You are on page 1of 3

ETIKA SA KOMUNIKASYONG ONLINE

Cyber Law sa Pilipinas

Artikulo 2 Seksyon 24 ng 1987 konstitusyon


- mahalagang papel na ginagampanan ng komunikasyon at impormasyon sa pagkakakilanlan
ng isang bansa.

Electronic Commerce Act of 2000 Seksyon 2 (RA 8792)


- kahalagahan ng ICT sa pagbuo ng isang bansa

Apat na maaaring kaparusahan sa ilalim ng batas na Electronic Commerce Act of 2000.


- Hacking
- Pagsira ng data sa pamamagitan ng virus
- Pagpipirata ng mga intelektuwal na data
- Paglabag sa Consumer Act of the Philippines sa pamamagitan ng mga elektronikong
mensahe

Consumer Act of the Philippines


- idinisenyo upang maiwasan ang mga negosyong mapanlinlang o mga gawaing hindi
makatarungan sa pagbebenta.

Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012


- inaprubahan noong ika-12 ng Setyembre taong 2012
- matugunan ang isyung iligal hinggil sa mga interaksyong online at ang kalagayan ng internet
sa Pilipinas.

Seksyon 4, Cybercrime Offenses

A. Mga paglabag laban sa kumpidensiyalidad, intergridad, at abeylabilidad ng computer data at


sistema ay mapaparusahan ng pagkakulong ng prision mayor o multa na hindi bababa sa
dalawang daang libo hanggang sa pinakamataas na halaga ng pinsalang natamo o pareho
maliban sa bilang 5.

1. Illegal Access - walang karapatang pagkuha sa lahat o bahagi ng sistema ng kompyuter.

2. Illegal Interception - ang pagharang sa kahit anumang teknikal na kaparaanan nang walang
karapatan, sa kahit anong di-pampublikong transmisyon ng computer data.

3. Data Interference - ang intensyunal o hindi maingat na pagbabago, pagkakasira,


pagtatanggal, o deteryorasyon ng computer data at nangyayare din dito ang transmisyon ng
virus.
4. System Interference - ang intensyunal na pagbabago, di-maingat na pagpigil o
panghihimasok sa panksyon o network ng kompyuter sa pamamagitan ng pag-input,
pagtransmit, pagsira, pagtanggal, pagbago, pagharang ng mga programa o data ng kompyuter
at nangyayare din dito ang transmisyon ng virus.

5. Di tamang paggamit ng mga kagamitan - may kaparusahan na pagkakulong o ang multa na


hindi lalagpas sa limang daang libong piso.

a. Ang paggamit, produksyon, pagbenta, pagkuha, pag-import, pagbibigay, o


pagpapagamit nang intensyunal at walang karapatan sa alin sa mga sumusunod:

i. Ang mga gamit kabilang na ang programa ng kompyuter, na dinisenyo, at hinango


para sa hangaring lumabag sa ilalim ng batas na ito.
ii. Pagtatangkang mag-access ng computer password, access code o katulad na data.

b. Ang pagkuha o pag-aari ng aytem na iminungkahi sa subparagraph a(i) at (ii) na nasa


itaas, na may pagtatangkang gamiting ang mga device na ito sa hangaring lumabag sa
seksyon na ito.
Subalit, walang kasong pananagutan kung naglalayon lamang itong suriin o subukin ang
sistema ng kompyuter.
Kaparusahang reclusion temporal o multa na hindi bababa sa limang daang libong piso
o higit pa o katumbas sa pinsalang natamo.

B. Computer-related Offenses

1. Computer-related Forgery - pagdaragdag o pagtanggal ng computer data na magreresulta sa


di pagiging otentiko ng data at pagtatangkang ikonsidera ito bilang otentiko para sa mga legal
na layunin.
2. Computer-related Fraud - di awtorisadong pagdaragdag, pagtatanggal, pagbabago ng data o
programa ng kompyuter, o panghihimasok sa function nito na may layuning manlinlang at
makasira.
3. Computer-related Identity Theft - intensyunal na pagkuha, paggamit, paglilipat, paghahawak,
pagbabago, o pagtatanggal ng kahit anumang impormasyon na pagmamay-ari ng iba.

C. Content-related Offenses
RA 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009

Seksyon 5, iba pang Cybercrime

1. Cyber-squatting - pagkuha ng isang domain name sa internet sa maling paraan upang


kumita, mandaya, manira ng reputasyon.
2. Cybersex - mahalay na pagpapakita ng seksuwal na bahagi o seksuwal na gawain gamit ang
sistema ng kompyuter.
3. Libel - pagpapalabas ng isang pahayag o impormasyon na nakapipinsala sa reputasyon ng
isang tao gamit ang sistema at/o network ng kompyuter.

You might also like