You are on page 1of 2

Bayugan National Comprehensive High School

Poblacion, Bayugan City

4th grading Summative Examination


( FLORANTE AT LAURA )

Test I Paghambingin ang mga salita na nasa hanay A sa mga kahulugan na nasa hanay B. Titik lamang ang isulat
bilang kasagutan.

A B

1 .Puryas a. diyosa sa dagat na sinasamba ng mga gentil,magaganda at malalamig ang boses.


2 .Parkas b. bagongtaong sakdal ang kagandahan
3 .Harpyas c. mayabong na punongkahoy at malalapad ang mga dahon at hindi namumunga
4. Narciso d tinatawag na mga diyosa ng kapalaran
5. Adonis e. diyosa ng impiyerno
6. Venus f. diyosa o bathaluman ng pag-ibig at kagandahan
7.Houris g. magandang lalaki na sinisinta ng madlang ninfas ngunit sinisiphayo lahat
8. Cipres h.mababangis na diyosa ng mga gentil at nakamamatay ang hininga
9. Higera i. sakdal dikit na mga dalagang nananahan sa paraisong katha ni Mohamang propeta
10.Oreadas Ninfas j. punongkahoy ng mga patay

Test II Isulat ang tamang sagot sa inyong papel

1.Hari ng Persya
2.prinsesa ng Krotona
3.bansa ng karunungan
4.magaling na guro sa Atenas
5.matalik na kaibigan ni Florante
6 isang palamarang anak ng mabunying Konde Sileno
7.tagapayo ng Hari ng Albanya
8.Prinsipe ng Persya
9 magiting na mandirigma ng kahariang Albanya
10 prinsesa ng Albanya
11-14 mababangis na hayop na nabanggit na naroon sa gubat
15-16 ilarawan ang bato na pinaghigaan ni Aladin kay Florante
17 ibong nais dumagit kay florante noong sanggol pa lamang siya
18 pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya sa kapahamakan
19. saang lugar nagmula ang pinsan ni Florante?
20. ilang taong gulang si Florante noong ipinadala siya sa Atenas
21. ilang taong gulang naman si Adolfo noong una silang nagkita ni Florante
22. saang lahi nagmula si Antenor?
22-24 mga asignatura na nangunguna si Florante .
25 laro na naging tampok sa programa ng paaralan sa Atenas
Sa dula-dulaang tinanghal , ano ang papel na ginampanan ni
26. Florante 27. Adolfo 28. Menandro
29. ilang taga ang hinandulong ni Adolfo para kay florante?
30. naging kasama ni Florante pag-uwi sa Albanya
31. ang tinutukoy ni haring Linseo na hahalili sa kanyang setro at reyno
32. kaano-ano ni Florante ang Hari ng krotona?
33. kanino inihambing ni Florante ang kagandahan ni Laura?
34. pangalan ng Heneral na nagapi ni Florante sa labanan sa Krotona.
35. gaano katagal namalagi ang hukbo ni Florante sa Krotona bago umuwi sa Albanya?
36-38 sino-sno ang nailigtas ni Florante mula sa bilangguan at sa kamay ng mga Moro ?
39 saan inihahalintulad ang kagandahan ni Flerida?
40. ano ang nanumbalik sa Albanya nang sina florante at laura na ang namuno sa kaharian?

Test III Ipaliwanag

Anong kaganapan sa binasang Florante at Laura ang pinakagusto mo? Bakit?

You might also like