You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa
Pamumuhay ng mga Asyano

1
Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Implikasyon ng Pisikal na Kapaligiran sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-isip sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabras sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Division of Misamis Occidental


Schools Division Superintendent: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Cristine R. Colina Girlie C. Estur Mary Grace Q. Nazareno
Lakambini N. Sisi Precymar M. Manliguez Eza E. Paguya

Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor


Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy
Evaluator: Vilma H. Hisola

Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan,EdD,
CID Chief

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

2
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman
sa pamumuhay ng mga Asyano

3
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita ----------------- i


Icons ng Modyul - - - - - - - - - -- - - - - - - - i-ii
Pangkalahatang Panuto - - - - - - - - - - - - - - - -- ii
Alamin ---------------- 1
Subukin - - - - - - -- -- - - - - - - - - 2
Gawain 1: Sagot -Talolot ----------------- 2

Aralin ----------------- 3
Balikan ----------------- 3
Tuklasin ----------------- 4
Gawain 2: Math-Talino ---------------- 4-5
Suriin ------------------- 6
Gawain 3: Pic-Obserbasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Pagyamanin ------------------- 7
Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon - - - - - - - - - - - - 7
Isaisip ------------------ 8
Isagawa ------------------ 9
Gawain 5: Bigay-Output - - - - - - - - - - - -- - - - - - - 9
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - -- - - 10
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - -- - 11
Susi sa Pagwawasto - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13

4
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 1 ukol sa Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga
Asyano.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

i
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong Gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong is

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay nilikha at isinulat alang alang sa kapakanan ng tulad


mong mag-aaral. Layunin nito ay mas mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol
sa mga likas na yaman at ang mahalagang papel na ginagampanan nito sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon. Laman ng modyul na ito ang iba,t
ibang gawain at impormasyon upang mabigyan din ng pansin ang magka ibang
antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Tatalakayin sa modyul na ito ang epekto ng mga likas na yaman sa


pamumuhay ng mga tao. Lalung-lalo na sa mga pagbabagong dala nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Naipamamalas mo ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
2. Nasusuri mo ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon.
3. Napapahalagahan mo ang mga likas na yamang nagdulot ng pagbabago
sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
4. Nakapagbibigay ka ng halimbawa ng pagbabago sa pamumuhay ng mga
Asyano sa pamamagitan ng paglinang ng mga likas na yaman.

1
Subukin

Gawain 1: Sagot-Talolot
Panuto: Punan mo ang mga blangkong kahon ayon sa hiningi nito. Pumili ka ng
angkop na sagot sa loob ng mga talolot ng bulaklak.

Tapos na Produkto Hilaw na Uri ng Likas na


(End Product) Materyales Yaman
1. Ginto 2.
3. 4. Yamang Tubig
Kabinet 5. Yamang Gubat
Tela 6. 7.
8. Seaweeds(guso) 9.
10. Fossils 11.
Tsokolate 12. 13.
14. Iron Ore 15.

troso
palanggana

Steel alahas

bulak Yamang Tubig

Yamang mineral langis

cacao
Yamang
Gubat Yamang lupa

Figure 1 Linapatchwork.com

2
Aralin Implikasyon ng Likas na Yaman
sa pamumuhay ng mga Asyano

Balikan

Bago mo simulan ang paglinang sa isang panibagong kaalaman, alalahanin


muna ang ilang importanteng impormasyon na maaring may kaugnayan sa
paksa.

Sagutin mo ang tanong: Ano ang apat(4) na uri ng Likas na Yaman? Magbigay
ng tig-iisang halimbawa.

Uri ng Likas na Yaman Halimbawa

1.

2.

3.

4.

3
Tuklasin

Gawain 2: Math-Talino!
Panuto: Sagutan ang matematikong katanungan at isulat ang katumbas na letra
sa alpabeto upang mabuo ang parirala na nasa ibaba.

4+5=? M 32 ÷2=? L I 22-11=? A S Y 45 ÷3=? N

18+7=? A M 1 x 1 x 1 =? N
ng Likas na sa pamumuhay ng mga

A 25-6=? Y A 24 ÷ 2=? O
noon at ngayon.

Implikasyon ng mga Likas na Yaman


Mayroong malaking implikasyon(epekto) ang mga likas na yaman na taglay ng
mga bansang Asyano. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa iba’t ibang aspeto
ng pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
Agrikultura
Malaking bahagi ng lupain sa Asya ay nakalaan para sa Agrikultura, mula sa
tradisyonal na paraan ng pagtatanim at pag-aani, ang paggamit ng mga
makabagong teknolohiya ang nagpabilis at mas nagpadami sa produksyon ng
palay, mais, gulay, atbp. Malaking tulong ito upang matugunan ang mga
importanteng pangangailan ng tao lalung-lalo na sa pagkain. Bukod pa diyan,
nakapagluluwas din ito ng maraming produkto sa ibang panig ng mundo.

4
Ekonomiya
Hindi maitatanggi na sagana ang Asya sa mga hilaw na materyales na
ginagawang sangkap para makabuo ng mga produkto. Sa katunayan, ang mga
mauunlad na bansa sa Europa at Amerika ay sa Asya umaangkat ng mga
materyales para eproseso sa kanilang mga pagawaan. Sa paraang ito ay
tumataas ang pambansang kita. Ang paglinang ng mga Asyano sa mga likas na
yaman gamit ang tradisyonal at makabagong teknolohiya ay nagbigay daan para
mas mapabuti ang pamumuhay ng mga tao. Kasabay ng pag unlad ng ekonomiya
ay pagkasira at pagka ubos ng likas na mga biyaya.

Panahanan
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay sinabayan ng pagdami ng tao. Karamihan sa
mga likas na yamang taglay ng ating kapaligiran ay hindi madaling napapalitan.
Isa sa mga halimbawa ay mga puno na umaabot ng maraming taon para muling
mapakinabangan. Ang paggamit ng makabagong kaalaman para baguhin ang
natural na kapaligiran ang ginawa ngayon ng mga tao na nagdudulot naman
pagkawala sa balanse ng ekolohiya.

5
Suriin

Gawain 3: Pic-Obserbasyon

Panuto: Base sa larawang iyong nakikita isulat mo ang iyong obserbasyon sa


mga pagbabago o transpormasyon sa kapaligiran at mga produkto. Ipaliwanag
kung paano ito nangyari at ano ang implikasyon nito sa pamumuhay?
Figure 3
Figure 2

Pagbabago

https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-
clipart-free-library-man-driving/
https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart

Figure 4 Figure 5

Pagbabago

https://www.pngguru.com/search?png=mailbox
https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-
phones-responsive-web-desig-997700/
Figure 6
Figure 7

Pagbabago

https://www.dreamstime.com/illustration/rice- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-
paddy-plant.html farm-equipment-combine-harvester-landwirtschaft/

Krayteriya sa pagbibigay ng puntos sa iyong sagot


Nilalaman ----10
Organisasyon--5
Orihinalidad ---5
Kabuuan ------20

6
Pagyamanin

Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon

Panuto: Para mas lalo mong mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa mga
pagbabagong hatid ng paglinang sa mga likas na yaman sa iyong kapaligiran, punan mo
ang mga blangko sa bawat kolum. Maaring ito ay pangyayari, produkto o kagamitan ng
mga Asyano noon o ngayon. Gamitin mo ang mga pahiwatig sa bawat numero.
Pahiwatig:
1. Kagamitan sa pagsasaing.
2. Ginagamit na sasakyan.
3. Paraan para makakita o para may mabigay na pagkain sa pamilya.
4. Paraan ng pagbayad sa pinamili.
5. Anyo ng bahay.
6. Paraan ng komunikasyon.
7. Makabagong paraan sa pagkalap ng impormasyon.
8. Paraan ng pagpreserba sa pagkain.
9. Lugar kung saan kalimitang naliligo.
10. Pinagkukunan ng tubig na maiinom

7
Isaisip

Kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga bagay na nasa iyong paligid ay


marami kang makikitang ebidensya ng mahahalagang implikasyon ng mga likas
na yaman sa iyong pang araw-araw na buhay. Halimbawa ay ang mga produkto,
gamit at pagkain. Ang mga ito ay dumaan sa mga prosesong simple at yung iba
ay sa pabrika o pagawaan pa nagmula.

Mayroong maraming paraan ng pagproseso ng mga produkto. Ilan sa mga


ito ay ang tinatawag na canning, fermentation at freezing. Isinasagawa ang
paraang ito para gawing tapos na produkto ang mga hilaw na materyales. Hindi
pa rin naman nawawala ang mga tradisyonal na paraan ng pagproseso sa mga
pagkain para maiwasan ang mabilis na pagkabulok nito, tulad ng pagpapausok,
pagbilad sa init ng araw, at pag aasin. Sa paglipas ng panahon ay lalo pang ginamit
ng tao ang kaniyang kaalaman para malinang ang kayamanan na nasa kaniyang
pisikal na kapaligiran.

Sagutin: Isulat mo ang iyong ideya sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.

Ano ang naging epekto ng paglinang ng mga likas na yaman sa


pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sagot:
________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

8
Isagawa

Gawain 5: Bigay-Output
Panuto: Maaari mo bang kumpletuhin ang listahan na nasa ibaba? Alamin mo
ang mga tapos na produkto base sa mga hilaw na materyales na nakalista.

Hilaw na Materyales Tapos na Produkto

Halimbawa: TROSO Papel, Kabinet, Muwebles

1. Baboy 1.

2. cacao 2.

3. ginto 3.

4. isda 4.

5. seaweeds 5.

6. Kamoteng kahoy 6.

7. Silk worm 7.

8. Rubber tree 8.

9. pilak 9.

10. coal 10.

9
Tayahin

Tama o Mali: Basahin at unawain mong mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
salitang TAMA kung ang pahayag ay tama. Kung mali, ay isulat ang salitang dapat
ipalit sa salitang may salungguhit upang ito ay maging tama.
1. Ang mga produktong bulak, palay at gulay ay nagmula sa lupa.
2. Karaniwang sa mga damit na suot mo ay yari sa tela na nagmula sa
kawayan.
3. Para mas mapadali ang pagpapadala ng mga liham o mensahe ay
gumagamit ka ng envelop.
4. Ang Kotse ay isang makalumang sasakyan na ginagamit sa sinaunang
panahon.
5. Ang cacao ang nangungunang sangkap sa paggawa ng Tsokolate.
6. Ang harvester ay isang makalumang kagamitan na ginagamit para mas
mapadali ang pag-aani ng palay.
7. Nagmula sa karagatan ang mga naglalakihang troso na ginagamit sa
paggawa ng mga tulay at gusali.
8. Ginagawang sangkap sa paggawa ng mga alahas ay ang ginto.
9. Ang ginto ay nakukuha sa pamamagitan ng pagtatanim.
10. Ang mga fossils na ilang libong taon nang nakabaon sa lupa ay minimina
upang maging langis at petrolyo.
11. Ang mga sinaunang tao ay kadalasan sa sapa naliligo.
12. Sa tradisyonal na pagsasaka ay gumagamit sila ng kalabaw para mag-
araro.
13. Ang mga studyante ng modernong panahon ay gumagawa ng pananaliksik
sa internet café.
14. Canning ay ang tawag sa proseso ng paggawa ng sardinas.
15. Ang kamoteng kahoy ay pinoproseso para gawing harina.

10
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang bagay na iyong nakikita sa inyong tahanan. Isulat ang maikling
deskripsyon tungkol dito at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyong pang araw-
araw na buhay

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pagkamalikhain ----------------------- 10

Kaangkopan ng Nilalaman -------- 10

Orihinalidad ---------------------------- 5

Kabuuan ------------ 25

11
12
Pagyamanin
1. stove/ rice cooker 6. Sulat/telegram
2. kabayo/kalesa 7. Internet
3. trabaho 8. Asin/ pagpapatuyo sa araw
4. gintong barya/barter 9.banyo
5. bahay na bato 10. bukal
Subukin Isagawa Tayahin
1. alahas 1. longganisa 1. tama
2. yamang mineral 2. tsokolate 2. bulak
3. isda 3. alahas 3. email/text
4. sardinas 4. sardinas 4. kabayo/kalesa
5. torso 5. plastic 5. tama
6. bulak 6. harina 6. makabagong
7. yamang lupa 7. tela 7. kagubatan
8. palanggana 8. gulong 8. tama
9. yamang tubig 9. kubyertos 9. pagmimina
10. gasoline 10. enerhiya 10. tama
11. yamang mineral 11. tama
12. cacao 12. tama
13. yamang lupa 13. tama
14. steel/metal 14. tama
15. yamang mineral 15. tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan Modyul para sa


Mag-aaral, pp. 41-45

Mga Website

Figure 1- https://www.linapatchwork.com/product/16-petal-dresden-plate-medium.
Retrieved on May 29, 2020

Figure 2- https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart. Retrieved on May 28,


2020

Figure 3- https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-clipart-free-
library-man-driving. Retrieved on May 29, 2020

Figure 4- https://www.pngguru.com/search?png=mailbox. Retrieved on May 28,


2020

Figure 5- https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-phones-
responsive-web-desig-997700. retrieved on May 29, 2020

Figure 6- https://www.dreamstime.com/illustration/rice-paddy-plant.html. Retrieved


on May 29, 2020

Figure 7- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-farm-
equipment-combine-harvester-landwirtschaft. Retrieved on May 29, 2020

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental

Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

You might also like