You are on page 1of 1

Filipino 8- Pagtataya 1

Pangalan: Iskor:

Seksyon: Petsa:
IA. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salunguhit nang pahilig sa pangungusap.
1. Si Maria Asuncion Rivera o Selya ay ang babaeng nililiyag nang matagal ni Francisco
Balagtas. a. dinudumog b. minamahal c. niloko d. pinagsawaan
2. Lalong sumidhi ang galit ni Mariano Kapule kay Francisco Balagtas nang maging magkasintahan silang dalawa
ni Maria Asuncion Rivera.
a. marahas b.nawala c.pinag-usapan d. tumindi
3. Sa mata ng kalalakihan lalo na kay Mariano Kapule ay napakarikit na dilag si Maria Asuncion Rivera.
a. maamo b. mahinhin c. makabago d.napakaganda
4.Yumao ang magiting na makata na hikahos sa buhay.
a. mahirap b.mayaman c. may pinag-aralan d. may sakit
5.Nagsilbi sa kulungan si Francisco nang matagal kahit mali ang paratang sa kanya.
a. akusasyon b.nabilanggo c. may kasalanan d. walang kasalanan
B. Salungguhitan ang salitang naiiba ang kahulugan sa grupo ng mga salita sa bawat bilang.
1. Tikas bikas kaanyuan lakas
2. Panlaban pananggalang pantakip pandepensa
3. Nagmumuni isinasaulo binubulay-bulay nagninilay-nilay
4. Panaghoy pag-iyak pagsigaw paghagulgol
5. Bathin tiisin lisanin kayanin
6. Pagkasama pagkalimot pagkapahamak pagkapariwara
7. Mapanglaw masaya malungkot malumbay
8. Makatatatap makababatid makaaalam makapagtatago
9. Pag –iyak panawagan pananangis pananaghoy
10. Apuhapin hanapin hagilapin isipin
IIA. Panuto: Suriin at tuklasin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot a patlang bago ang bilang.
_______1 .Siya ang mabuting kaibigan ni Florante at kanya ring nagging kaklase sa Atenas.
_______2. Ang mabuting guro sa Atenas, amain ni Menandro.
_______3. Siya ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng Hari ng Krotona.
_______4. Ang babaeng iniirog ni Florante.
_______5. Isang taksil at buhong sa kasaysayan ng Florante at Laura.
B. Panuto:Suriin ang pahayag tukuyin kung takot, galit, lungkot, saya ang damdaming
ipinahihiwatig ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Naku! Ang aking mudra ay nagluto ng paborito kong ulam. ___________
2. Huwag na huwag kang pupunta rito para lang makilafang! ___________
3. Kahit sa aking panaginip laging kong nasisilayan ang mukha ng aking labs. ________
4. Ngayon na marami na akong datung hindi ko na kayo kilala. ___________
5. Nasan na ang pangako mo, parang bulang naglaho? ___________
6. Sayang , lahat ng pinaghirapan ng grupo was na. ___________
7. Ano bayan… kelan naman kaya ang katapusan ng covid? ___________
8. Hala! Dumarami ang nahahawaan, wag na po sanang lumala pa. ___________
9. Salamat . Meron na tayong mga pananggala sa sakit. ___________
10. Hindi ko gusto yang laruan na yan! Anchaka -chaka nyan. ___________

You might also like