You are on page 1of 20

Ikatlong Markahan

Aralin 1 - Paglakas ng Europa


NATIONAL
MERKANTILISMO MANORYALISMO
MONARCHY

PAGLAKAS NG
KRUSADA REPORMASYON
EUROPA

SIMBAHANG
BOURGEOISIE RENAISSANCE
KATOLIKO

PILIIN ANG MGA SALITANG MAY KINALAMAN SA KAHON NA NASA GITNA


tekhnologic
PAGLAKAS NG EUROPA
BAKIT LUMAKAS ANG
EUROPA?
1. Pag-usbong ng mga bourgeoisie
2. Pagsilang ng merkantilismo
3. Pagtatatag ng National Monarchy
4. Impluwensiya ng Simbahang Katoliko
5. Pagsisimula ng Repormasyon
PAG-USBONG NG BOURGEOISIE
1. Sinu-sino ang mga itinuturing na pangkat ng
Bourgeoisie ?
2. Anu-ano ang mga katangian ng mga bourgeoisie?
3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe?
4. Sino ang mga maituturing natin na bourgeoisie sa
kasalukuyan?
PAGSILANG NG MERKANTILISMO
1. Ano ang merkantilismo?
2. Saan hinango ang ideya ng Merkantilismo?
3. Anu-ano ang mga paraan ng mga bansa noon para
madagdagan ang kanilang mga ginto?
4. Paano ito nakatulong sa paglakas ng Europa?
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
1. Paano nagbago ang katayuan ng Monarkiya?
2. Anu-ano ang mga ginawang paraan ng Hari para mas
mapalakas ang monarkiya?
3. Paano nakatulong ang pagtatatag ng National
Monarchy sa Paglakas ng Europa?
IMPLUWENSYA NG SIMBAHANG KATOLIKO
1. Paano lumakas ang impluwensya ng Simbahan?
2. Sinu-sino ang mga nassangkot sa Investiture of
Controversy?
3. Ano ang Concordat of Worms?
4. Ano ang naging Papel ng Simbahan sa Paglakas ng
Europa?
5. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng Simbahan sa
kasalukuyan? Patunayan
Gawain 9: OO o HINDI

KONSEPTO/ KAALAMAN OO HINDI


(NAUNAWAAN) (NAUNAWAAN)
1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayang kabilang sa
panggitnang uri ng lipunan.
2. Dahil sa impluwensiya ng bourgeoisie, nasimulan ang mga reporma
sa pamahalaan.
3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na
lumaganap sa Europe at naghangad ng pagkakaroon ng maraming
ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa.
4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang
hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national
monarchy.
5. Ang Simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa
imperyo noong Panahong Medieval.
PAGSASABUHAY
Gawain 14: PAGNILAYAN MO!
Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga
bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas
ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling
manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating
bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang
Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal atang
pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang
mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa
pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong
reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan.
Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong mga
tanong.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong
paniniwala ang iyong susundin; ang Simbahang Katoliko o ang sa pamahalaan?
Bakit?
2. Lumalabag ba sa moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat
gumamit ng contraceptives sa pagpaplano ng pamilya? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili ng
contraceptives? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng pamilya:
ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health
Act of 2012). Sa iyong palagay, makatutulong ba ito upang mabawasan ang
mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag.
5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis na
paglaki ng populasyon at ang hindi mabuting epekto nito?
TAKDANG-ARALIN
1. Ano ang Renaissance?
2. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance?
3. Anu-ano ang mga salik sa pag-usbong ng
Renaissance?

You might also like