You are on page 1of 2

Cybercrime Prevention Act

Ang Batas Republika Bilang 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act ng
2012, ay isang batas na tumutukoy at nagpaparusa sa cybercrime o mga krimeng
nagaganap sa pamamagitan ng Internet upang pigilan at iwasan ang pagdami nito.
Nilalayon ng batas na ito na ganap na maiwasan at labanan ang maling paggamit,
abuso at iligal na paggamit ng internet sa pamamagitan ng pagtukoy, pagiimbestiga at pagsuplong ng kapwa sa lokal o pandaigdigang antas, at sa
pagbibigay ng maayos na usapan para sa mas mabilis at maaasahang pakikipagugnayang pandaigdigan. Para buuin at ipatupad ang isang planong kaligtasang
cyber o cyber security plan, bubuuin ang Cyber Investigation and Coordinating
Center (CICC) sa ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng Pangulo.
Ginawa ang batas na ito ng mga kinatawan sa kongreso na sina Susan Yap
(Ikalawang Distrito ng Tarlac), Eric Owen Singson, Jr. (Ikalawang Distrito ng Ilocos
Sur), Marcelino Teodoro (Unang Distrito ng Lungsod Marikina) at Juan Edgardo
Angara (Nag-iisang Distrito ng Aurora at marami pang iba
Mga pagkakasalang ikapaparusa Sa Cybercrime Prevention Act
Mga paglabag laban sa personal, integridad at paggamit ng mga sistema at
datos na nasa kompyuter
Iligal na paggamit sa buo o bahagi ng sistema ng kumpyuter nang walang
karampatang pahintulot
Iligal na pagsagap ng anumang hindi pampublikong transmisyon ng datos ng
kumpyuter mula o sa loob mismo ng kompyuter
Panghihimasok sa mga datos gaya ng pagpapalit, paninira, o pagbura ng
datos nang walang pahintulot, kasama ang pagpasok o paglipat ng virus
Panghihimasok sa sistema ng kompyuter
Cyber-squatting o ang pagkuha ng domain name sa internet para kumita,
manggulo, manira, o pigilan ang iba sa pagrerehistro ng katulad na domain
name
Paggamit ng kasangkapan sa maling intensyon
Mga paglabag na may kinalaman sa kompyuter
Pamemeke gamit ang kompyuter (pagpasok, pagpapalit o pagbura ng mga datos)
nang walang permiso na maaaring makabuo ng pekeng datos na may intensyong
ituring itong tunay kung gagamitin sa ligal na dahilan
Panloloko gamit ang kumpyuter (pagpasok, pagpapalit o pagbura ng mga datos, o
panghihimasok sa gumaganang sistema ng kompyuter) na maaaring makapgdulot
ng pagkasira nito
Pagnanakaw ng pagkatao o identity theft o pagkuha, paggamit, paglipat, pagangkin, pagpalit o pagbura sa mga impormasyong tumutukoy sa ibang tao gamit
ang kompyuter

Mga paglabag na may kinalaman sa nilalaman

Cybersex o pagkasangkot, pagpapanatili, pagkontrol o pagpapatakbo ng anumang


malaswang pagpapakita ng ari o gawaing sekswal gamit ang kompyuter
Child pornography o iligal na gawaing tinutukoy at pinarurusahan ng Batas
Republika bilang 9775, o ang Anti-child Pornography Act of 2009, gamit ang
kompyuter
Walang pahintulot na pagbibigay ng komunikasyong komersyal na nagbebenta ng
produkto o nagpapatalastas nito
Libelo o iligal na gawaing tinutukoy ng Aritkulo 355 ng Revised Penal Code Iba pa
Pagtulong o pagpapahintulot sa paggawa ng cybercrime
Pagtatangkang gumawa ng cybercrime
Pananagutan ng korporasyon
Kung mapatunayang nagkasala sa alinmang gawaing nabanggit ang taong
kumakatawan o para sa isang institusyon, mapaparusahan ang una ng multang
aabot hanggang Php 10,000,000.
Kung nagawa ang krimen dahil sa kakulangan ng isang tao para sa isang
institusyon, maaaring parusahan ang huli ng pagmumultang aabot hanggang Php
5,000,000.

You might also like