tayahin

Panapos na Pagtataya (Post Test)


A. Panuto: Ibigay ang iyong panghihinuha sa sumusunod na pahayag o sitwasyon
na naaayon sa Batayang Konsepto ng Komunikasyon sa pamilya. Isulat ang
salitang ANGKOP kung tama ang pahayag at TALIWAS naman kung mali. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.
_____1. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng
pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at pagmamalasakit
sa isa’t isa.
_____2. Ang magulang lamang ang dapat pakikinggan sa loob ng tahanan.
_____3. Ang paglalayo ng loob ng isa’t isa sa pamilya ay nangangahulugan ng
katiwasayan at katahimikan.
_____4. Kailangang pairalin ang paggalang at pagmamahal upang lalong tumibay
ang samahan ng pamilya.

_____ 5. “ Bakit kailangan nating sumigaw gayong ang ating kausap ay


nasa tabi lang natin.”Nangangahulugan na ang nagsasalita ay
galit at malayo ang puso sa kausap.

13
B. Panuto : Gumawa ng Blog sa inyong Facebook account (sa may Facebook) o
sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng tatlong (3) talata tungkol sa iyong
mga karanasan na nagpapakita ng mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at
pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya. Layunin nitong maibahagi sa iyong
mga kaibigan, kaklase at sa lahat upang maging inspirasyon ito para paunlarin
ang kanilang komunikasyon sa pamilya.

C. Narito ang halimbawa ng Blog

Rubrik sa
Pagtataya
ng Blog/Sanaysay

Batayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang


10 puntos 8puntos paunlarin
6puntos
Nilalaman Malinaw at kompleto ang Malinaw subalit may Hindi gaanong malinaw
impormasyong hinihingi kakulangan sa mga ang impormasyong
impormasyong hinihingi ibinigay

Paglalahad ng Lahat ng pamantayan ay Dalawa lamang sa mga Isa lamang sa mga


mga kaisipan nagagamit sa pagsulat ng pamantayan ang pamantayan ang
-Maayos ang blog/ sanaysay nagagamit sa pagsulat ng nagagamit sa kabuuan ng
pagkakasunod blog blog/sanaysay
-sunod ng /sanaysay
mga ideya
-Angkop ang
mga salitang
ginamit

Kabuuang
Puntos

14
Karagdagang Gawain

Matapos mong mapagtagumpayang sagutan ang modyul 3, narito ang


karagdagang gawain sa araling ito.

A. Magtala ng limang (5) angkop na kilos sa iyong kwaderno na nakikita mong


nagpapatatag ng samahan ng inyong pamilya.

15
Susi sa Pagwawasto

16
Mga Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=copyleft+2+uri+ng+komunikasyon&tbm=isch&sou
rce=iu&ictx=1&fir=UxfTqgGPbhnuKM%253A%252C4kgD5QnnMS_YZM%252C_&vet=1
&usg=AI4_-kQsfWeFeLVwgdptaH8Oj9AXiwLFxw&sa=X&ved=2ahUKEwiV3aT-
jPjpAhWl3mEKHVfzBTgQ9QEwAnoECAoQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=qAnTK_C93
mJU_M&imgdii=iJppuImNydmgdM

ESP 8 Modyul ng mga mag-aaral

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon.
Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN

Learning Resource Management System (LRMDS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like