You are on page 1of 3

Cabayugan National High School

New Panggangan Ext.


Ika-apat na Markahang Pagsusulit
Filipino 7
Pangalan: ____________________________________________________ Petsa: _____________
A. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang mga dayuhang nagdala ng koridong Ibong Adarna sa Pilipinas?
A. Amerikano
B. Intsik
C. Hapon
D. Kastila
2. Alin sa sumusunod ang layunin ng mga dayuhan sa pagdala ng Ibong Adarna sa bansa?
A. pagpapalaganap ng kababalaghan
B. pagpapalaganap ng kabutihang-asal
C. pagpapalaganap ng pananampalataya
D. pagpapalaganap ng takot
3. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ibong Adarna?
A. dula
B. maikling kuwento
C. nobela
D. tula
4. Ano ang kapangyarihang taglay ng Ibong Adarna sa akda?
A. manghula
B. magpagaling ng may sakit C. magpalit ng kulay D. magsalita .
5. Bakit tinulungan si Don Juan ng ermitanyo sa paghuli ng Ibong Adarna?
A. dahil binati niya ang ermitanyo
B. dahil binigyan niya ng damit ang ermitanyo
C. dahil binigyan niya ng pagkain ang ermitanyo
D. dahil binigyan niya ng tubig ang ermitanyo
6. Hingi ko sa Panginoon gumapang kang parang kuhol, at sa haba ng panahon matuto ka ring
lumingon. Anong uri ng emosyon ang umiiral sa pahayag?
A. hinanakit
B. pagkamuhi
C. pagkasuklam
D. inggit
7. Anong kaugaliang Pilipino ang lumulutang sa pagsunod ng anak sa kautusan ng magulang?
A. paggalang
B. pagmamahal
C. pagpakumbaba
D. pag-unawa
8. Gusto niyang tularan ang ibon. Ano ang sinasagisag ng ibon sa pangungusap?
A. kalayaan
B. karapatan
C. karunungan
D. katotohanan
9. Hindi mo ba nababatid Don Juan kong iniibig Itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit?
Ano ang kahulugan ng lilo sa saknong?
A. ahas
B. malupit
C. mayabang
D. taksil
10. Ngunit sa taong may gutom matigas man at lumang tutong kung nguyain at malulon parang bagong
pirutong. Aling sawikain/kasabihan ang nauugnay sa kaisipang inilahad ng saknong sa itaas?
A. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit. B. Habang maiksi ang kumot sisikapin mamaluktot.
C. Pag may tiyaga, may nilaga.
D. Walang pinipili ang taong gutom ang sikmura.
11. Inumin mo yong tubig kristal waring anong linis malinamnam at ang lamig sa dibdib ay gumuguhit.
Ano ang sinasagisag ng kristal sa saknong?
A. kalooban
B. isipan
C. kasuotan
D. tubig
12. O, birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layoy di malihis.
Anong uri ng tayutay na ginamit sa saknong?
A. pagwawangis
B. paghihimig
C. pagtawag
D. pauyam
13. Baon sa puso at dibdib ay makita ang kapatid magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang
pag-ibig. Anong emosyon ang napapaloob sa saknong ng tula?
A. pagmamahal sa magulang
B. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa kapwa
D. pagmamahal sa sarili
14. Sa Diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang, ang sa mundo ay pumanaw tadhana ng
kapalaran. Anong kaugaliang Pilipino ang nasisilay sa saknong ng tula
A. pananalig sa buhay
B. pananalig sa Maykapal
C. pananalig sa kamatayan
D. pananalig sa kapwa tao.
15. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin na nagpapakita ng pagmamahal mo
sa magulang?
A. Tumulong sa mga gawaing bahay.
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Magmano sa magulang bago umalis ng bahay.
D. Sumunod sa utos ng mga magulang.
16. Nagmamadali kang tatawid ng daan dahil mahuhuli ka sa klase nang makita mo ang matanda na
natatakot tumawid sapagkat napakabilis ng takbo ng mga sasakyan. Sa sitwasyong ito, alin ang pipiliin
mong gawin?
A. Isabay sa pagtawid ang matanda.
B. Magkunwaring hindi nakita ang matanda.
C. Pabayaan na lang ang matanda.
D.Tumawag ng traffic enforcer at tulungan ang
matanda. 17. Di sinasadyang nasagi at nabasag mo ang plorera ng guro. Walang ibang tao sa silid
nang mangyari ito. Alin naman ang maaari mong gawin?
A. Kaagad na umalis ng silid.
B. Sabihin sa guro ang totoo at humingi ng tawad.
C. Palitan ng bago ang plorera ng guro.
D. Manindigang hindi mo nagalaw ang plorera.

18. Di sinasadyang natuklasan mong ang itinuturing mong kaibigan ang siya pa palang sumisira sa
iyong pagkatao at gusto mong matigil na ito. Alin sa sumusunod ang pinakamabisa mong gawin?
A. Isumbong siya sa kanyang mga magulang.
B. Kausapin siya at pagbantaan nang
masama.
C. Magkalat ka rin ng bali-balita na ikakasira niya. D. Pag-usapan ninyong dalawa ang problema.
19. Alin sa sumusunod ang kaugaliang Pilipino na higit na binibigyan-diin sa mga saknong ng tulang
Ibong Adarna?
A. kahalagahan ng pagtutulungan
B. katapatan ng pus o at isipan
C. tunay na pananampalataya
D. wagas na pag-ibig sa pamilya at kapwa
20. Ano sa palagay mo ang dapat pairalin ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa ating lipunan?
A. saligang batas ng Pilipinas
B. batas ng lipunan
C. batas ng kalikasan
D. batas ng simbahan
21. Sino ang hari ng Berbanya?
A. Haring Fernando
B. Haring Linceo
C. Haring Briseo
D. Haring Salermo
22. Ilan ang kanyang anak na lalaki?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
23. Ano ang sanhi ng pagkakasakit ng hari?
A. matinding karamdaman
B. masamang panaginip C. pilyong mga anak D. isang sumpa
24. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari?
A. awit ng sirena
B. awit ng isang ibon
C. tinig ng kanyang asawa
D. paggamot ng mediko
25. Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang lunas sa sakit ng hari?
A. Don Pedro
B. Don Juan
C. Don Diego
D. Ermitanyo
26. Alin sa sumusunod ang napili mong paraan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating
bayan?
A. pagsunod sa batas
B. pagbigay ng tulong sa nangangailangan.
C. pakipag-ugnayan sa mga pulis at militar.
D. sumali sa mga proyekto ng pamahalaan
27. Isang karumal-dumal na krimen ang nasaksihan mo at kilala mo ang salarin. Ngayon, bilang isang
mamamayan, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Ipagbigay alam sa mga pulis.
B. Manahimik na lamang at baka madamay
ka.
C. Hayaan ang mga pulis sa kaso
D.Magtago at baka ikaw ang isusunod ng salarin.
28. Napulot mo ang pitaka ng kaklaseng nanlait sa iyo noon. May laman itong pambayad niya ng
matrikula. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Ibigay sa guro ang pitaka.
B. Personal na isauli ang pitaka ng kaklase.
C. Paiyakin muna ang kaklase para matuto. D. Pahirapan muna siya sa paghahanap ng pitaka.
29. Wala sa wastong pag-iisip ang anak ng kapitbahay mo. Minsan, nakita mo siyang umiiyak sa
kabibiro ng mga bata sa lansangan . Alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin.?
A. Isumbong siya sa kanyang mga magulang.
B. Pagalitan ang mga bata sa lansangan.
C. Magbubulag-bulagan na lamang.
D. Iuwi siya sa bahay nila.
30. Krusada mong maiparating sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga karaniwang mamamayan.
Ngayon, alin sa sumusunod ang napili mong paraan para makatulong?
A. Pumasok sa larangan ng pulitika.
B. Sumali sa mga demonstrasyon at rally.
C. Makiisa sa programa ng pamahalaan para sa bayan.
D. Magtrabaho sa pamahalaan.
B. Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakahilis ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.
1. Binusbos niya ng kutsilyo ang kanyang pulso.
______
2. Nagnuynoy siya nang malalim kung paano iyon malulutas.
______
3. Nagpaghulog ng matanda ang pakay niya.
______
4. Lubhang namanglaw ang mga tao sa kanyang sinapit.
______
5. Nangabahaw ang kanyang mga sugat matapos gamutin
______
A. Nalumbay
B. Nag-isip
C. Sinugatan
D. Natuyo
E. Nahulaan

WAKAS

You might also like