You are on page 1of 2

Magna Carta for Philippine Internet Freedom

Ang Magna Carta na ito ay nabuo sa pamamagitan ng crowdsourcing. Ang batas na ito binuo upang
mabigyang kalayaan ang mga internet users ng kalayaan na maipahayag ang kanilang ninanais sa mundo
ng internet.
SEKSYON 8. Freedom of Speech
and Expression on the Internet

1. Ang Estado sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat na magprotekta at


magtaguyod ng kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag sa internet.

2. Ang Estado sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat magprotekta sa karapatan ng


mga tao na magpetisyon sa pamahalaan gamit ang internet upang maipaabot ang mga reklamo.

3. Ang Estadp sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat magprotekta sa karapatan ng


kahit sino man nagnanais mag-publisa ng mga materyal o mag-upload ng impormasyon sa internet.

4. Walang tao ang dapat higpitan sa pag-access ng mga Impormasyon sa internet o


magtanggal ng mga naipublisang materyal o na-upload na impormasyon mula sa internet maliban na
lamang kung pinag-uutos kasunod ang panukala bago ang REGIONAL TRIAL COURT batay sa pagpapasiya
na:

a. Ang kalikasan ng materyal o impormasyon ay nakalilikha at nakapagdudulot ng


panganib na tunay na masama kung saan ang estado ay may karapatan o tungkulin na pigilan ito;

b. Ang materyal o impormasyon ay hindi protektado sa ilalim ng pamantayan ng


komunidad o ng awdyens kung saan nakadirekta ang impormasyon; at

c. Ang publikasyon ng materyal o ang pag-uupload ng impormasyon ay bubuo ng


krimeng maaaring parusahan ng batas na inilahad sa Seksyon 6 ng nasabing batas.

5. Walang sinumang ang maaaring puwersahing magtanggal ng mga napublisang


materyal o na-upload na impormasyon sa internet na hindi abot sa kakahayan ng nasabing tao.

6. Ang Estado ay hindi dapat nagtataguyod ng censorship o pagbabawal sa panonood


nang kahit anomang nilalaman sa internet, hanggang matapos ang pagpapalabas ng nararapat na order
alinsunod sa mga probisyon sa seksyong ito,

SEKSYON 12. Nakapaloob dito ang proteksyon ng karapatang-ari ng mga gumagamit ng internet.

1. Ang Estado sa loob ng hurisdiksyon nito, ay magpoprotekta sa mga naipublisang


karapatang intelektuwal sa internet, sa ilalim ng kondisyong nito na nakasaad sa Intellectual Property
Code at iba pang kaugnay na batas nito.

2. Dapat ipagpalagay na kahit anong nilalaman na naipublisa sa internet may


karapatang-ari, maliban na lamang kung hindi man malinaw na ibinigay ng awtor, sa ilalim ng kondisyon
nito na nakasaad sa Intellectual Property Code at iba pang kaugnay na batas nito.

3. Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8293 o ang Intellectual Property Code of the
Philippines at iba pang kaugnay na batas, walang Internet Service Proviider, Telecommunications Entity, o
sinomang tao maglalaan ng internet o serbisyo ng data ang magkakaroon ng intelektuwal na karapatang-
ari sa paglalabas ng nilalaman na resulta ng paglikha , pagbuo, inobasyon o modipikasyon ng isang tao
gamit ang serbisyo ng Internet Service Provider, Telecommunications Entity, o sinomang tao maglalaan ng
internet o serbisyo ng data maliban na lamang kung ang gawang iyan ay pagmamay-ari na o itinalaga na
sa mga Internet Service Provider, Telecommunications Entity, o sinomang tao maglalaan ng internet o
serbisyo ng data. Ang pagbubukod sa Intelektuwal na Karapatang-ari ng isang tao ay tahasang ibinigay sa
pamamagitan ng end user license agreement na napagkasunduan ng dalawang partido at ang
pagpapalabas nito ay nakadepende sa serbisyong ipinagkaloob ng mga Internet Service Provider,
Telecommunications Entity, o sinomang tao maglalaan ng internet o serbisyo ng data.

4. Dapat ipagpalagay na ang mga magulang o tagapangalaga ng isang menor de edad


ay nakapaglaan ng kasunduan na naglalaman mga termino ng end user license agreement dahil ang
menor de edad ay nasa kanilang pag-aalaga ay magpahiwatig kasunduan hinggil sa end user license
agreement.

5. Dapat ipagpalagay na kahit anomang paglabag sa Intelektuwal na karapatang ari


ng isang menor de edad ay ginawa na may kaalaman at may pahintulot sa kaniyang mga magulang o
tagapangalaga.

You might also like