You are on page 1of 54

Obra Maestrang Pilipino

Inihanda ng:
UNANG PANGKAT M43 EDSFIL17
Albarico, Noeme
Alimad, Janice
Aquino, Romarick
Barquilla, Sarjie
Bautista, Joana Marie
Bautista, Joe Cris
Burac, Rizamae
Cenina, Verlyn Grace
Dapulag, Geraldine
Espina, Francis
Galang, Nara-Mei
Ginoy, Mayelle
Griño, Roland
Mongas, Rinalyn
Palles, Mikee
Quintos, Jhovan
Quitaleg, Shiela
Tejerero, Jayvic
Torres, Pauline

1
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I
Pagkilala sa mga Bantog ng mga Akdang Pampanitikan 3-4
KABANATA II
Pagkakaiba ng Awit at Korido at Kahulugan ng “Tulang Romansa” 5-7
KABANATA III
Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna 8-9
KABANATA IV
Ang Nilalaman ng Ibong Adarna
4.1 Panawagan ng May Akda (Saknong 1-6) 10-11
4.2 Saknong 7-128 11-13
4.3 Saknong 129-231 14-15
4.4 Saknong 232-399 15-16
4.5 Saknong 400-506 17-19
4.6 Saknong 507-729 20-21
4.7 Saknong 730-933 22-23
4.8 Saknong 934-1278 24-25
4.9 Pangwakas na Gawain 26-27
KABANATA V
Francisco Balagtas bilang Makata 28
KABANATA VI
Pinag-ugatang Kasaysayan ng Florante at Laura 29
KABANATA VII
Ang Florante at Laura
7.1 Sa isang Madilim at Mapanglaw na Gubat (Saknong 1-68) 30-32
7.2 Makapangyarihan ang Pag-ibig (Saknong 69-82) 33-35
7.3 Ang Mapagkandiling Ama (Saknong 83-107) 36-37
7.4 Si Aladin, Ang Tagapagligtas (Saknong 143-221) 38-39
7.5 Si Aladin, Ang Tagapagligtas (Saknong 216-257) 39-41
7.6 Si Florante, Ang Mandirigma (Saknong 258-273) 41-43
KABANATA VIII
Pagkakaiba ng Tuluyan at Patula 44-45
KABANATA IX
Pagkilala kay Rizal 46-47
KABANATA X
Ang Noli Me Tangere, Ang Pagtuklas sa Nilalaman ng Bawat Kabanata
10.1 Isang Maikling Kasaysayan ng Nobela 48-49
10.2 Isang Maikling Kasaysayan ng Nobela 49-50
10.3 Pabgwakas na Gawain 51-52
KABANATA XI
Ang El Filibusterismo 53
KABANATA XII Pagpapahalaga at Pagsusuri 54

2
KABANATA 1
PAGKILALA SA MGA BANTOG NA MANUNULAT NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN
Layunin:
 Nakikilala ang mga bantog na manunulat at ang kanilang akdang pampanitikan.
Tuklasin:
Tingnan at tukuyin ang pangalan ng mga bantog na mga manunulat.

Linangin:
Pagkukwento ng mga mag-aaral ng mga buod ng mga akdang kanilang napili na
isinulat ng bantog na manunulat na Pilipino.
Paglalapat:
Pagpapangkatin sa apat ng klase. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng
brainstorming sa iba pang pagkakakilanlan ng mga bantog na manunulat.
Unang Pangkat- Dr, Jose P. Rizal
Ikalawang Pangkat- Fracisco Baltazar
Ikatlong Pangkat- Jose Corazon De Jesus
Ika-apat na Pangkat- Genoveva Edroza Matute
Pagtataya:
Pagtapat-tapatin ang mga larawan ng mga bantog na manunulat ayon sa nasulat
na akda.

3
A B
1. a. Manok Kong Bulik
b. Ang Pagong at Ang Matsing
c. Kwento ni Mabuti
d. Kaiingat Kayo
e. Florante at Laura
f. Mga Kuwento ni Lola Basyang

2.

3.

4.

5.

4
KABANATA II
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO, AT KAHULUGAN NG “TULANG ROMANSA”.
Layunin:
 Naiisa-isa ang kahulugan, katangian, at pagkakaiba ng “awit” at “korido”.
 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang “tula” at “romansa”.

TUKLASIN:
IWTA May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
KROIOD May walong pantig sa bawat taludtod.
LINANGIN:
Ipasagot ang mga tanong sa mga mag-aaral.
1. Naniniwala ka ba sa mga kababalaghan?
2. Anong mga kababalaghan ang nasaksihan, narinig, at napanood mo? Isalaysay ito
sa klase.
3. Paano nakaapekto ang paniniwala mo upang mapatunayang totoo ang mga
pangyayaring hindi inaakalang nangyayari?
Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na
tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring
nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18
lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa impremta at
pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap
kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na
mapalaganap ng diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng
mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula
ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong
pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2)
ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang

5
tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang
relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang
(1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang
ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga
talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga
ninuno, tulad ng pagmamahal sa magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong
panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga
dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito
ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.
Korido (1) May walong pantig sa bawat taludtod. (2) Sadyang para basahin, hindi
awitin. (3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga
taludtod, wawaluhing pantig lamang. (4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng
karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa. (5) Dahil dito,
ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.
Awit (1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod. (2) Sadyang para awitin, inaawit
sa tanging pagtitipon. (3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante. (4)
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na
makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang
kapangyarihang supernatural ang mga bida. (5) Maaaring maganap sa tunay na buhay
ang mga pangyayari sa isang awit. (6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.
A. Magbigay ng mga susing salita na maaaring mailarawan ang salitang nasa
ibaba. Isulat ito sa bawat patlang na nasa semantic web.

6
GAWIN:
A. Sabihin sa klase na paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at
korido batay sa nabasang teksto. Gamitin ang Venn diagram para dito.

B. Gumawa ng isang grapik na pagpapaliwanag ng iyong sariling pananaw


hinggil sa katangian at pagkakaiba ng awit at korido.

7
KABANATA III
ANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
Layunin:
 Natutukoy ang mahalagang detalye at mensaheng napakinggang bahagi ng akda.
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna.
 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

TUKLASIN:
Tingnan ang mga larawan at bigyang-kahulugan ang mga ito sa klase.

LINANGIN:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Sinabi ni Santillan-Castrence (1940) na ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring
hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark,
Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa. Taglay ng Ibong Adarna ang motif ng
cycle na matatagpuan sa mga kuwentong bayan o folklore. Ito’y ang sumusunod: may
sakit ang ina (isang reyna) isang ama (isang hari) at kailangan ng isang mahiwagang
bagay upang gumaling, tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.
Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin)
na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang ermitanyo.
Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng karangalan, at
magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumapy rin sa huli. Ilan sa mga
kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang sumusunod:
1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)
2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) 0
3. Mula sa Paderborn, Alemanya
4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808)
5. Mula sa Denmark (1696)

8
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
7. Mula sa Malayo-Polinesya ni Renward Brandsetter
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch

GAWIN:
A. Mula sa mga nabanggit na kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna sa
ikalawang teksto, saliksikin ang buod o ang kabuuang kuwento nito. Isalaysay sa
klase ang mahalagang bahagi ng kuwento at isadula ito sa pamamagitan ng
isang karilyo. Pagkatapos ng pagsasadula, tukuyin ng klase ang mahalagang
detalye at mensahe ng akdang ibinahagi sa klase.
PAGTATAYA:
Iuugnay ng mga mag-aaral ang mga larawan sa bahagi ng kuwentong-bayang
napanood sa klase (dulaan na karilyo).

9
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.1 Panawagan ng May Akda (Saknong 1-6)

Layunin:
 Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon.
 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na
napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan.
 Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na
naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

TUKLASIN:
Ipasagot ang tanong na:
 Pamilyar ka ba sa problemang kinahaharap ng kabataang Pilipino?
 Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na manawagan sa mga kabataang
sangkot dito, ano ang iyong magiging panawagan?
Bumuo ng isang panawagang pa-plakard para dito at ipaskil sa blackboard.
LINANGIN:
Sabihin sa klase na bumuo ng limang pangkat para basahin ang bahagi ng Ibong
Adarna na ang Panawagan ng May-akda.
GAWIN:
A. Magsagawa ng pangkatang gawain sa klase (limang pangkat/klase) at
magbabahaginan ng sariling karanasan tungkol sa pagpapanuto ng sarili upang
masolusyonan ang mga suliraning pangkabataan. Iuugnay ang huling saknong
sa akda upang mabigyan ito ng pansariling interpretasyon.
Kaya, Inang matangkakal
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.

Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang gampanin ng isang ina/babae


upang mapanuto ang isang kabataan. Ipasulat ang repleksiyon sa isang stick on
at ibigay ito sa kanilang ina.

10
PAGTATAYA:
Magpasulat ng isang bukas na liham na kakikitaan ng mga solusyon sa mga
suliraning kinahaharap ng mga kabataan. Papiliin lamang ng isang suliraning
pangkabataan.
Rubric sa Pagmamarka (Maaaring baguhin.)
1. Nilalaman ng Liham – 40%
2. Organisasyon – 10%
3. Kalinawan ng Paglalahad – 30%
4. Orihinalidad (Walang Hawig sa Kaklase) – 5%
5. Esensiya ng Solusyon sa Lipunan – 15%
Kabuuan = 100%
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.2 Saknong 7-128


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 7–128.
 Nakikilala ang mga tauhan sa akda batay sa katangiang ipinamalas.
 Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat bigyang solusyon.
 Nakapagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliranin mula sa
akda.
TUKLASIN:
Magkaroon ng maikling pagbabahagi ng mga mag-aaral kaugnay ng kahulugan ng mga
panaginip sa pamamagitan ng Think-Pair-Share.
Ano sa mga panaginip mo ang hindi mo malilimutan? Nagkatotoo ba ang panaginip
mong ito? Naniniwala ka ba na ang mga panaginip ay may kahulugan? Bakit? May
katuwiran ba ang paniniwala sa kahulugan ng panaginip? Ipaliwanag ang panig.
LINANGIN:
Pagbasa ng mga Saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang
babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng pagbuo ng isang maikling
pagtatanghal.
Pangkat 1: Saknong 7–29 (Ang Mag-anak sa Kaharian ng Berbanya) Pangkat
2: Saknong 30–45 (Ang Panaginip ng Hari) Pangkat

11
3: Saknong 46–80 (Paglalakbay ni Don Pedro) Pangkat
4: Saknong 81–109 (Paglalakbay ni Don Diego) Pangkat
5: Saknong 110–128 (Paglalakbay ni Don Juan)

GAWIN:
A. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksa na ibabahagi
sa klase.
Pangkat 1: Pagguhit at Paglalarawan ng Tagpuan
Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tagpuan. Iguhit ang tagpuan batay sa
ibinigay na paglalarawan sa akda.

Pangkat 2: Pagpapakilala sa mga Tauhan


Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tauhan.

Pangkat 3: Paghahambing ng Pamilya sa Berbanya at sa Pamilyang Pilipino

12
Pangkat 4: Pagbuo ng Story Board kaugnay ng mga Pangyayari sa Akda

Pangkat 5: Pagpapaliwanag ng Kaisipang Nakapaloob sa mga Piling Saknong mula sa akda

PAGTATAYA:
Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at mga suliraning panlipunan na
nakapaloob dito. Maglahad din ng mga sanhi, bunga, at maaaring solusyon na mailalapat dito.
Gamitin ang PECS Chart.

13
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.3 Saknong 129–231


Layunin:
 Natutukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa nilalaman ng saknong 129–231.
 Naisasalaysay ang naging paglalakbay at pinagdaanan ni Don Juan sa paghuli
ng Ibong Adarna
 Nasusuri ang mga saknong sa akda na nagpapakita ng mga isyung panlipunan.
 Nakapaglalahad ng mga maidudulot ng paggawa ng kabutihan sa kapwa at
pagpapasalamat sa kapwa.

TUKLASIN:
Think-Pair-Share: Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral at hayaang pag-usapan
nila ang katanungan sa ibaba.
Anong sakriprisyo ang kaya mong gawin para sa iyong pamilya? Bakit nagagawa ng
taong magsakripisyo para sa kanyang pamilya?
LINANGIN:
Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang
babasahin at ipabahagi sa kanila ito sa klase sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
storyboard.
Pangkat 1: Saknong 129–161 (Pagtulong ni Don Juan sa Leproso)
Pangkat 2: Saknong 162–182 (Pagkikita ni Don Juan at ng Ermitanyo)
Pangkat 3: Saknong 183–196 (Pagtulong ng Ermitanyo kay Don Juan)
Pangkat 4: Saknong 197–214 (Paghuli ni Don Juan sa Ibong Adarna)
Pangkat 5: Saknong 215–231 (Pagligtas ni Don Juan sa mga Kapatid)

GAWIN:
A. Ipalahad sa mga mag-aaral ang naidudulot ng pagtulong sa kapwa at
kahalagahan ng pagpapasalamat. Gamitin ang fan fact organizer.

14
PAGTATAYA:
Sabihan ang mga mag-aaral na sumulat ng isang maikling liham ng pasasalamat sa kanilang
kaibigan o kaklase na tumulong sa kanila sa oras na sila ay may problema o laging dumaramay
sa kanila sa panahon ng pangangailangan.

KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.4 Saknong 232–399


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 232–
399
 Nakikilala ang positibo at negatibong katangian ng mga tauhan sa akda
 Nabibigyang kahulugan ang salitang nagpapahayag ng damdamin
 Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa.
 Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa naging damdamin ng
tauhan sa akda
TUKLASIN:
Ibahagi ang kasaysayan ng magkapatid na Cain at Abel mula sa Bibliya.

15
Mga Gabay na Tanong:
a. Bakit nagawang patayin ni Cain si Abel?
b. May mga pagkakataon din ba na ikaw ay nakararanas ng inggit sa iyong
kapatid? Bakit?
c. Ano ang iyong ginagawa sa ganitong mga pagkakataon?
d. Kung ikaw si Cain, ano ang iyong gagawin?
LINANGIN:
Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna.
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang
babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.
Pangkat 1: Saknong 232–256 (Planong Patayin si Don Juan)
Pangkat 2: Saknong 257–274 (Pagbabalik nina Don Pedro at Don Diego sa Berbanya)
Pangkat 3: Saknong 275–317 (Dalangin ni Don Juan)
Pangkat 4: Saknong 318–338 (Paggamot ng Ermitanyo kay Don Juan)
Pangkat 5: Saknong 339–399 (Umawit ang Adarna at Hatol ng Hari)
GAWIN:
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpaguhit o magpagawa ng isang mural na
nagpapakita ng kaisipang nakapaloob ng araling tinalakay. Hayaang ipaliwanag ng mga
mag-aaral ang iginuhit sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.
Ang pagtatanghal ng bawat pangkat sa pamamagitan ng “One Stay, Team Stray” na
ipapaskil sa loob ng klase. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag
nito, samantalang ang ibang kapangkat ay lilibot upang makita ang ibang mural.
PAGTATAYA:
Magpasulat ng isang sanaysay na naglalahad ng saloobin ng mga mag-aaral kaugnay
ng pinagdaanan ni Don Juan sa kanyang mga kapatid.

16
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.5 Saknong 400–506


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 400–506
 Nakapagbabahagi ng sariling damdamin at saloobin ng tauhan sa akda
 Nasusuri ang damdaming namayani sa mga tauhan sa akda.
 Nakapagbibigay ng reaksyon batay sa mga pangyayari sa akda
 Nakabubuo ng isang patalastas tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa
samahan ng magkakapatid
Tuklasin:
Think-Pair-Share:
Papiliin ang mga magaaral ng kapareha at hayaan silang magbahaginan ng pagsagot
sa tanong sa ibaba.
Anong madalas ninyong pagtalunan o pag-awayan ng iyong kapatid? Paano kayo
nagpapatawaran sa isa’t isa? Gaano kahalaga ang pagpapatawad sa isa’t isa?

Linangin:
Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan
ang bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa
pamamagitan ng isang masining na pagbasa.
Pangkat 1: Saknong 400–427 (Pagpapakawala sa Ibong Adarna)
Pangkat 2: Saknong 428–440 (Pagtakas ni Don Juan sa Berbanya)
Pangkat 3: Saknong 441–462 (Pagkikita ng Magkakapatid sa Armenya)
Pangkat 4: Saknong 463–476 (Pagsasama Muli ng Magkakapatid)
Pangkat 5: Saknong 477–506 (Ang Mahiwagang Balon)
Paglalapat:
Challenge Envelope
Pangkatin ang klase sa lima at ipagawa ang sumusunod na mga gawain.
Pangkat 1: Ipakita ang ikalawang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don
Juan sa pamamagitan ng tableau.

17
Pangkat 2: Ilarawan ang tatlong prinsipe gamit ang dayagram sa ibaba.

Pangkat 3: Ibigay ang kabutihan at di-kabutihang naidudulot ng inggit gamit ang fishbone map.

18
Pagtataya:
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang patalastas tungkol sa
pagmamahal at pagpapahalaga sa samahan ng magkakapatid.

19
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.6 Saknong 507–729


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 400–506
 Nakapagbabahagi ng sariling damdamin at saloobin ng tauhan sa akda
 Nasusuri ang damdaming namayani sa mga tauhan sa akda
 Nakapagbibigay ng reaksyon batay sa mga pangyayari sa akda
Tuklasin:
Pagtunghay o pakikinig sa teksto mula sa Bibliya o isinaawit na bersyon ng 1
Corinthians 13: ”Love is patient, love is kind . . .” (Ang pagibig ay matiyaga, ang pag-ibig
ay mabait …)
Gabay na Tanong:
Anong bahagi ang naibigan mo? Bakit? Ibahagi ito sa klase.

Linangin:
Pagbasa ng mga Saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na
kanilang babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.
Pangkat 1: Saknong 507–566 (Pagkikita ni Don Juan at Donya Juana)
Pangkat 2: Saknong 567–650 (Pagkikita ni Don Juan at Prinsesa Leonora)
Pangkat 3: Saknong 651–680 (Ikatlong Pagtataksil kay Don Juan)
Pangkat 4: Saknong 681–729 (Kahilingan ni Leonora kay Haring Fernando)

Paglalapat:
Papunan ang T-chart sa kabilang pahina kung ano ang pagkakaiba ng paraan ng
panliligaw noon sa paraan ng panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan.

20
Pagtataya:

21
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.7 Saknong 730–933


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 730–933
 Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan sa akdang binasa
 Naipahahayag ang sariling saloobin, pananaw, at damdamin tungkol sa
napapanahong isyu kaugnay ng tinalakay sa akda
 Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnayugnay ang isang talatang
naglalahad ng sariling saloobin, pananaw, at damdamin
Tuklasin:
Magpakita ng larawan ng mga bagay na nagsisimbolo ng tagumpay tulad ng tropeo,
diploma, plake, at iba pa.
Magkaroon ng malayang pagbabahaginan ng sagot sa sumusunod na mga tanong
• Ano ang sinisimbolo ng mga bagay na ito? Kailan natatamo ang mga bagay na ito?
• Masasabi bang ganap nang tagumpay ang isang tao kapag nakamit niya ang mga
bagay na ito?

Linangin:
Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang
babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.
Pangkat 1: Saknong 730–746 (Pagtulong ng Lobo kay Don Juan)
Pangkat 2: Saknong 747–776 (Muling Pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna)
Pangkat 3: Saknong 777–792 (Panaghoy ni Leonora)
Pangkat 4: Saknong 793–854 (Paglalakbay ni Don Juan at Pagpaparaya ni Leonora sa
Pag-ibig kay Don Juan) Pangkat 5: Saknong 855–933 (Paglalakbay ni Don Juan
patungong Reyno delos Cristales)

22
Paglalapat:
Tableau
Pangkatin ang klase at papiliin ng isa sa mga nabuong kaisipan tungkol sa tagumpay at
pagpapatotoo sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa mula sa
mga simpleng karanasan sa buhay sa pamamagitan ng tableau o larawang-buhay.

Pagtataya:
Magpasulat sa mga mag-aaral ng isang sulatin na may kaisahan at pagkakaugnay-
ugnay ang isang talatang naglalahad ng sariling saloobin, pananaw, at damdamin
kaugnay ng kaisipang nakapaloob sa binasang akda.

23
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.8 Saknong 934–1278


Layunin:
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong 934–
1278
 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumarating sa buhay na
napagtagumpayan
 Nasusuri ang damdaming namayani sa tauhan sa akdang binasa
 Nakapagsasagawa ng isang masining na pagtatalo tungkol sa usaping
panlipunan na nakapaloob sa akdang binasa
Tuklasin:
Pag-usapan sa klase.

PAGSUBOK
Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay? Paano mo hinarap ang
mga pagsubok na ito? Ano ang natutuhan mo sa pagharap sa mga pagsubok na ito?

Linangin:
Pagbasa ng mga Saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang
babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na
pagbasa.
Pangkat 1: Saknong 934–987 (Pagkikita ni Don Juan at Donya Maria)
Pangkat 2: Saknong 988–1060 (Unang Pagsubok ni Don Juan)
Pangkat 3: Saknong 1061–1120 (Pangalawa at Pangatlong Pagsubok)
Pangkat 4: Saknong 1121–1185 (Pang-apat at Panlimang Pagsubok)
Pangkat 5: Saknong 1186–1278 (Pang-anim at Pampitong Pagsubok)

Paglalapat:
Pagsasagawa ng MASCOT

24
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpabuo ng isang likhang sining (artwork)
na nagsisimbolo sa tunay at makabuluhang pag-ibig.
Magbigay ng manila paper sa bawat pangkat. Atasan ang bawat miyembro ng
bilang. Magbigay ng hudyat na kinakailangan nang ipasa ng isang miyembro ang
manila paper sa susunod na miyembro na magtutuloy ng nasimulang sining.
Ipagpatuloy ang ganitong gawain hanggang sa makaikot na ang manila paper sa buong
pangkat. Huwag payagang mag-usap ang bawat miyembro habang isinasagawa ang
gawain. Dapat silang makinig at maging mapagmasid sa iniisip ng kanilang mga
kapangkat batay sa bubuuin nilang simbolo. Pagkatapos ng itinakdang oras, lahat ng
kanilang nabuo ay ipapaskil sa pisara.

Pagtataya:

25
KABANATA IV
ANG NILALAMAN NG IBONG ADARNA

4.9 Pangwakas na Gawain


Layunin:
 Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip
 Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-
ugnay sa mabubuong iskrip
 Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang pagtatanghal
 Nabibigyang-puna o mungkahi ang nabuong iskrip na gagamitin sa pagtatanghal
 Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na
naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino
Tuklasin:
Magpakita ng mga larawan na may kaugnayan sa mga bagay na nangyayari sa
ating buhay.
Gabay na Tanong:
Kung may isang bagay ka na iuugnay sa iyong buhay ano ito at bakit iyon ang napili mo

Linangin:
Dramatic Reading: Read & Act!
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng kani-kanilang bahagi
ng kuwento ng korido na kailangan nilang basahin at pag-aralan. Papiliin sila ng
mahahalagang saknong sa mga pangyayaring ito at magpasulat ng iskrip nito.
Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan
Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan Pangkat
3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran ni Don Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan

26
Paglalapat:

Pagtataya:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang masining na pagtatanghal ng ilang saknong ng
koridong Ibong Adarna na naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

27
KABANATA V
FRANCISCO BALAGTAS BILANG MAKATA

Layunin:
 Nakikilala ang may akda ng Florante at Laura at iba ang mga akda nito.
 Nakapagtatanghal ng isang talk show hinggil sa karanasan ni Francisco Balagtas
bilang isang makata.
Tuklasin:
Fact or Bluff
Magpakita at magpabasa ng mga pangungusap na may kinalaman sa buhay ni
Francisco Baltazar. Kung ito ay may tunay na kinalaman sa manunulat, ang mga mag-
aaral ay magsasabi ng FACT at BLUFF naman kung wala itong kinalaman sa nasabing
manunulat.
Linangin:
Pagtalakay ng buhay ni Francisco Balagtas bilang isang makata.
Paglalapat:
Pangkatin sa apat ang klase. Ang bawat pangkat ay gagawa ng iskrip para sa
itatanghal na talkshow na may kinalaman sa buhay ni Francisco Balagtas.
Pagtataya:
Ang bawat pangkat ay ipapakita at itatanghal ang nagawang iskrip ng talkshow
na may kinalaman sa buhay ni Francisco Balagtas.
Pamantayan:
Katumpakan ng Impormasyon 40%
Oras ng Pagtatanghal 10%
Kaayusan ng Pangkat 30%
Pagkakaisa 10%
Dating sa Madla 10%
Kabuuan: 100%

28
KABANATA VI
PINAG-UGATANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA
Layunin:
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- Pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat nito.
- Pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong naisulat ito.
- Pagpapatunay sa pag-iral pang mga kondisyon ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino.
Tuklasin:
Balde ng Kaalaman
Papangkatin sa dalawa ang klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng maliliit na balde
at mga sticky notes. Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng mga salitang may kinalaman
sa kasaysayan ng Florante at Laura at ilalagay ito sa balde. Ang pangkat na may
pinakamaraming sticky notes na nailagay ang hihiranging panalo.

Linangin:
TALA-KAALAMAN
Papangkatin sa dalawa ang klase. Basahin ng tahimik ang nasaliksik na kaligirang
pangkasaysayan. Pagkatapos nito’y ang bawat pangkat ay magkakaroon ng tugunang
tanong at sagot.

Paglalapat:
Papangkatin sa apat ang klase. Ang bawat pangkat ay isusulat sa cartolina ang
mga natatandaang pangyayari na nagpapakita ng kasaysayan ng Florante at Laura at
ipapakita ito sa naisipang masining na paraan.

Pagtataya:
I-R-F Punan ang talahanayan.
Initial Revised Final
(Dating Kaalaman sa (Nabagong Kaalaman sa (Kabuuan at Wastong
Paksa) Paksa) Natutunan sa Aralin)

29
KABANATA VII
ANG FLORANTE AT LAURA
7.1 SA ISANG MADILIM AT MAPANGLAW NA GUBAT
Florante at Laura (Saknong 1–68)
Layunin:
1. Nauunawaan at naipaliliwanag ang kahulugan ng binasang akda.
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga kasabihan sa mga pangyayari sa
buhay.
3. Nabibigyan ng kahulugan ang mga matalinghagang salita sa binasang akda.

Tuklasin:
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang
pampolitika ng bansa: Ano ang masasabi ninyo tungkol sa graft and corruption na
kinasasangkutan ng mga pinuno ng bansa? Sabihin: Bilang isang kabataan, tungkulin
mo na magsikap upang maging isang mabuting mamamayan. Isa sa mga tungkulin ng
mabuting mamamayan ay ang pagpili ng pinunong tunay na makapaglilingkod ng
matapat sa bayan. Kahit ngayong hindi ka pa maaaring bumoto, maaari ka nang
maglista ng mga katangiang sa palagay mo ay dapat na taglay ng isang mabuting
pinuno.

Linangin:
Paglilista ng Impormasyon
Hatiin ang mga mag-aaral sa limang grupo at bawat grupo ay maglilista ng mga
katangiang sa palagay nila ay dapat na taglay ng isang mabuting pinuno. Itakda kung
ilang katangian ang kailangang mailista ng bawat grupo. Pagkatapos ng pag-uusap ng
bawat grupo, ibabahagi nila sa mga kaklase ang kanilang listahan at ipaliwanag kung
bakit ang mga katangiang iyon ang kanilang pinili. Magkakaroon ng maikling talakayan
at palitan ng palagay sa klase tungkol sa mga ibinahagi ng bawat grupo.

Paglalapat:
Pangkatang Gawain
Pagkatapos ng pagbabahagi at pagpapalitan ng palagay, muling babalik sa
kanya-kanyang grupo ang magkakaklase upang gawin ang pagsusuri sa akda at sa
mga tauhan nito sa pamamagitan ng grapikong pantulong:
a. Ipalarawan ang gubat na kinaroroonan ni Florante.

30
b. Sa pamamagitan ng grapikong pantulong, ipalista ang mga katangian ng mga
pangunahing tauhan sa akdang binasa.

c. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:


1. Bakit laganap ang kasamaan sa kaharian ng Albanya?
2. Ayon sa binasang akda, ano ang ginagawa sa mga taong mabuti at masama? Ilista
sa tsart ang iyong mga sagot:

Pagtataya:
DEBATE
1. Hatiin sa apat na grupo ang klase at magpapalabunutan sila para sa mga paksang
padedebatihan nila sa klase (maaaring palitan ang mga nakalistang mungkahing paksa
ayon sa kung ano ang mainit na paksang panlipunan sa panahong tinatalakay ang
araling ito).
2. Ang magkatapat sa pagdedebate ay ang una at ikalawang grupo, at ang ikatlo at
ikaapat na grupo. Magkakaroon ng dalawang pares ng grupo na magdedebate.
3. Magpagawa ng pananaliksik tungkol sa paksa sa aklatan o sa mga pahayagan.
4. Sabihan ang mga mag-aaral na maghanda para sa debate sa susunod na pagkikita
ng klase.

31
4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Di-gaanong Mahusay
1 – Kailangan pang Pagbutihin

32
KABANATA VII
7.2 MAKAPANGYARIHAN ANG PAG-IBIG
Florante at Laura (Saknong 69–82)

Layunin:
 Nailalahad ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa
 Nailalarawan ang mga tauhan ng akdang binasa sa pamamagitan ng imahinasyon
 Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan base sa binasang akda
 Nauunawaan ang mga salitang ginamit ng may-akda
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga kasabihan sa mga pangyayari
sa buhay
Tuklasin:
Magpakita ng mga larawan na may kinalaman sa pag-ibig.
Mga halimbawa: mga rosas na pula, isang masayang pamilya, mga batang nasa fl ag
ceremony, kinakasal, o isang batang tumutulong sa isang matanda Tanungin ang mga
mag-aaral tungkol sa mga larawang kanilang nakikita.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong nakikita?
2. Sa palagay ninyo, paano ipinakikita o ipinararamdam ang pag-ibig sa mga larawan?
3. Paano ninyo ipapakita o ipaparamdam ang pagibig sa inyong kapwa?

Linangin:
Pagbasa nang Tahimik:
Ipabasa sa mga mag-aaral ang saknong 69–82 ng Florante at Laura. Bigyan ng
pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Florante at Laura. Ang
babasahing ito ay naibigay na ng guro bilang takdang-aralin kaya inaasahang ang
gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.

Paglalapat:
Dula-dulaan
Magpabuo ng isang maikling dula-dulaan. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat isang
grupo ay may ilalaang gawain batay sa binasang akda.
Pangkat 1: Gagawa ng maikling dula-dulaan base sa binasang akda.

33
Pangkat 2: Gagawa ng background at props para sa dula at ihahanda ang mga damit ng
tauhan.
Pangkat 3: Isasadula ang iskrip na ginawa ng unang pangkat.
Pangkat 4: Tatalakayin ang problemang kinakaharap ng tauhan sa dula at magbibigay
ng payo.

Pagtataya:
Ang pagtataya na ito ay tatawagin ding self-evaluation. Bubuuin ng mga magaaral ang
mga pangungusap na nakalista sa ibaba ayon sa kung paano niya ito nakikitang tama.
Tandaan na walang maling sagot sa pagtataya na ito dahil ang sagot ay depende sa mga
karanasan, paniniwala, at pagpapahalaga ng mag-aaral.
1. Ginagawa ko ang aking mga nakatakdang gawain sa bahay dahil ___________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________________________________________.
2. Naniniwala akong ang pagmamahal sa bayan ay naipakikita sa pamamagitan ng
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.
3. 3. Gustong-gusto kong gawin ang _____________________________________
dahil ____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

34
4. Pangarap kong _________________________________________sapagkat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________.
5. Para sa akin, ang pag-aaral ay ___________________________________
sapagkat_________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________.

35
KABANATA VII
7.3 ANG MAPAGKANDILING AMA
Florante at Laura (Saknong 83–107)

Mga Layunin
 Nauunawaan ang akda sa pamamagitan ng paguugnay nito sa personal na
karanasan.
 Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan basesa binasang akda
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyang panahon.

TUKLASIN:
A. Panimula
Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara at tanungin ang mga mag-aaral
kung ano ang naiisip nila kapag naririnig o nababasa ang mga salitang ito:
• Ama
• Daddy
• Papa
• Tatang
• Father
• Itay
• Dad
• Pappy
Tanungin din kung may alam pa silang ibang salitang ginagamit na tumutukoy sa ama.
LINANGIN:
Kaalamang Pampanitikan
Pagbasa nang Tahimik:
Babasahin ng mga mag-aaral ang saknong( 83–107 ) ng Florante at Laura.

Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng


Florante at Laura. Ang babasahing ito ay naibigay na bilang takdang-aralin kaya
inaasahang ang gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa
araw na ito.
PAGLALAPAT:
Hatiin sa limang grupo ang buong klase at atasan silang magsagawa ng sarbey
sa 10 mga kakilala o kaibigan tungkol sa kanilang ama.

Mga Tanong:
a. Ano ang tawag mo sa iyong ama?
b. Ilarawan mo ang itsura ng iyong ama.

36
c. Ano ang pinakagusto mong katangian ng iyong ama?
d. Ano ang pangarap ng iyong ama para sa iyo?
Ire-report ng bawat grupo sa klase ang mga impormasyong nakuha nila sa sarbey

PAGTATAYA:

Malikhaing Pagbasa ng Tula

1. Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at ipabasa ang tula sa pamamagitan ng


sabayang pagbigkas.

2. Maglaan ng sapat na oras upang makapagsanay ang mga mag-aaral para sa


sabayang pagbigkas.

Rubric para sa Sabayang Pagbigkas

Pamantayan 5 4 3 2 1

Paggamit ng iba’t ibang tinig na angkop sa damdamin ng tauhan

Lakas ng boses

Pagbaba at pagtaas ng boses (tono)

Pagkakasabay-sabay ng pagbasa

5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Di gaanong mahusay
2 – Katamtaman
1 – Kailangan pang pagbutihin

37
KABANATA VII
7.4 SI ALADIN, ANG TAGAPAGLIGTAS
Teksto: Florante at Laura (saknong 143–21)
Layunin:
1. Nailalahad ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa.
2. Nailalarawan ang mga tauhan ng akdang binasa sa pamamagitan ng imahinasyon.
3. Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan base sa binasang akda.
4. Nauunawaan ang mga salitang ginamit ng may-akda.
5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga kasabihan sa mga pangyayari sa
buhay.

Tuklasin:
Magpakita ng mga larawan ng mga doktor, pulis, o mga karaniwang tao na
tumutulong o gumagawa ng kanilang mga gawain upang makatulong sa kapwa.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa palagay nila ang mangyayari sa ating
lipunan kung walang mga taong nakahandang tumulong at magsakripisyo para sa
kanilang kapwa.

Linangin:
Pagbasa nang Tahimik:
Muling babasahin ng mga mag-aaral ang saknong 143–215 ng Florante at Laura.
Ang babasahin na ito ay naibigay na bilang takdang-aralin kaya inaasahang ang
gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.
Sanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8. Manila: Rex Book Store, Inc.

Paglalapat:
Pangkatin sa apat ang klase. Base sa binasang akda, gagawin ng bawat grupo
ang sumusunod na mga aktibidad. Maglaan ng sapat na panahon para sa pagsusulat
ng iskrip at pagsasanay.

38
Pagkatapos ng bawat pagtatanghal, magkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa
kanilang napanood. Mahalagang bigyang pokus ang pagpapalabas sa pananaw ng
mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.
Iugnay sa talakayan ang sinasabi ni Balagtas tungkol sa maling pagpapalaki sa
anak.
Ilang mahahalagang tanong para sa talakayan:
1. Bakit mahalaga ang pagmamalasakit sa kapwa?
2. Patunayan na magandang ugali ng mga Pilipino ang pagtulong at pagmamalasakit sa
kapwa.

Pagtataya:
1. Gagawa ng comic strip ang mga mag-aaral.
2. Ang comic strip ay isang repleksiyon base sa akdang binasa.
3. Ang pagtataya na ito ay maaari ring gawing takdang-aralin na ipapasa sa susunod na
pagkikita.

KABANATA VI
7.5 Si Aladin, Ang Tagapagligtas
Teksto: Florante at Laura (Saknong 216–257)
Layunin:
 Nailalahad ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa.
 Nailalarawan ang mga tauhan ng akdang binasa
 Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan base sa binasang akda
 Nauunawaan ang mga salitang ginamit ng may-akda
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga kasabihan sa mga
pangyayari sa buhay

Tuklasin:
Ipakita sa mga mag-aaral ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas at tanungin
niya ang mga mag-aaral kung ano kaya sa palagay nila ang kinalaman ng
Konstitusyon sa kanilang pag-aaral.

Pagkatapos ng mga sagot at palagay mula sa mga mag-aaral, basahin


ang isang bahagi ng Seksyon 1 ng Konstitusyon:

39
Mahalagang tanong para sa mga mag-aaral: Bilang isang mag-aaral, sa
iyong palagay, naisasakatuparan ba ng pamahalaan ang nakasaad sa
Konstitusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Linangin:
Kaalamang Pampanitikan
Pagbasa nang Tahimik
Muling babasahin ng mga mag-aaral ang saknong 143–215 ng Florante at Laura.
Ang babasahin na ito ay naibigay na bilang takdang-aralin kaya inaasahang ang
gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.

Paglalapat:
PAGEANT
Pangkatin sa lima ang mga mag-aaral at papiliin sila ng isa sa
sumusunod na mga kasabihan. Ipaliliwanag nila ang kasabihang napili sa
malikhaing paraan (pageant). Maaari silang magsagawa ng maikling dula, balita,
o magsulat ng tula. Ang kanilang mga gagawin ay ibabahagi sa klase at
pagkatapos ay magkakaroon ng mga talakayan at palitan ng opinyon ang klase
tungkol sa palabas ng mga kaklase at sa sarili nilang ginawa.

Mga Kasabihan:

a. Aanuhin mo ang kagandahan kung ang utak mo ay walang laman.


b. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang kinabukasan.
c. Ang taong matalino’y nag-uumpisa ng karunungan.
d. Malalaman ng taong matalino ang kanyang ginagawa ngunit ang mangmang
ay inaakay ng mali niyang unawa.
e. Ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.

40
Pagtataya:
1. Maghahanap ng kapareha ang bawat mag-aaral at magtutulungan sila sa paggawa
ng isang collage tungkol sa kahalagahan ng karunungan.
2. Ang gawaing ito ay maaaring gawing gawaing-bahay na ipapasa sa klase sa
susunod na pagkikita.
3. Ibabahagi ng magkapareha sa mga kaklase ang kanilang ginawang collage.
Ipaliliwanag nila kung ano ang ibig sabihin ng kanilang ginawa.
KABANATA VII
7.6 Si Florante, Ang Mandirigma
Teksto: Florante at Laura (Saknong 258–273)

Layunin:
1. Nailalahad ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa.
2. Nailalarawan ang mga tauhan ng akdang binasa sa pamamagitan ng imahinasyon.
3. Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan base sa binasang akda.
4. Nauunawaan ang mga salitang ginamit ng may-akda.
5. Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin tungkol sa mga pangyayari sa
binasang akda.

Tuklasin:
Pangkatin ang mga mag-aaral sa sampu, o depende sa laki/liit ng klase. Bigyan
sila ng pangalan ng isang bayani at pag-uusapan nila sa grupo ang mga katangian ng
bayaning ito at kung ano ang nagawa nito sa bansa. Ibabahagi nila sa klase ang
kanilang pinag-usapan.
Mungkahing listahan ng mga bayani:
• Jose Rizal
• Apolinario Mabini
• Melchora Aquino
• Juan Luna
• Antonio Luna
• Marcelo del Pilar
• Andres Bonifacio
• Gabriela Silang
• Teresa Magbanua
• Teodora Alonzo

Linangin:
Kaalamang Pampanitikan
Pagbasa nang Tahimik:
Muling babasahin ng mga mag-aaral ang saknong 258–273 ng Florante at Laura.

41
Ang babasahin na ito ay naibigay na bilang takdang-aralin kaya inaasahang ang
gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa talakayan sa araw na ito.
Sanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8. Manila: Rex Book Store, Inc.

Paglalapat:

a. Gamit ang buong pangungusap at ang kasanayan sa wastong retorika, ipasagot


ang sumusunod na mga tanong:
• Bilang isang mag-aaral na kabataan, paano ka makatutulong sa pangangalaga
ng kapayapaan? Ano ang mga maaari mong gawin at hindi gawin?

b. Hayaan ang mga mag-aaral na humanap ng kapareha at pag-usapan kung ano-


ano ang gusto nilang katangian ng isang mahusay na pinuno. Ipaliliwanag din
nila kung bakit ito ang mga katangiang pinili.

c. Magpabuo ng listahan ng mga mungkahi upang maiwasan ang digmaang


maaaring maganap kapag nagpatuloy ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
Tsina at Pilipinas.

d. Ipabahagi sa klase ang nabuong listahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng


T-Chart.

Pagtataya:
Sabayang Pagbigkas
Pangkatin sa lima ang klase at bigyan sila ng pagkakataong magsanay para sa
sabayang pagbigkas. Maaaring gawin ang pagtatanghal sa susunod na araw ng
pagkikita upang magkaroon ng sapat na paghahanda ang klase para sa kanilang
gagampanang papel.

(Bibigyan ng mga magtatanghal ng kopya ng rubric ang bawat grupong


manonood upang sila rin ay makapagbigay ng iskor.)

42
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Di gaanong mahusay
2 – Katamtaman
1 – Kailangan pang pagbutihin

43
KABANATA VIII
PAGKAKAIBA NG TULUYAN AT PATULA
Layunin:
 Naiisa-isa ang kahulugan, katangian, at pagkakaiba ng “tuluyan” at “patula”.
 Nakapaghahambing ng panitikang tuluyan sa patula.

Tuklasin:
DOUBLE ENTRY
Papangkatin sa dalawa ang klase. Ang unang pangkat ay magbibigay ng mga salitang
may kaugnayan sa salitang “tuluyan” at ang ikalawa naman ay magbibigay ng mga
salitang may kaugnayan sa salitang “patula”.

Linangin:
Papangkatin sa dalawa ang klase. Ang bawat pangkat ay gagawa ng frayer-model
upang ipakita ang kanilang mga binigay sna salitang may kaugnayan sa salitang tuluyan
at patula.
Pagtalakay sa kahulugan ng tuluyan at patula.

Paglalapat:
MOM (Magkaiba o Magkatulad)

Paghambingin ang salitang tuluyan at patula.

magkaparehas

tuluyan patula

44
Pagtataya:
Compare and Contrast Matrix
TULUYAN PATULA

pagkakaparehas pagkakaparehas

pagkakaiba pagkakaiba

45
KABANATA IX
PAGKILALA KAY RIZAL
Layunin:
 Nakikilala ang may akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at iba pang mga
akda nito.

 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- Pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat nito.
- Pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong naisulat ito.
- Pagpapatunay sa pag-iral pang mga kondisyon ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino.
 Nakapagtatanghal ng sociodramang patungkol sa kondisyong panlipunan sa
panahong naisulat ang akda
Tuklasin:
Timeline (My Bio, Your Info)
Pagpapakita ng Facebook Timeline ni Dr. Jose Rizal

Linangin:
Panel Discussion
Pag-usapan ang buhay at ang mga nilikhang akda ni Dr. Jose Rizal.

Paglalapat:
Debate
Papangkatin sa dalawa ang klase at pagtatalunan ang sumusunod na paksa.
Ano ang mas epektibong pamamaraan sa pamamalakad sa lipunan. Noong panahon ng
kastila o kasulukuyang panahon?

Pagtataya:
Pagtatanghal ng sociodrama
Papangkatin sa apat ang klase. Ang bawat pangkat ay magsasadula ng panlipunang isyu
sa Pilipinas na naranasan ni Dr. Jose P. Rizal.

46
Pamantayan:
Kaugnayan sa Paksa 40%
Pagkakaisa 20%
Kaayusan 20%
Mensahe 20%
Kabuuan: 100%

47
KABANATA X
ANG NOLI ME TANGERE
PAGTUKLAS SA NILALAMAN NG BAWAT KABANATA
10.1 Isang Maikling Kasaysaysan ng Nobela
Layunin:
 Napakinggan at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
– pagtukoy sa layunin ng mayakda sa pagsulat nito
– pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
– pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino
 Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang
mga epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan
 Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigaykahulugan.
 Napatutunayang ang akda ay may pagkakatulad / pagkakaiba sa ilang napanood
na telenobela.
 Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami.
 Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik.
 Nagagamit ang mga angkop na salita/ ekspresyon sa:
– paglalarawan
– paglalahad ng sariling pananaw
– pag-iisa-isa – pagpapatunay

Tuklasin:
Iparinig din ang awiting “Awit ni Maria Clara”

Pagkatapos ay itanong ito:


Ano kaya ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng awit?
Ano kaya ang mga nangyayari sa lipunan na siyang dahilan kung bakit
naisulat ang awit? Ipaliwanag ang sagot.
Linangin:
Ipabasa sa mga mag-aaral ang ilang tala tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
akda.
Paglalapat:
Sa anong telenobela mo maihahalintulad ang Noli Me Tangere? Patunayan ang sagot
sa pamamagitan ng paghahambing gamit ang Venn diagram. Sumulat ng isang talatang

48
nagpapaliwanag ng iyong pananaw kung bakit magkapareho ang dalawang likhang
sining.

Pagtataya:
Bigyang-diin ang pagpapahalaga sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagtiyak ng
bisa nito sa damdamin at isip ng mga mag-aaral. Maaaring pumili ng gawain ang mga
mag-aaral sa mga sumusunod:
1. Magsulat ng isang talatang panata sa bayan na nagsasaad ng iyong damdaming
ipagtanggol ang iyong bayan mula sa kaapihan. Gawin itong parang isang
monologo ng tauhan sa Noli Me Tangere.
2. Bumuo ng isang storyboard na ang kuwento ay tulad ng Noli Me Tangere. Kung
isasapelikula ito, ano-ano ang mahahalagang pangyayari ang isasama? Pumili
lamang ng mula lima hanggang sampu.

KABANATA X
ANG NOLI ME TANGERE
PAGTUKLAS SA NILALAMAN NG BAWAT KABANATA
10.2 Isang Maikling Kasaysaysan ng Nobela
Layunin:
 Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa.
 Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng
bawat isa sa nobela.
 Nabibigyangkahulugan ang matatalinghagang pahayag.
 Nahuhulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan batay
sa napanood na parade of characters.
 Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang tauhan.
 Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo tungkol sa
isang piling tauhan.
 Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian.

49
Tuklasin:
1. Itanong kung sino-sinong karakter ng Noli Me Tangere ang natatandaan nila
mula sa dating pagbabasa o mula sa mga unang kabanatang nabasa.
2. Iisa-isahing ipalalarawan sa mga mag-aaral ang katangian ng karakter na
kanilang napili.
3. Hingan ng patunay o paliwanag ang mag-aaral kung ano ang naging batayan ng
kanilang ginawang paglalarawan.
4. Pagkatapos, iparirinig ang monologo ni Sisa. Pagkatapos marinig o mapanood
ito, paguusapan ang dahilan ng kaniyang pagkabaliw at dahilan ng pighati.

Linangin:
Ipabasa sa mga mag-aaral ang buod ng Kabanata 12–22.
Paglalapat:
1. Mula sa ginawang pagkilala at paghihinuha sa kahihinatnan ng karakter, pumili
ng isa na gagawan ng pagsasatao. Sabihin sa mag-aaral na magbihis na tulad
ng isa sa mga karakter. Maaaring gumamit ng props at mag-make-up upang
maitulad ang itsura sa pisikal na anyo ng napiling karakter. Magsasagawa ng
parade of characters ang mga mag-aaral. Magpapakilala ang mga ito na parang
isang pageant.
2. Sumulat ng isang monologo tungkol sa karanasan ng tauhang napili. Maaaring
magpokus sa kasiyahan, takot, o kasawian ng karakter na siyang naging dahilan
ng kaniyang ugali at gawi sa kuwento. Maghanda sa masining at madamdaming
pagbigkas ng monologo.

Pagtataya:
Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pagkatao ng isang karakter ay hinuhulma ng
kaniyang masaya at mapait na karanasan. Maaaring sabihin sa mga mag-aaral
na dapat sikapin ng bawat isa na isa-isahin ang biyayang natatanggap kaysa
alalahanin ang sinapit na kasawian upang mas makita ang liwanag kaysa pighati
at upang mas gustuhing magsikap na maging mabuti kaysa piliing
magpakasama.

50
KABANATA X
ANG NOLI ME TANGERE
PAGTUKLAS SA NILALAMAN NG BAWAT KABANATA
10.3 Pangwakas na Gawain

Layunin:

 Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging kapalaran ng tauhan sa


akda at ang pag-unawa sa damdamin ng tauhan batay sa napakinggang
talakayan.
 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa pag-ibig.
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa.
 Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na nakavideo clip.
 Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan
upang 14 mapabuti ang sariling ugali, pagpapahalaga, at buong katauhan.
 Naitatanghal ang dulang panteatro na pumapaksa sa ilang napapanahong
isyung panlipunan sa kasalukuyan.

Tuklasin:

1. Itanong ang opinyon at damdamin ng mga mag-aaral matapos basahin


ang buong nobela. Pag-usapan din ang kanilang naging opinyon sa
paraan ng pakikipaglaban ng bawat tauhan sa kanilang kinaharap na
pagsubok.
2. Bago pa magpagawa ng pangwakas na gawain, pag-usapan sa klase ang
naging bisa, impluwensiya, at dating ng nobela sa kanila bilang
mabubuhay sa kasalukuyang panahon na nakikipaglaban pa rin sa
panunupil ng ibang lahi at ng maging ng kalahi.
3. Itanong din sa mag-aaral kung naniniwala ba sila o hindi na ang dahilan
ng ligaya at kasawian ng mga tauhan ay dahil sa pag-ibig. Iproseso ang
bawat sagot na ibibigay ng mga mag-aaral.

Linangin:

Ipabasa sa mga mag-aaral ang ilang tala tungkol sa kinahinatnan ng ilang


tauhan at ang pakikipaglaban para sa kalayaan na minimithi ng nobela.

Paglalapat:

51
Hatiin ang klase sa tatlo hanggang limang grupo. Papipiliin sila ng isa sa
pinakapaboritong tagpo sa nobela na may kaugnayan pa rin sa kasalukuyang
isyung panlipunan upang gawan ito ang iskrip. Hayaang itanghal ito sa klase.

Pagtataya:

Pagtatanghal ng Socio-Drama
Pagtatanghal ng limang pangkat ng kanilang ginawang iskrip ng kanilang
paboritong tagpo sa akdang Noli Me Tangere.

Pamantayan:
Kaugnayan sa Paksa 40%
Pagkakaisa 20%
Kaayusan 20%
Mensahe 20%
Kabuuan: 100%

52
KABANATA XI
ANG EL FILIBUSTERISMO

Layunin:
Nasususri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata sa nobela.
-Katangian ng mga tauhan
-Pagkamakatotohanan ng mga pangyayari.
-Tunggalian sa bawat kabanata

Tuklasin:
Video Presentation.
Pagpapanuod ng buod sa bawat kabanata na may kaugnayan sa suliranng
panlipunan.

Linangin:
Pagbasa ng mga bokabolaryo mula sa mga akda/kabanata at ito ay gagamitan
sa pangungusap.
1 Bapor Tabo
2 polista
3. Nakatawang kuneho
4. Amok
5. Poot

Paglalapat: Huling Hirit


Panuto. Bumuo ng 4 (apat) na pangkat. Sa paraang patalk show, magbigay ng
solusyon sa mga panlipunang isyu sa bawat kabanata.
1. Pagkakaiba ng mayaman sa mahirap
2. Pagtataksil sa sariling bayan
3. Katiwalian sa pamahalaan
4. Pagmamataas sa kapwa Pilipino.

Pagtataya:
Panuto: Mula sa akdang El Filibusterismo, pumili ng kabanata na nagpapakita ng
isang pangyayari ng isang pangyayayari na hanggang sa kasalukuyan ay
nagaganap.
Pamantayan:
Nilalaman......... 40%
Kaayusan........... 30%
Delibersyon......... 20%
Kagamitan............... 10%
____________
100%

53
KABANATA XII
Pagpapahalaga at Pagsusuri

Layunin
- Nakapaglalabas ng mga makabuluhang photo/video documentary patungkol sa
makatotohanang pangyayari.
- Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin

Tuklasin: Buzz Group


Pangkat-pangkatin
Panuto. Pangkatin ang klase sa dalawang pangkat. Mag uunahan silang buoin
ang larawan sa unahan o pisara. Matapos nitoy bibigyan ng sariling
pagpapaliwanag ang ipinapakita o isinasaad sa larangan.
1. Larawan na nagpapakita ng kahirapan
2. Larawan na nagpapakita ng katiwalian

Linangin: Pag uulat ng bawat kabanata

Paglalapat:
Pagbibigay kahulugan sa mga kasabihan
1. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansa at mabahong
isda.
2. Daig ng maaga at masikap.

Pagtataya.
Pagpapanuod ng video o photo documention
Panuto: Bumuo o gumuwa ng documention na nagpapakita ng mga
makakatotohanang pangyayari sa lipunan na maiiugnay sa El Filibusterismo.

Pamantayan:
Kaugnayan sa Paksa 40%
Pagkakaisa 20%
Kaayusan 20%
Mensahe 20%
Kabuuan: 100%

54

You might also like