You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

IKALAWANG MARKAHAN: WEEK 4 DAY 2

GRADE 8 SECTIONS: 1, 7, 9, 11, 12


PETSA: NOBYEMBRE 28-DISYEMBRE 2, 2022

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
NAIPAMAMALAS NG MAG- AARAL ANG PAG-UNAWA SA
PAKIKIPAGKAIBIGAN.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- NAISASAGAWA NG MAG- AARAL ANG MGA ANGKOP NA KILOS
UPANG MAPAUNLAD ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN (HAL.:
PAGPAPATAWAD).
C. MELC: LILINANGIN DIN ANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO NA:
A. NAISASAGAWA ANG ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAUNLAD ANG
PAKIKIPAGKAIBIGAN. (ESP8P-IID-6.4)
A.1. NAKIKILALA ANG MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAUNLAD
ANG PAGKAKAIBIGAN.
A.2. NAILALARAWAN ANG MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAUNLAD
ANG PAGKAKAIBIGAN.
A.3. NAIBABAHAGI ANG MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAUNLAD
ANG PAGKAKAIBIGAN.
D. TIYAK NA LAYUNIN
1. NATUTUKOY ANG MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAGTIBAY
ANG PAGKAKAIBIGAN.
2. NAUUNAWAAN NA MAHALAGANG BAHAGI NG BUHAY ANG
MAKAHANAP NG TOTOO AT MATALIK NA KAIBIGAN.
3. NAKAGAGAWA NG ISANG LIHAM KAIBIGAN BILANG PASASALAMAT
SA MGA ANGKOP NA KILOS NA IPINAKITA UPANG MAPAUNLAD PA
ANG PAGKAKAIBIGAN.
4. NAIBABAHAGI
II. NILALAMAN
A. PAKSA: SARILI AT LIPUNAN PAUNLARIN SA PAKIKIPAGKAIBIGAN
B. SANGGUNIAN: ESP 8 Modyul Para sa Mag-aaral 8 (ADM) – MODYUL 23
C. KAGAMITAN: LAPTOP, PROJECTOR, PAPEL
D. KONSEPTO: BIYAYANG LUBOS ANG MAGKAROON NG TUNAY NA
KAIBIGAN.
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Balik-aral: Ano ang maidudulot ng mabuting pagkakaibigan?
B. PANGUNAHING GAWAIN
1. PAGGANYAK: Basahin nang mabuti ang tula at pagnilayan ang mga gabay na
tanong.
Ang Aking Kaibigan
Ni: Risa Mae B. Lospe
Ako ay sampung taong gulang pa lamang
Nang makilala isang munting nilalang
Di inakalang makadaupang-palad
Sa habambuhay, ako ay tunay na mapalad

Sa hirap at ginhawa siya’y kasama


Mensahe ng mata’y kanyang nababasa
‘Di nagsisinungaling ang damdamin
Alam niya pag ako ay may kinikimkim

Siya nga ay may malawak na pananaw


Pagmamahal at suporta’y umaapaw
Isang tawag lang ay agad na lilitaw
‘Di tulad ng anino, nariyan lang pag may ilaw

Isang biyaya kung siya’y maituturing


Landas na tatahakin ay kakayanin
Kapwa naming aabutin mga mithiin
Rurok ng tagumpay nakakamit nang magkapiling
Gabay na tanong:
1. Ano ang mensaheng hatid ng tula?
2. Ano ang taglay na katangian ng kaibigan ng persona sa tula?
3. Paano mo mailalarawan ang tunay na pagkakaibigan batay sa tulang binasa?
4. Nagkaroon ka na ba ng kaibigang tunay? Paano mo nasabi na siya ay tunay ngang
kaibigan?
2. GAWAIN : Bigyang paglalarawan ang bawat titik ng mga angkop na kilos na
maaaring gawin upang mapagtibay ang pakikipagkaibigan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
3. PAGSUSURI
a. Paano mo mapapaunlad ang pagkakaibigan?
b. Ano pag-uugali ang iyong babaguhin sa sarili upang maging isang mabuting
kaibigan?

4. PAGBUO NG KONSEPTO: Unawain ang pahayag upang mabuo ang konsepto


ng aralin.
“ANG PAGKAKAROON NG TUNAY NA KAIBIGAN AY TULAD ISANG
KAYAMANANG DAPAT PAKAINGATAN”
- ANONYMOUS

5. PAGSASABUHAY
PANUTO: Gumawa ng isang liham pangkaibigan na ibibigay mo sa isang taong
tinuturing mong tunay na kaibigan bilang pasasalamat sa mga angkop na kilos na
ipinakita upang mapaunlad pa ang inyong pagkakaibigan. Gawin ito sa sagutang
papel.

You might also like