You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

I. Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga tanong sa ibaba. Piliin mula sa opsyon ang
kumakatawan sa iyong kasagutan. Titik lamang ang iyong isulat sa sagutang papel.

1. Kailan ang araw ng kapanganakan ni Francisco Balagtas?


A. Abril 2, 1788 B. Abril 3, 1788 C. Abril 4, 1788 D. Abril 5, 1788
2. Ano ang kalagayan sa buhay ni Balagtas?
A. mayaman B. mahirap C. katamtaman D. pulubi
3. Paano natuklasan ni Kiko ang galing niya sa pagsulat?
A. nagsaliksik siya
B. may nakapagsabi sa kanya
C. nang tinanggihan siya ni Huseng sisiw sapagkat wala siyang perang pambayad.
D. nang tinanggihan siya ni Huseng sisiw sa paggawa ng tula dahil wala siyang dalang sisiw na
pambayad
4. Kanino inialay ni Balagtas ang "Florante at Laura"? Kay ________________
A. Ana B. Laura C. Magdalena D. Selya
5. Namasukang katulong si Balagtas kay Donya Trinidad upang siya ay makapag-aral. Anong
pinakamahalagang katangian ni Balagtas na makikita sa kanya?
A. May pangarap siya sa buhay.
B. Maya hangarin siyang makapag-aral
C. Gumagawa siya ng paraan para makapag-aral lamang
D. Handa siyang mag-sakripisyo para lamang makapag-aral
6. Paano matagumpay na nailusot ni Balagtas ang kanyang awit sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga
Espanyol?
A. Ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ang temang ginamit niya rito.
B. Nagbibigay siya ng lagay sa mga nasa tungkulin upang payagang mailimbag ang akda.
C. Gumamit din siya ng simbolismo na kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo
D. Sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensaheng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at
pagmamalabis ng mga Espanyol
7. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mga pasakit na dinanas ni Kiko sa kanyang buhay?
A. pagkalugi ng kanyang negosyo
B. pagkasunog ng kanynag mga akda
C. pagkamatay ng kanyang mga magulang at iniibig
D. pagkakakulong at pagpapakasal ng kanyang minamahal
8. Kung sakaling makakapanayam mo si Balagtas , ano ang itatanong mo sa kanya tungkol sa kanyang
akda?
A. Anong pangyayari sa iyong buhay na gusto na gusto mo itama?
B. Ano ang nararamdaman mo na pinapahalagahan pa rin ang iyong akda hanggang ngayon?
C. Anong bagay ang hindi mo nagawa sa buhay pag-ibig na dapat gawin ng kabataan para hindi
matulad sa kanya?
D. Ano-ano ang mga aral na matutuhan sa iyong akda makatutulong upang maging matatag sa ang
mga kabataan sa pagsuong sa mga pagsubok sa buhay?
9. Ano ang iyong pananaw tungkol sistema ng batas sa panahon ni Balagtas. Iugnay ito sa dalawang beses
na pagkakakulong niya dahil siya ay mahirap lamang?
A. Ang batas ay para sa mga mayayaman lamang.
B. Hindi pantay ang pagtingin ng batas sa mga mahihirap at mayayaman.
C. Ang taong mahirap ay walang kakayahang ipaglaban ang sarili kahit wala siyang kasalanan.
D. Pinapanigan lamang ng batas ang mga mayayman dahil nabibili ang batas ng yaman o salapi.
10. Ano ang kaibahan ng awit sa korido?
A. Mabilis ang bigkas ng korido may kabagalan naman ang awit.
B. Ang awit ay maykapani-paniwalang daloy ng kuwento samantalang kinawiwilihan naman ang
korido dagil sa malapantasyang temang taglay nito.
C. Ang korido ay may 8 pantig at binibigkas sa kumpas na martsa”allegro” samantalang
ang awit ay may 12 na pantig at ito ay may saliw na bandurya o gitara
D. Lahat ng nabanggit
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi tinalakay ng awit na “Florante at Laura”?
A. Tamang paraan ng paglutas sa mga suliranin sa buhay
B. Wastong pagpapalaki sa anak at pagiging mabuting magulang
C. Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan at pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at
makasarili
D. Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa pinunong sakim at
mapaghangad sa yaman.
12. Bukod sa kayamanan ni Duke Briseo, alin sa mga sumusunod ang mas mahalagang ninasa ni Adolfo at
nagawa niyang magtaksil sa sariling bayan?
A. kapurihan C. kalayaan
B. korona D. kaibigan
13. Sino ang mga pinatutungkulan ni Balagtas sa tula?
A. mga Pilipino C. Selya at mga mababasa
B. Jose Rizal D. Juana Tiambeng at Selya
14. Ang mga sumusunod ay mga tagubilin ni Balagtas sa mga babasa ng “Florante at Laura” MALIBAN sa
isa. Ano ito?
A. Huwag gayahin si Sigesmundo na mahilig mangbago ng berso
B. Huwag husgahan aga-agad ang kanyang akda bagkus unawain ito
B. Huwag kutyain ang kanyang gawa at higit sa lahat huwag baguhin ang berso.
C. Kung saklaing may salitang hindi maunawaan tignan ang kahulugan sa gawing itaas.
15. Sino ang tinutukoy no Balagtas na nakaukit sa kanyang puso?
A. Gregoria de Jesus C. Maria Asuncion Rivera
B. Juana Tiambeng D. Melchora Aquino
Panuto: Para sa tanong 16-24 basahin nang may pag-unawa ang mga saknong ng awit. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
16. “Makapangharihang kanan Mo’y ikilos,
papamilantikin ang kalis ng poot
sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok
ang iyong higanti sa masamang-loob.
Ano ang hiling ni FLorante sa Panginoong Diyos?
A. Parusahan ng Diyos ang mga masasamang loob
B. Pamilantikin ang ang poot gamit ang kalis
C. Saklolohan ang Reynong Albanya laban sa kaaway
D. Ikilos ng Diyos ang Kanyang makapangyarihan na kamay
17. “Di ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin,
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko na ang lunas sa madalang hilahil.
Ano ang tinutukoy ni FLorante na sinayang ni Laura?
A. ang pagsintang giliw ni Laura
B. ang mala-Adonis na mukha ni Florante
C. ang lunas sa maraming paghihirap ni Florante
D. ang mga luha ni Laura na ginugol kay Florante
18. “Nang magdamdam ngawit sa pagayong anyo
sa puno ng isang kahoy ay umupo
nagwikang”O palad” sabay ang pagtulo
sa mata ng luhang anaki’y palaso.
Ano ang damdamin ni Aladin sa saknong na ito?
A. labis na kapaguran C. labis na kalungkutan
B. labis na sakit sa katawan D. labis na pagtatampo
19. “Ang nagkahiwahiwalay na laman mo’t
buto
Kamay at katawang nalayo sa ulo,
Ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang naglibing sa iyo.”
Paano pinaslang ang ama ni Florante?
A. Pinaghati-hati ng bahagi ng katawan C. Sinunog ang mga bahagi ng katawan
B. Inihagis ang buo nitong kanyang katawan D. Sinunog ng taksil ang kanyang
katawan
20. Anong loob kaya nitong nagagapos
ngayong nasa harap ng dalawang hayop
na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog,
isang kamatayang kakila-kilabot.
Anong katotohanan sa buhay ang maari mong iugnay sa panganib na dala ng dalawang leon habang nakatali
si Florante sa puno ng higera?
A. Ang mga leon ay sumasagisag sa mga taong mapanakit sa kapwa.
B. Ang mga leon ang mga problemang bigla nalang sumusolpot sa buhay ng isang tao.
C. Ang dalawang leon ay mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng kanilang kapwa.
D. Ang dalawang leon ay mga panganib na maaring kakaharapin ng tao sa kanyang buhay.
21. “May para kong anak na napanganyaya
ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha?
hindi nakalasap ng konting tuwa
ang masintang inang pagdakaý
Nawala!”
Ano ang maipapayo mo sa hinahanap ni Aladin na kawalan ngpagmamahal sa ama?
A. Huwag kang magalit sa iyong ama kung hindi ka niya mahal.
B. Patuloy mo pa ring igalang at mahalin ang ama kahit hindi niya ito mahal
C. Umalis upang malaman ng iyong ama ang iyong halag kung hindi kananiya nakikita.
D. Ipanalangin sa Diyos na maramdaman ng iyong ama na gustong maramdaman ang pagmamahal niya.
22. “Nang muling mamulat ay nagitlaanan
Ano’t aba koy nasa Morong kamay!”
Nagtangkang umigtat ang lunong
katawan
nang hindi mangyariý nagngalit na
lamang.
Ano ang damdamin ni Florante nang mahimasmasan?
A. nagulat C. natakot
B. namangha D. natuwa
23. “Kung nasusuklam ka sa aking
kandungan
lason sa puso mo ang hindi binyagan
nakukutaya akong di ka saklolohan
sa iyong sinapit na napakarawal.
Tama ba na masuklam ka sa kaaway na siyang tumulong sa iyo?
A. Hindi, sa halip na magalit ay magpasalamat na lamang sa ginawa niyang pagtulong.
B. Hindi, dahil ang pagtulong niya kahit kaaway ko pa ay pagpapakita ng mapagkumbaba niya.
C. Oo, dahil hindi natin alam kung ano ang totoong hangarin niya sa pagtulong bilang kaaway niya.
D. Oo, dahil ang mga kaaway na tumulutong ay nagpapanggap lamang na matulungin.
24. “ Huwag na manganid
Sumapayapa katmag-aliw ng dibdib”
Ngayon ligtas ka na sa lahat ng sakit
May kalong sa iyo ang tumatangkilik.
Anong aral ang mabubuo mo sa pagtulong ni Aladin sa isang taong itinuturing na kaaway?
A. Ang pagtulong ay walang hinihinging kapalit
B. Hindi dapat tayo naghuhusga sa ating kapwa
C. Ang pagulong ay isang maka-Diyos na gawain.
D. Ang pagtulong ay likas na sa tao kahit anong relihiyon ang kinabibilangan mo.
25. Saan nakita ni Florante ang unang liwanag?
A. Albanya B. Atenas C. Crotona D. Persya
26. Anong uri ng ibon ang ibig sanang dumagit ay Florante noong sanggol pa lamang siya?
A. Agila B. Arkon C. Buwitre D. Maya
27. Ang batang pinalaki sa paraan kung saaan ang hatol ay salat ay madalas hindi maitama ang mga
pagkakamali. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. kulang sa pera C. kulang sa pagmamahal
B. kulang sa disiplina D. kulang sa materyal na bagay
28. Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay ay hindi ang ditsong nasa orihinal. Ano ang nagdala kay Adolfo
upang pagtangkaan ang buhay si Florante?
A. Nais ni Adolfo na maghiganti kay Florante
B. Ang galit ni Adolfo ang nag-udyok sa kanya upang saktan si Florante
C. Gusto lamang na makatotohanan ang pagganap ni Adolfo sa pagtatanghal
D. Nais ni Adolfo na saktan si Florante sa harap ng manood upang ipakita na malakas siya.
29. Kung makakausap mo si Adolfo tungkol sa ginawa niyang pagbabalat kayo ano ang payong masasabi
mo sa kanya?
A. Ang pagpapanggap na mabuti sa iba ay panloloko rin sa sarili.
B. Hind mo kailangang mag-balatkayo para mahalin ka ng kapwa mo.
C. Hindi ka dapat nagpapakita ng kahinhinang asal para lamang purihin ka.
D. Hindi mo naman kailangang mangpaggap para maahalin ka ng ibang tao.
30. “ Kung ang isalubong sa iyo ay masayang ngiti at pakitang giliw , lalong pakaingatan kaaway na
lihim”. Paano mo iugnay ang payo ni Antenor kay Florante tungkol sa pagbibigay ng pagtitiwala?
A. May mga taong kunyari ay mabait pero ‘di naman.
B. May mga taong nagpapanggap lamang na mabait.
C. Lihim na kaaway ang mga taong nagpapakitang tao lamang.
D. Hindi mo dapat ibigay kaagad ang iyong pagtitiwala sa iba.
31. Ano ang bunga ng hindi marunong tumanggap ng pagkatalo tulad ni Adolfo?
A. Walang magandang maidudulot ang paghihiganti
B. Hindi magiging masaya ang buhay kung galit ang nasa isip at puso natin
C. Walang kapayapaan sa pag -iisip ang taong iniisip lamang ang maghiganti
D. Hindi maka-Diyos na gawain ang mahiganti kaya maituturing itong kasalanan
32. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang mabuo ang mga mahahalagang naganap kay Florante.
A. Nakatanggap siya ng liham ng kanyang amang nagsasaad na pumanaw na ang kanyang ina.
B. Dumating ang sulat na nagsasabing kailangan na niyang umuwi ng Albanya.
C. Dalawang buwan halos ikamatay niya ang kalungkutan.
D. Maraming bilin at payo ang ang sinabi ng kanyang maestrong si Antenor
A. A, C, B, D B. C,A,D,B C. B,A,C,D D. A, C,D,A
33. Ano ang tungkuling iniatang ni Haring Linceo sa balikat ni Florante?
A. Heneral ng hukbong dadalo sa bayan ng Krotona.
B. Pakakasalan ang kaisa-isa niyang anak na si Laura.
C. Siya ang hahalili na sa kanyang bilang Hari ng Albanya.
D. Aalis siya sa bayan ng Albanya at lalayuan na si Laura.
34. Sino ang anak ni Haring Linceo?
A. Flerida B. Floresca C. Laura D. Selya
35. Humihinging tulong at nasa pangamba
ang Krotonang Reyno’y kubkub ng kabaka
Ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik na bayaning Persya.
Anong ang mahihinuha mong damdamin ang naghahari sa saknong?
A. takot C. pag-aalinlangan
B. pag-asa D. pananalig
36. Sagot ni Florante. “Huwag ding maparis ang gereong bantog sa palad kong amis
At sa kaaway ma’y di ko ninanais
Ang laki ng dusang aking napagsapit. Anong pagpapahalaga ang makikitang kay Florante na dapat
mong tularan ng kabataang tulad mo?
A. pagkakaroon ng malasakit sa kapwa C. pagkamuhi sa sarili
B. kagustuhang makapaghiganti D. matinding takot
37. “Kung ikaw si Florante tatanggapin mo ba ang responsibilidad na inaatang sa iyo kahit di ka pa handa?
A. Oo, dahil ayaw kong sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob sa akin.
B. Oo, dahil gusto kong ipakita na kaya kong gawin ang lahat ng iuutos sa akin.
C. Hindi, mas mabuting tanggihan ito dahil madalas hindi maganda ang kalalabasan ng walang
kahandaan sa gagawin.
D. Hindi, magpakatotoo ako at sasabihing hindi ko kayang gawin ang isang bagay na hindi ko alam
kung paano gagawin ito.
38. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapahiwatig ng mga naging epekto ng pagkabighani ni Florante
kay Laura MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Nagliliwanag ang mukha ni Florante tuwing kasama si Laura.
B. Nagugulo ang kanyang kaluluwa at nadadarang ang kanyang puso.
C. Ikinasira sa isip ni Florante kapag sumagi sa kanyang isipan si Laura.
D. Kapag nawalay kay Laura ay matinding sakit ang nararamdaman ni Florante
39. Ano ang mga iba-ibang paraang na kaya mong gawin para sa ikabubuti ng iyong bayan?
A. Ipagmamalaki ko ang bayang sinilangan ko
B. Sumunod ako sa mga alituntunin ng batas.
C. Tangkilikin ko ang mga produktong sariling atin.
D. Suportahan ko ang mga programang inilulunsad ng gobyerno.
A. A at B lamang B. C at D lamang C. A, B at C D. A, B, C D
40. Sino ang kasintahan ni Aladin?
A. Flerida B. Laura C. Prinsesa Floresca D. Juana Tiambeng
41. Bakit hinatulang pugutan ng ulo si Aladin?
A. Pinagbintangan siyang iniwan niya ang hukbo.
B. Dahil sa galit ni Konde Sileno na ama ni Aladin.
C. Gustong maangkin ni Sultan Ali-Adab ang kasintahan ni Aladin.
D. Gustong makuha ni Sultan Ali-Adab si Flerida mula kay Aladin.
42. Paano nakatakas si Flerida sa kamay ni Sultan Ali-Adab?
A. Nagdamit gerero at lihim na tumalon sa bintana C. tinulungan siya ni Aladin
B. Pinatulog niya si Konde Sileno D. nagpatulong sa kawal
43. Sino ang nagligtas kay Laura habang dinadahas ni Adolfo?
A. Flerida B. Laura C. Prinsesa Floresca D. Juana Tiambeng
44. Laking pasasalamat ni Menandro ng makitang buhay pa ang katoto sapagkat ang alam niya’y pinatay na
ni Adolfo ang kaniyang kaibigan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. kaibigan B. kaaway C. kapatid D. kapanalig
45. Ano ang nais ipabatid ng pagtanggap nina Aladin at Flerida sa pananampalataya nina Florante at
nagpabinyag bilang Krsitiyano?
A. Ipakitang sila ay tunay na mga kaibigan C. nais lamang nilang magpasikat
B. Gusto nilang maranasan ang buhay ng isang Kristiyano D. pinilit sila ni Florante
46. Alin sa mga sumusunod ang inilahad sa awit ang nagyayari rin hanggang sa kasalukuyan?
A. Pagsakop sa isang bayan C. Pagkakaroon ng labanan ng kapangyarihan
B. Ang pagkakaroon ng digmaan D. Pagkakaibigan ng mga Kristiyano at Muslim
47. Kaya nga’t nagtaas ang kamay sa langit
sa pasasalamat ng bayang tangkilik
ang hari’t reyna’y walang iniisip
kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
Anong ugali ang taglay nina Florante at Laura?
A. marunong tumanaw ng utang na loob C. marunong magpasalamat
B. mabubuti silang mga pinuno D. maawain silang mga pinuno
48. Paano mo maisasakatuparan ang mga aral na naganap sa buhay ni Florante sa akda?
A. Hindi tama ang gumawa ng masama dahil sa paghahangad ng yaman at kapangyarihan.
B. Laging handang tumulong sa mga taong mahigpit ang panganagilangan sa buhay.
C. Laging magpasalamat sa mga taong nakagawa ng mabuti sa atin.
D. Sisihin ang Diyos sa mga kasawiang nagyayari sa atin.
49. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa awit na Florante at Laura?
1. Nagpabinyag bilang mga Kristiyano sina Aladin at Flerida
2. Dumating si Menandro at kanyang hukbo sa kagubatan at nagkita-kita sila ni Florante
3. Muling nakabalik sa kaharian ng Albanya sina Florante at Laura kasama sina Aladin at Flerida.
4. Nakabalik na sa Persiya si Aladin nang mabalitaan na si Sultan Ali-Adab
A. 1, 2, 3,4 B. 2, 3, 1,4 C. 2,1,3,4 D. 2, 3,4,1
50. Kung bibigyan ka ng pagkakataong bigyan ng pamagat ang wakas ng awit, ano ito?
A. Sina Laura at Florante Hanggang sa Huli
B. Ang Kasalan ng mga Magkakaibigan
C. Ang Bayaning si Menandro
D. Ang Apat na Magkakaibigan

Inihanda ni:

MELCHORA P. DELOS SANTOS


Guro III

Iwinasto ni: Binigyang pansin ni:

JULIANA V. BALANTAC NORBERTO S. GALIZA, Ed. D


Ulong Guro III Principal III

You might also like