You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

IKALAWANG MARKAHAN: WEEK 1

GRADE 8 SECTIONS: 1, 7, 9, 11, 12


PETSA: NOBYEMBRE 7-11, 2022

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- NAIPAMAMALAS NG MAGAARAL ANG PAG-UNAWA SA KONSEPTO
NG PAKIKIPAGKAPWA.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- NAISASAGAWA NG MAGAARAL ANG ISANG PANGKATANG GAWAING
TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG MGA MAG-AARAL O
KABATAAN SA PAARALAN O PAMAYANAN.
C. MELC: NATUTUKOY ANG MGA TAONG ITINUTURING NIYANG KAPWA
ESP8PIIA-5.1
D. TIYAK NA LAYUNIN
1. NAKIKILALA ANG MGA TAONG MAITUTURING NA KAPWA GAMIT
ANG LARAWAN.
2. NAILALAHAD KUNG PAANO MAIPAGPAPATULOY ANG MAGANDANG
UGNAYAN AT PAKIKIPAGKAPUWA.
3. NAKABUBUO NG ISANG ADBOKASIYA NA NAGSUSULONG AT
NAGHIHIKAYAT NG MABUTING PAKIKITUNGO SA KAPWA.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: KAPUWA, SINO SILA?
B. SANGGUNIAN: ESP 8 Modyul Para sa Mag-aaral 8 (ADM) – MODYUL 17
C. KAGAMITAN: LAPTOP, PROJECTOR, PAPEL
D. KONSEPTO: ANG KAPUWA AY MGA TAONG NAKAPALIGID SA ATIN NA
HANDANG MAKISAYA, DUMAMAY AT MAKIDALAMHATI SA LAHAT NG
SITUWASYON AT PANAHON. SILA RIN ANG NAGSISILBING INSPIRASYON
AT NAGBIBIGAY-ARAL SA BUHAY.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Balik-aral
- Ano ang iyong natutuhan sa nagdaang aralin?
B. PANGUNAHING GAWAIN
1. PAGGANYAK: tukuyin kung sino ang tinutukoy ng mga larawan
2. GAWAIN: Punan ang mga detalye sa talahayanan. Sa unang hanay, isulat sa
talahanayan kung sino ang itinuturing mong kapuwa. Sa pangalawang hanay,
ipaliwanag kung bakit sila itinuturing na kapuwa at sa pangatlong hanay, ilahad
paano mo maipapatuloy ang magandang ugnayan at pakikipagkapuwa sa
kanila. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
3. PAGSUSURI
a. Bakit kailangan magkaroon ng magandang ugnayan sa kapuwa?
b. Bakit mahalaga ang pakikipagkapuwa?
c. Bilang isang kabataan, paano mo pagtitibayin ang pakikipagkapuwa?

4. PAGBUO NG KONSEPTO
- anong konsepto ang iyong natutuhan mula sa aralin?

5. PAGSASABUHAY
PANUTO: pumili at gumawa ng isang adbokasiya na nagsusulong at naghihikayat
ng mabuting pakikitungo sa kapuwa upang magkakaroon ng isang matiwasay na
pamayanan.
- ang adbokasiya ay maaaring sa pamamagitan ng sumusunod:
• tula (para sa mga walang gadgets at internet)
• powerpoint presentation
• vlog (maaaring iskrip ng vlog kung walang cellphone)
• social media post

You might also like