You are on page 1of 2

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DATA PRIVACY ACT OF 2012 (RA 10173)

KABANATA I - PANGKALAHATANG PROBISYON

Seksyon 1. Maikling Pamagat. - Ang Batas na ito ay kikilalanin bilang "Data Privacy Act of
2012 ″.

Seksyon 2. Pagpapahayag ng Patakaran. - Patakaran ng Estado na protektahan ang


pangunahing karapatan ng tao sa pagiging pribado, sa komunikasyon habang tinitiyak ang
maayos na daloy ng impormasyon upang maisulong ang mga pagbabago at paglago ng
mga bagay-bagay. Kinikilala ng Estado ang mahalagang papel ng information and
communications technology sa pagpapaunlad ng bansa at ang likas na obligasyon nito
upang matiyak na ang personal na impormasyon sa mga sistema ng impormasyon at
komunikasyon sa gobyerno at sa mga pribadong sektor ay ligtas at protektado.

KABANATA II - ANG NATIONAL PRIVACY COMMISSION

Seksyon 7. Mga Tungkulin ng National Privacy Commission. - Upang may mangasiwa at


maipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito, at upang masubaybayan at matiyak ang
pagsunod ng bansa sa mga pamantayang pang-internasyonal na itinakda para sa
proteksyon ng mga datos, nilikha ang isang independiyenteng katawan na kikilalanin bilang
National Privacy Commission, na dapat ay magkakaroon ng mga sumusunod na tungkulin:

b) Tumanggap ng mga reklamo, magsagawa ng pagsisiyasat, padaliin ang pag-aareglo ng


mga reklamo sa pamamagitan ng paggamit ng mga alternatibong proseso ng paglutas ng
problema, wastong paghusga, gantimpalaan ng bayad-pinsala sa mga bagay na
nakakaapekto sa anumang personal na impormasyon, maghanda ng mga ulat tungkol sa
mga reklamo at mga paglutas sa anumang pagsisiyasat na sinimulan nito, at, sa mga kaso
na itinuturing na angkop, isapubliko ang anumang nasabing ulat: Inilaan din ng batas na ito,
na sa paglutas ng anumang reklamo o pagsisiyasat (maliban kung saan nakapag pag-areglo
na ang mga partido) ang Komisyon ay siyang dapat kumilos bilang tagapamagitan. Para sa
layuning ito, ang Komisyon ay maaaring bigyan ng permisong gamitin o makita ang personal
na impormasyon na napapasailalim sa anumang reklamo at upang makolekta ang mga
impormasyong kinakailangan upang maisagawa ang mga tungkulin nito sa ilalim ng Batas
na ito;

KABANATA III - PAGPOPROSESO SA PERSONAL NA IMPORMASYON

Seksyon 11. Mga Panuntunan para sa General Data Privacy. - Ang pagpoproseso ng
personal na impormasyon ng isang indibidwal ay pinahihintulutan, alinsunod sa pagsunod sa
mga kinakailangan sa ilalim ng Batas na ito at ng iba pang mga batas na nagpapahintulot sa
paglalahad ng impormasyon sa publiko at pagsunod sa mga prinsipyo ng transparency,
lehitimong layunin at proporsyonalidad.

Ang personal na impormasyon ay dapat na:

(a) Kinokolekta para sa tiyak at lehitimong mga hangarin na nat/ukoy na at idineklara noon,
o sa mas lalong madaling panahon pagkatapos makolekta, at kalaunan ay naproseso sa
paraang katugma ng idineklara, tiyak at lehitimong mga hangarin lamang;

(b) Naproseso ng patas at naaayon sa batas;

(c) Tumpak, nauugnay at, kung saan kinakailangan para sa mga layunin na kung saan ito ay
gagamitin sa pagpoproseso ng personal na impormasyon, mapanatiling napapanahon; ang
hindi tumpak o hindi kumpletong datos ay dapat na maitama, madagdagan, lipulin o ang
kanilang karagdagang pag proseso ay pag higpitan;

(d) Sapat at hindi labis na nauugnay sa mga layunin kung saan sila nakolekta at naproseso;

(e) Nananatili lamang hangga't kinakailangan para sa katuparan ng mga layunin na kung
saan nakamit ang datos o para sa pagtatatag, pagsasagawa o pagtatanggol sa mga ligal na
akusasyon, o para sa mga lehitimong hangarin sa negosyo, o ayon sa nauukol sa batas; at

(f) Napapanatili sa isang form na pinahihintulutan ang pagkilala sa mga paksa ng datos nang
hindi hihigit sa kinakailangan para sa mga layunin na kung saan ang mga datos ay kinolekta
at naproseso: Inilaan, na dapat ang personal na impormasyon na nakolekta para sa iba
pang mga layunin ay maaaring maproseso para sa makasaysayan, pang-istatistika o pang-
agham na layunin, at sa mga kasong inilatag ng batas ay maaaring itago ang mga ito sa
mas matagal na panahon: Karagdagang inilaan, na ang sapat na mga pag-iingat na ito ay
ginagarantiyahan ng nasabing mga batas na nagpapahintulot sa kanilang pagproseso ng
mga datos.

Dapat na matiyak ng tagapamahala ng personal na impormasyon ang pagpapatupad ng


mga prinsipyo ng pagproseso ng personal na impormasyon na itinakda sa Batas na ito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You might also like