You are on page 1of 27

4

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto at
Pagsulat ng Panuto Gamit ang
Dayagram
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Cecilia C. Cruz


Co-Author - Content Editor : Aurelia L. Garcia
Co-Author - Language Reviewer : Ma. Josefina D. Navarro
Co-Author - Illustrator : Leiza Camille B. Pornasdoro
Co-Author - Layout Artist : Cecilia C. Cruz

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Samal : Jeolfa G. Reyes, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Rodrigo S. Panlaque Jr.
Teacher District LRMDS Coordinator : Omar S. Manalansan
District SLM Content Editor : Jeolfa G. Reyes, EdD
District SLM Language Reviewer : Jeolfa G. Reyes, EdD
District SLM Book Designer : Omar S. Manalansan

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto
at
Pagsulat ng Panuto Gamit ang
Dayagram
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Filipino – Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Nakasusunod sa Nakasulat na Panuto at
Nakasusulat ng Panuto Gamit ang Dayagram
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ikaapat na Baitang
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Nakasusunod sa Nakasulat na Panuto, at Nakasusulat ng Panuto
Gamit ang Dayagram
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan


kang matutuhang makasunod sa nakasulat na panuto at
makasulat ng panuto gamit ang dayagram.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakasasunod sa nakasulat sa panuto (F4PB-Iii-h-2.1)
2. Nakasusulat ng panuto gamit ang dayagram (F4PU-IIF-2)
Subukin

A. Basahin ang mga sumusunod na panutong nakasulat at


maayos na sundin.

1. Ngumiti.

2. Sabihin ang iyong pangalan.

3. Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng bituin sa loob


nito.

4. Gumawa ng isang malaking kahon.Gumuhit ng maliit na


kahon sa kanan nito.

5. Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais mong


maging paglaki mo.

B. Sumulat ng tatlong panuto na may kinalaman sa


pangangalaga sa karagatan.

Panuto.

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
Nakasusunod sa nakasulat
Aralin
na panuto.
1 Nakakasulat nang panuto
gamit ang dayagram.

Napakahalagang bagay ang matutunan ng sinuman ang


pagsunod sa panuto o direksyon. Bakit? Dahil ito ang magsisilbi
nating gabay upang masabi natin na tama ang ating ginawa.

Sa modyul na ito ay matututunan ninyo ang mga sumusunod :

• Pagsunod sa nakasulat na panuto.

• Nakakasulat ng panuto gamit ang dayagram.


PANUTO - ay ang mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na
gawain.

Maaaring pabigkas o nakasulat ang panuto.

Makatutulong sa maayos , mabilis at wastong pagsasagawa ang


pagsunod sa ibinigay na panuto.

Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto kung paano


gagawin ang utos.
Sinusunod ang mga napakinggang panuto upang magawa at
makasulat ng mga gawain nang wasto at maayos.

Halimbawa:

➢ Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib


habang inaawit ang “Lupang Hinirang.”
➢ Itaas ang kanang kamay habang binibigkas ang “Panatang
Makabayan”.
➢ Gumuhit ng parisukat at isulat ang pangalan ng iyong
matalik na kaibigan.
Balikan

Natatandaan mo pa ba ang inyong aralin tungkol sa panuto


noong ikaw ay nasa ikatlong baitang pa?

Basahin ang mga nakasulat na panuto at gawin ito:


1.Gumuhit nang bilog . Sa loob nito, isulat ang iyong
pangalan.

2.Sa kaliwa ng bilog , Sabihin ang pangalan ng iyong paaralan.

3.Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito ang


isang utos na sinunod mo sa bahay.

4.Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito


ang isang bagay na ayaw mong gawin.

5. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang


“masunurin”.
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-
aaral upang matulungan silang makasunod sa
nakasusulat na panuto, makasulat ng panuto gamit
ang dayagram .
Tuklasin

May mga ipinapagawa si Bb. Lopez sa kanyang mga mag-aaral.


Basahin ang ilan sa mga ito.

1. Kumuha kayo ng isang malinis na


papel.
2. Isulat ang inyong pangalan sa
unang guhit sa dakong kaliwa ng
inyong papel.
3. Isulat ang petsa ngayon sa
kanang bahagi nito
4. Isipin ang paborito mong awit.
Gumuhit ng larawan tungkol dito.
5. Ikaw ba ay lalaki o babae? Kung
ikaw ay lalaki gumuhit ng bola at
lagyan ng tsek . Kung ikaw ay
babae gumuhit ng manika at
lagyan ng kahon. ito.angmanika.
6.
7.
Tignan ang larawan. Narito ang ilang halimbawa ng panuto na
may kinalaman sa pangangalaga sa ating kapaligitran.

➢ Bawal magkalat.
➢ Itapon ang basura sa tamang
lagayan.
➢ Bawal pumitas ng bulaklak.
➢ Oras ng Pagtatapon ng
Basura: 6:00 ng umaga.
Suriin

Ano ang napansin ninyo sa mga pangungusap?

Ano ang mga sinabi ni Gng.Lopez sa kanyang mga mag-aaral na


gawin nila?

Ano ang tawag sa mga sinabi ninyo?

Ang inyong mga binasa ay halimbawa ng mga panuto.

Bakit kailangan
sundin ang ibinigay
Kailan
na mga panuto?
ginagamit ang
panuto?

Makakatulong sa
maayos,mabilis
at wastong
pagsasagawa ng
gawain ang
pagsunod ng
tama sa binigay
na panuto

Ano ang mga dapat natin tandaan sa pag-sulat ng panuto?


Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Panuto:

Basahin munang mabuti ang nakasulat na panuto at unawaing


mabuti.

Kasabay na sinasabi ng panuto ang pag-uutos kung paano ito


gagawin.

Sundin ang sinabi ng panuto upang magawa natin ito ng tama.

Sinusunod natin ang mga nakasulat na panuto upang magawa


natin ang mga gawain ng wasto at maayos.
Pagyamanin

Basahin ang mga pangungusap . Alin-alin ang Panuto? Gawin at


sundin ang mga ito.

1. Piliin ang titik ng tamang sagot.

2. Masayang naglalaro ang mga magkakaibigan habang sila ay


nasa tabi ng dalampasigan.

3. Basahin ang kuwento sa mga pahina 65-68. Sagutin ang mga


tanong na makikita dito.

4. Gumuhit ng isang malaking bilog at ilagay sa loob nito ang


tatlong bituin.

5. Magkasabay silang pumasok sa paaralan.

6. Lagyan ng / (tsek) kung tama ang isinasaad ng pangungusap ,


lagyan ng X (ekis) kung mali.

7. Nanood sila ng palabas sa plasa.

8. Naglaro ang magkakaibigan ng taguan.

9. Kunin mo ang iyong module sa Filipino at basahin ito.

10. Maaga silang pumunta sa gaganaping kaarawan ng kanyang


kaibigan.
Isaisip

Kumpletuhin ang pangungusap.

Sa aralin ngayon ay natutuhan ko na kailangang unawaing


mabuti o sundin nang maayos at nang tama ang pagsasagawa
sa ibinigay na ____________.
Isagawa

Gawin ang nakasulat na mga panuto.

1.Gumuhit ng isang parihaba.Sa loob nito isulat ang nais mong


maging paglaki.

2.Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito isulat ang iyong pangarap.

3.Isulat at guhitan ng dalawang beses ang gagawin mo upang


matupad ang iyong mga pangarap.
Tayahin

Sumulat ng limang halimbawa ng nga panuto.

1.

2.

3.

4.

5.

Sumulat ng halimbawa ng panuto na may kinalaman sa


pangangalaga sa ating Inang Kalikasan.
Karagdagang Gawain

Sumulat nang limang halimbawa ng mga panuto.

Sumulat nang halimbawa ng mga panuto na may kinalaman sa


pangangalaga sa ating kagubatan.
RUBRIKS SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON

SCALE INDICATORS
PAMANTAYAN 3 2 1
LUBHANG MAGALING MAGALING MAGSANAY PA

TEMA Angkop sa tema May ilang bahagi Hindi angkop


ang pagsulat ang hindi angkop ang tema sa
ang tema sa pagsulat
pagsulat
KAAYUSAN
Maayos ang May ilang bahagi Hindi
pagkakasulat ang hindi maintindihan
maintindihan ang ang
pagkakasulat pagkakasulat

PAGSUNOD SA
PANUTO Nakasunod nang Mai ilang bagay Hindi
tama sa panuto ang hindi akma sa nakasunod nang
pagsunod sa maayos sa
panuto. panuto.

INTERPRETASYON
3 - Lubhang Magaling
2 - Magaling
1 - Magsanay Pa
Susi sa Pagwawasto

Subukin: A.1.-2
saariling kasagutan

3.
4. Balikan: Pagyamanin:
Suriin:
- depende sa sagot Bilang 1,3,4,6,9
. - depende sa
ng bata sagot ng bata
5. sariling 3#bbbi
kasagutan

B.sariling
kasagutan

Karagdagang
Isagawa Tayahin:
Gawain:

- depende sa sagot ng - depende sa sagot


- depende sa
bata ng bata
sagot ng bata
Sanggunian
DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Filipino

DepEd (2013). Filipino 3. Patnubay ng Guro (Tagalog). First Edition.

DepEd (2014). Filipino 3 . Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino. First


Edition
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like