You are on page 1of 10

FLORANTE AT

LAURA
ANG PAGTITIWALA SA IYONG
MINAMAHAL ANG
PINAKAMAHALAGA SA LAHAT.
1 2
Sa isangmadilim, gubat na mapanglaw, Malalakingkahoyanginihahandog
dawag na matinik ay walang pagitan, pawangdalamhati, kahapisa’tlungkot;
halos naghihirap ang kay Febong silang huni pa ngibon ay nakalulunos
dumalaw sa loob na lubhang masukal. sa lalong matimpit nagsasayang loob.

3
Tanang mga baging na namimilipit
Sa sangang kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi’t malapit.

4
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
Pinakamaputing nag-ungos sadahon;
Pawang kulay luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.

5
Karamiha’y Cipres at Higuerang kutad
na ang lihim niyon ay nakasisindak;
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidillim sa loob ng gubat.

6
Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
karamiha’y Sierpe’t Basilisco’y madla,
Hiena’t Tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa

7
Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa’y dinidilig
ng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.

8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho’y kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.

9
Baguntaong basal na ang anyo’ t tindig,
kahit nakatali-kama’y, paa’t liig,
kundi si Narciso’y tunay na Adonis,
mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.

10
Makinis ang balat at anaki burok,
pilikmata’t kilay – mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa’y pawing magkaayos

GAWAIN

Ibigay ang mga kahulugan ng mga salita.


1. Febo ( o Pebo)
2. Higuera
3. Sierpe
4. Averno
5. Basilisco
6. Tigre
7. Hiena
8. Cipres
9. Gubat
10. Puno ng Salita

You might also like