You are on page 1of 7

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Linggo

Aralin 1 Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Pormal na


Pagpupulong

MELC: Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang


pagpupulong (pormal at di pormal), katitikan (minutes) ng
pagpupulong (F4PN -IVd - g -3.3 F4PB -IVg - j -100)

: Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon batay sa


napakinggang pagpupulong (pormal at di -pormal)
(F4PS -IVf - g – 1)

: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong


(F4WG -IVc - g -13.3)

: Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong (F4PU -IVg -2.3)

Susing Konsepto

 Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao
ay nagtitipon sa isang lugar at takdang oras upang mag-usap tungkol
sa mga bagay o gumawa ng pasiya tungkol sa mga bagay-bagay.
 May mga angkop na pananalita o pahayag na ginagamit para ang
pamamahala ng pagpupulong ay maging maayos, mahusay at
produktibo.
 Ang mga pormal na pananalita o pahayag na ginagamit sa
pagpupulong ay maaaring gawaing simple subalit hindi naman
nababago ang kahulugan nito.
 Sa pormal na pagpupulong tulad ng miting sa barangay o pagtitipon
ng mga guro at magulang sa paaralan, may mga angkop na
pananalitang ginagamit.
 Sa mga pagpupulong, hindi naman kailangan na maging masyadong
pormal ang mga pananalita o pahayag. Ang mahalaga ay gumagamit
ka ng mga pananalitang angkop, at kailangang ang mga ito’y
magalang at simple lang upang madali kang maintindihan ng mga
taong kasama mo sa pagpupulong.
Susing Konsepto

 May apat na uri ng pangungusap na maaring gamitin sa mga


pagpupulong.
1.Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagkukuwento tungkol
sa isa o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.)
2.Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos
ito sa tandang pananong (?).
3.Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang
tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o
salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
4.Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o
nagpapakita ng damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

Gawain 1
Panuto: Basahin ang isang pagpupulong at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Ang mga opisyales ng IT Savings at Loan Cooperative ay


nagpupulong. May dalawang aytem sa kanilang talaan ng pag-
uusapan. Ang una ay ang pagbaba ng patubo at ang pangalawa ay
ang aprobahan ang bagong logo.

G. Reyes: Magandang hapon. Gng. Mendez.

Gng Mendez: Magandang hapon, din. G.Reyes. At magandang hapon


din sa iyo, G.Lopez.

G. Lopez: Magandang hapon, Gng.Mendez. Hello, Art.

G. Reyes: Kamusta, Rolly. Dadalo ka rin ba sa ating pulong?

G. Lopez: Oo, sige, tayo na sa loob.

Gng. Reyes: Mabuti pa nga. Sana makatapos tayo nang maaga. May
darating kasi akong mga kamag-anak galing sa probinsya
at gusto kong maka-uwi bago sila dumating.

G. Tagapangulo: Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong.


May kurom ba tayo, Bb. Sekretarya?

Bb. Sekretarya: Oo, may kurom tayo, G. Tagapangulo. Sampu sa


labindalawang opisyales ng ating kooperatiba ay naririto
ngayon.

G. Reyes: Salamat sa inyong pagdalo. Bb. Sekretarya, maaari mo


bang basahin ang katitikan ng nakaraan nating pulong?
G. Lopez: G. Tagapangulo….

G. Tagapangulo: Ano iyon G. Lopez?

G. Lopez: Iminumungkahi ko na hindi na kailangang basahin pa


ang katitikan ng nakaraan nating pulong. Kakaunti lang
ang oras natin ngayon at marami tayong mga mahalagang
bagay na dapat pag-usapan.

G. Reyes: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.

G. Tagapangulo: Kung ganoon, hindi na natin ipababasa ang katitikan ng


nakaraan nating pulong. Bb. Sekretary, maaari mo nang
basahin ang dalawang aytem sa ating talaan ng pag-
uusapan ngayon.
May dalawang aytem na kailangang talakayin natin. Ang
una, ay tungkol sa mga paki-usap ng ilan sa ating mga
myembro ng kooperatiba na babaan ang patubo na
ipinapatong sa ating pautang. Ang pangalawa, ang
bagong logo ng ating kooperatiba ay handa na at
kailangang maaprobahan ngayon.

G. Ramirez: Maaari ba nating matanong sa ating taga-ingat-yaman


ang tungkol sa mga kahilingan ng ating mga myembro na
babaan ang patubo ng pautang.

Gng. Valdez: Ang ilan sa ating mga miyembro ay lumapit sa akin


tungkol sa patubo ng ating pautang. Hinihiling nila na
kung maaari ay babaan ng kooperatiba ang patubo sa
regular na pautang mula sa 13% pababa sa 10%.
Sinasabi nila na ang kasalukuyang patubo ay masyadong
mataas para sa karamihan nating mga myembro.

G. Tagapangulo: Gusto mo bang talakayin natin ang bagay na ito, G.


Ortiz? Nagtataas ka ng iyong kamay.

G. Ortiz: Kung ipahihintulot ninyo, G. Tagapangulo.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang pagpupulong.?
2. Ano-ano ang kanilang nakahanay na pag-uusapan?
3. Sino-sino ang mga dumalo sa pulong. Isulat ang sagot sa anyong
pangungusap?
4. Naging maayos ba ang daloy ng kanilang pagpupulong?
5. Ano-anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagpupulong?
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang katanungan. Anong uri ng
pangungusap ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. “Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong. May kurom
ba tayo, Bb. Sekretarya?”Anong uri ng mga pangungusap ang mga
ito?
A. Pasalaysay at patanong
B. Pautos at pasalaysay
C. Pasalaysay at padamdam
D. Pautos at patanong

2. May dalawang aytem na kailangang talakayin natin. Ang una, ay


tungkol sa mga pakiusap ng ilan sa ating mga myembro ng
kooperatiba na babaan ang patubo na ipinapatong sa ating pautang.
Ang pangalawa, ang bagong logo ng ating kooperatiba ay handa na at
kailangang maaprobahan ngayon. Ang mga sumusunod ay
pangugusap na__________________________.
A. Padamdam
B. Pasalaysay o paturol
C. Patanong
D. Pautos o Pakiusap

3. Salamat sa inyong pagdalo. Bb. Sekretary, maaari mo bang basahin


ang katitikan ng nakaraan nating pulong? Ang pahayag na may
salungguhit ay halimbawa ng pangungusap na _______________.
A. Padamdam
B. Pakiusap
C. Pasalaysay
D. Patanong

4. Kamusta, Rolly. Dadalo ka rin ba sa ating pulong? Ang pangungusap


na ito ay ___________________________.
A. Padamdam
B. Pakiusap
C. Pasalaysay
D. Patanong

5. Mabuti pa nga. Sana makatapos tayo nang maaga. May darating kasi
akong mga kamag-anak galing sa probinsya at gusto kong maka-uwi
bago sila dumating. Ang pahayag na ito ay _________________
A. Padamdam
B. Pakiusap
C. Pasalaysay
D. Patanong
Gawain 3
Panuto: Ihayag ang sariling opinyon o reaskyon sa napakinggang
pagpupulong na nasa Gawain 1.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Bumuo ng isang maikling pagpupulong gamit ang mga uri ng
pangungusap.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG PAGPUPULONG


5 4 3 2 1
NILALAMAN
 Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
 wastong gamit ng mga salita/ pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
 pagkakaugnay ng mga idea

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.
 Ano ang pagpupulong?
 Ano-anong mga uri ng pangungusap ang gingamit sa isang
pagpupulong?
 Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pangungusap sa
pagpupulong?
 Ano-ano ang mga halimbawa ng pormal na pagpupulon?

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Pagbaba ng patubo at pag-aproba sa logo
2. Kahilingan ng mga miyembro sa mababang patubo sa utang at pag-
aproba sa logo
3. G. Tagapangulo, G. Ortiz, Gng. Valdez, G. ramirez
4. Opo
5. Pasalaysay,patanong,padamdam,pautos

Gawain 2
1. A
2. B
3. D
4. D
5. C

Gawain 3 at 4
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Komunikasyon 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/angkop_na_pah
ayag_sa_mga_pulong_at_panayam.pdf

Inihanda ni:

Mishelle A. Garcia, Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Ginalyn O. Gante, Dalubguro I

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

You might also like